Ilang araw pa ang sumunod na lumipas ay medyo naging maayos naman ang lagay ni Mama sa hospital, 'Yun nga lang ay hindi pa rin siya gumigising. Sabi naman ng doktor sa amin ni Papa ay may posibilidad na maaari magising si Mama pero kahit na magising ay hindi pa rin kayang malunasan ang sakit niya. Katunayan ay binigyan na nga si Mama ng anim na buwan na taning. Ngayon pa lang, hindi ko na maisip na bakit pa kailangang mangyari sa akin ito. Hindi ko naman pinangarapna mangyari iyon kay Mama. Kahit na hindi pa kami nagkikita simula noon, kahit na ngayon lang kami nagkitang dalawa- Hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa Mama ko. Naaawa na nga ako kay Papa. Minsan ay nakikita ko na siyang nakatulala sa kawalan, alam ko naman ang kalagayan niya na katulad ko ay hirap na hirap na rin sa