• 3rd PERSON POV • HABANG nagmamaneho si Cedric pa pasok ng parking lot sa MCC Trading Company ay napahinto ito dahil may nakaharang sa harap niya. “Jusko naman! Dito pa nga nagharutan,” sabi nito. Magbubusina na sana siya nang mapansin niya si Jessica. Itinayo siya ng lalaking kasama niya, si Wilfran tsaka niyakap. Napakunot noo si Cedric dahil sa nakita niya. Pinagmasdan niya mabuti si Jessica dahil halos maghistirecal na ito at nang makita niya ito na tinulak si Wilfran ay biglang pumasok sa isip niya ang sinabi sa kanya ng mga pinsan niya. Ang lalaking nagtangka kay Jessica. Mabilis siyang bumaba ng kotse niya para puntahan ang mga ito, hindi na niya nakuhang isara pa ang pinto ng kotse niya dahil sa pagmamadali. Hinarap niya si Wilfran sa kanya at mabilis niya itong sinapak. N