Nang mapatingin si Ezekiel sa magkahawak na kamay nina Selena at Tony, naningkit ang mga mata niya at seryoso siyang napatitig kay Selena. Selena’s heart beat fast, pakiramdam niya ay lalabas sa dibdib niya ang puso niya. She was confused and couldn’t understand her feelings. Natatakot ba ako? Grabe kasi siyang makatingin. O na-excite ba ako? Miss na miss ko na pala talaga si Zeke. Pero bakit si Ms. Cassey ang kasama niya? Napatingin si Selena kay Cassey na nakahawak sa braso ni Ezekiel. Cassey pretended na hindi niya alam ang nangyayari. She wanted to see more of Selena’s reaction kaya kumapit pa siya lalo sa braso ni Ezekiel bago nagsalita. “Zeke, you know Selene and Tony, right? They’re also from ZBN.” Selena came to her senses. Bigla siyang bumati kay Cassey. “Oh hi, Ms. Cassey!