• JESSICA POV • “Eto na yung ticket niyo. Sige na pumasok na kayo.” Binigay sa amin ni Ate Brenda ang plane ticket. Hinatid nila kami ni Kuya John dito sa airport. Ngayon kasi ang alis namin papunta sa China. 3:00 am na ng madaling araw. “Thank you.” Kinuha ito ni Rylan. Nagpaalam na kami sa dalawa. “Mag-ingat kayo doon ha?” Pahabol ni Ate Brenda. Tinanguan namin siya tsaka na kami umalis hila-hila ang maleta namin. 1-week kasi kami mamamalagi doon. Pero 4 days lang sa Xiamen tapos pupunta na kami sa shanghai at doon maglilibot. Pagpasok namin sa plane ay inasikaso kami ng mga crew dahil naka business class kami. Kinuha nila ang mga maleta namin kaya kinuha ko ang maliit na bag ko. Doon kasi nakalagay ang mga passport namin at ibang importanteng bagay. “This way po ma’am,” sabi ng l