“Selene, Selene, halika na umahon ka na.” Jericho grabbed Selena’s hand at hinatak ito papunta sa steps. “Ha? Bakit? Ayoko pa. Gusto ko pa dito.” Pumapalag pa si Selena. “Halika na. May sundo ka na.” Hinahatak pa din ni Jericho si Selena malapit na sa may steps. Nang makita ni Ezekiel na paahon na si Selena, lumapit ito at inihanda ang coat niya. Nagulat na lang si Selena nang pag-ahon niya ay may nagbalabal ng coat sa balikat niya. Bigla siyang napatingin dito. “Sir Zeke!” Parang nawala ang pagkalasing ni Selena at agad na namutla pagkakita kay Ezekiel. Hindi nagsalita si Ezekiel. Inakbayan niya agad si Selena at inalalayang maglakad hanggang sa sasakyan. Hindi lumilingon si Ezekiel kahit alam niyang kilala siya ng mga estudyante. Pagdating sa sasakyan ay pinaupo niya sa likuran s