"A—Aivan......" Para bang tinatambol ang puso ko sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Nang makita ko ang mukha ni Aivan na basang-basa ng luha ay gusto ko siyang lapitan at sabihin sa kanya ang lahat. Pero bago ko pa magawa ang bagay na iyon ay nakita ko na lang na bumagsak mula sa kinatatayuan si Miguel. Nasaksihan ko kung paano paulanan nh malalakas na suntok ni Aivan ang kawawang si Miguel. "Tangina ka! Bakit mo hinalikan ang syota ko?!" Sigaw ni Aivan na halos ikasakit ng tainga ko. Nanginginig ako mula sa kinaroroonan ko. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Ilang beses ko nang nakita si Aivan na galit na galit. Katunayan ay maraming beses na, pero iba naman ang sitwasyon naming ito. Pakiramdam ko, anumang oras ay maaaring makapatay si Aivan. Nangangatog