Nanghihina akong napaupo sa kama ko. Para bang nawalan na ng lakas ang buhay ko dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang sakit nang malaman kong planado lang pala niya ang lahat. Kaya pala.... Kaya pala noon pa, napapansin ko na. Kaya pala noon pa ay pinagbawalan na niya akong mag-boyfriend o magpaligaw dahil gusto niya ay sa kanya ako mahulog, 'yun ba iyon? Iyon ba ang gusto niyang mangyari? Ang masaktan ako ng sobra na higit pa siguro sa inaakala niya? Masakit, oo. Sobrang sakit. Hindi ko nga maipaliwanag, eh. Noong malaman ko nga lang na ibang klase ang trabaho ni Aivan ay sobra na akong nasaktan, noong nalaman ko rin na nagkabalikan na pala si Cheska at si Aivan nasaktan na ako, paano pa kaya itong nalaman ko? Ibig ba niyang sabihin? Lahat ng ikinikilos n