"Malapit na ba?" Tanong ni Aivan. Siya kasi ang nagmamaneho sa aming dalawa. Napag-usapan kasi namin na ngayong araw na namin pupuntahan si Papa. Binasa ko ang text sa akin ni Papa kanina, "Uhm, kaliwa pa... Tapos kapag may nakita kang black na gate iyon na iyon." Ilang oras din kasi kaming bumyahe kaya paniguradong gutom na si Aivan. Hindi lang siya makapag-reklamo dahil wala na naman siyang magagawa. "Oh 'yan! Nandito na tayo." Sabi ko sa kanya nang makita ko na ang kulay black na gate. Bumaba kaming dalawa ni Aivan mula sa sasakyan, nag-doorbell ako at mayamaya ay lumabas na rin si Papa. Hindi na naman siya nagulat nang makita niya kami ni Aivan na magkasama. Nai-text ko na kasi si Papa kanina pa. "Good evening po, Tito!" Masayang bati ni Aivan pagkatapos bumati kay Papa. Ang si