• JESSICA POV • “Jessica.” Rinig kong tawag sa akin ni Manang habang kumakatok sa pinto. “Pasok po,” sagot ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Manang. Katatapos ko lang maligo dahil 10:30 am na. “Anong gusto mong lutuin kong ulam?” “Sinampalukang manok na lang po,” sagot ko sa kanya. “O sige, dito daw ba kakain ng tanghalian si Rylan?” “Opo.” Lumabas na si Manang kaya bumalik na ako sa closet ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng stripe na dress at pinatungan ko ito ng maong na half jacket at nag doll shoes. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at nag makeup ng very light lang. “Ayan, nag mukhang tao kana rin Jessica,” sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang reflection ko sa salamin. Biglang tumunog ang phone ko kaya nagpunta ako sa kama ko at hinanap ito. Tumatawag si Rylan kaya