"Ano na namang nginingiti-ngiti mo diyan?" Kunot noo kong tanong kay Aivan. Kadarating lang namin sa bahay. Ang haba nga ng biyahe eh. Mabuti nga at hindi nagligalig si Aivan. Kaming dalawa lang ni Aivan ang narito ngayon sa babay. Bukas pa kasi uuwi sila Daddy. Kaya heto at si Aivan ay parang timang. Sa tuwing titignan ko siya ay pansin ko na pangiti-ngiti pa siya, kaya tuloy medyo nakaka-ramdam ako ng awkwardness. Naiilang kasi ako sa mga titig niya at sa mga ngiti niya. "Hmmmm... Wala lang! Bakit? Masama na bang ngumiti ang pogi ngayon?" Sagot naman niya sa tanong ko. Napa-irap naman ako sa narinig, "Ang hangin mo talaga kahit kailan." Pailing-iling kong sabi sa kanya. Ngumisi siya, "Atlest mahal mo naman." "Tse! Ewan ko sa'yo." Bumalik na kami sa dati ni Aivan, pero ang napag-