"Psstttt.... Gising na! Gising na!" Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi lang buong katawan ko ang nayuyugyog kundi buong pagkatao ko. Pagbukas ko ng mata ko ay sumalubong sa akin ang nakakalokong mukha ni Aivan. Nakangiti pa siya na tila nang-aasar. What the hell?! Marami naman akong pwedeng matanaw sa paggising ko pero bakit siya pa?! Siya pa na ngayon ay shirtless sa harapan ko! "Gising ka na ba? Yuhoooooo!" Ani Aivan habang pinipitik-pitik ang pisngi ko, "Hello there! Gising ka na ba? Wooopppp woooopppp.." What the fudge?! Naka-droga ba ang isang ito?! "Gising na ako." Sabi ko at pagkatapos ay inalis ko ang kamay niya sa mukha ko, "Bakit masyado ka namang malapit sa akin? Tabi nga!" Ngumiti naman siya na mas lalo ko naman