• 3rd PERSON POV • HABANG KUMAKAIN sina Jessica at Rylan ng almusal ay biglang tumunog ang cellphone ni Jessica. Napatingin si Rylan dito hanggang sagutin ni Jessica ang tawag. “Hhhmm! Bakit?” Bungad na sagot nito. “Ah! Oo nga Evan, pupunta ako diyan sa hospital niyo ah, kasama ko si Rylan,” sabi nito. Tahimik na kumakain lang si Rylan habang nakikinig dito. “Mag papachecj-up, kailangan ko rin ng bagong reseta, naiwan ko yung mga vitamins ko sa Baguio e.” “Ay talaga? Kailan siya darating? Sige balitaan moa ko ha, gusto ko rin siya makita. Oo sige bye.” Pinatay n ani Jessica ang tawag at pinagpatuloy ang pagkain. Napatingin siya kay Rylan na nakatingin rin sa kanya. “Anong mukha na naman ‘yan? Don’t tell me nagseselos ka pa rin? Uuwi na si Ate Presilla. Aattend sila sa kasal natin.”