“Everyone, let’s have a team dinner later.” Bungad ni Ms. Gomez isang umaga pagpasok nito sa Marketing Department. “Yey, sure ma’am!” “Wow, team dinner!” “Na-miss na namin lumabas, ma’am” Halos lahat ng officemates ni Selena ay tuwang tuwa sa announcement ni Ms. Gomez. Pati siya ay nagtaka din kung para saan ang team dinner. “It’s actually like a sending-off party for Selene, although hindi naman siya mapapalayo sa atin.” Ahh, para pala sa akin. Loob loob ni Selena, natutuwa siya kay Ms. Gomez na magpapa-send off party pa. Nagpaalam kasi siya kagabi bago umuwi si Ms. Gomez, na lilipat na siya sa News Department. Kinausap siya ng head nito para sabihin na kailangan na niyang mag-full time sa news. Hindi lang 7:00 pm news ang pahahawakan sa kaniya, magkakaroon na din ng hourly ne