• JESSICA POV • MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN. Nandito ako ngayon sa isang kwarto npuno ng mga magagandang bulaklak, nakaupo sa isang maganda at mahabang sofa. Ngayon ang araw na ikakasal ako. Finally, ikakasal na ako sa taong mahal ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang isang staff na isa sa mga nag-ayos ng buong wedding event ko. “Jessica, nandito na ang photographer, tatawagin ko lang ang groom mo,” sabi nito. “Teka! Ate wag mo siyang tawagin!” Agad naman siyang bumalik sa akin. “Bakit? Ayaw mo bang mag picture dito kasama siya?” “Hindi naman sag anon, marami na kaming picture ng prenup. Gusto kong sa mismong altar na niya ako makikita,” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakuha naman niya ang gusto kong mangyari kaya ngumiti siya sa akin. “Sige, yung mga bisiti mo n