Selena concentrated on doing her tasks at work during the semestral break. Naging madalang na din ang pag-uusap nila nina Helen at Jericho dahil wala nang pasok. Natuwa naman si Selena dahil maiiwasan na niya si Jericho. The last thing she wanted was to upset Ezekiel. Pero lumagpas na naman ang isang linggo nang hindi siya nagpapakita. Hmp…madalas talaga tinotopak lang yung si Sir Zeke. Ang bilis magalit, pero paasa naman. Hindi maintindihan ni Selena kung bakit hindi na naman nagpapakita si Ezekiel. Asang asa pa naman siya na mula nang mangyari sa kanila iyon nung gabi ng party, mapapadalas na ang punta ni Ezekiel para bantayan siya. Isang linggo na lang ang natitira sa bakasyon niya, balik school na naman siya. Paano ko kaya sasabihan si Jericho na layuan ako? Kawawa din naman yung