• 3rd PERSON POV • MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN na pananatili ni Jessica sa baguio ay naging magkaibigan sila ni Evan, madalas silang kumain sa labas at minsan ay tumatambay ito sa bahay nito. Ipinahirap pa ni Evan ang isang phone nito kay Jessica na hindi naman niya nagagamit para may contact ito sa isa’t-isa. “Hello?” sagot ni Jessica sa cellphone na hawak niya. “I’m on my way,” sabi nito mula sa kabilang linya. “Sige, ah! Evan, ano kasi… ahh…” Utal na utal na sabi nito. Nahihiya kasi ito na magsabi dito. “Hahahha! Ano yon? If need mo ng pera just tell me,” sabi nito. “Hindi. Hindi!” sabi nito agad. “Ano? Ito naman nahiya pa! halos isang buwan na tayong magkaibigan Jess, ngayon ka pa nahiya sa akin.” “May papabili sana ako, pero wag na. Bukas na lang ako na lang bibili.” “Ano