Hindi ko alam kung kailan matatapos itong problemang nararanasan ko. Sunod-sunod at tila walang pumipigil. "Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Aivan.. Alam kong makikinig siya sa'yo." Sabi pa ni Daddy sa akin. Marahan akong tumango at pinipigilan ang pagluha, "Opo, Daddy." Nang maka-alis sila Daddy at Tita Cassandra ay sakto naman ang paglapit ni Aivan sa pwesto ko, hinawakan niya ang kamay ko at dinala pa niya iyon sa labi niya. "Hmm... Saan mo gustong kumain?" Malambing na tanong niya sa akin. Napalunok naman ako bago magsalita, "M-Magpapaalam lang ako kay Papa." Sinamahan niya ako sa kinroroonan nila Papa kasama ng ibang mga pamilya niya, nagpaalam ako sa kanya na pupunta na muna ako sa bahay nila Daddy Blake. Hahanap na lang ako ng iba pang pagkakataon para makausap si Papa ku