Ang kapal! Ang kapal! Sobrang kapal! Ang dami ko na ngang labahin! Dinagdagan pa ng mga damit ni Aivan! Ang pesteng iyon! Kaya pala punong-puno ang bag niya dahil dinala rin niya dito ang mga damit niya na nagamit na niya. Ang kapal! Ang kapal! Sobrang kapal! Ako pa talaga ang balak niyang paglabahin ng damit niya?! Hindi na nga ako makangiti pa dahil sa dami ng labahin ko. Bwisit na Aivan na iyon! Wala talagang alam na gawin kung hindi pahirapan ako. Kung hindi ba naman loko-loko? Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit. Wala naman akong magawa kung hindi isama ang mga damit ni Aivan. Wala namang masamang amoy ang damit ni Aivan. Katunayan nga ay mabango ang mga damit ni Aivan. Kanina ko pa in-off ang cellphone ko. Kanina pa kasi tumatawag at nagte-text si Aivan pero hindi ko nama