• 3rd PERSON POV • KINABUKASAN nagising si Jessica dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Tinignan nito ang cellphone niya para makita kung anong oras na. “4:26 am pa lang, sino naman ang pupunta ng ganitong oras dito, imposible naman na si Evan dahil tatawag muna ito bago magpunta sa bahay,” sabi nito sa isip niya. Kinuha niya ang jacket niya at sinuot ito tsaka madaling lumabas dahil walang tigil ang pag doorbell nito, halos mataranta na nga ito sa paglalakad. “SANDALI LANG NAMAN!!!” sigaw nito sabay bukas ng pinto at pumunta sa gate. Laking gulat nito ng makita niya kung sino ang mga ito. “Kuya Oliver? Anong ginagawa niyo dito? Paano niyo nalaman na nandito ako?” Kinakabahan na sabi nito sa tatlong pinsan ni Rylan. “Alam mong kaya kitang hanapin kahit saan ka pa magpunta,”