SINIKAP kong kalmahin ang sarili ko. I should act accordingly and professionally in front of a client, at iyon ang paulit-ulit kong ipinapaalala sa isip ko habang nakatingin sa aking kapitbahay at new partner ng isa sa pinakamalaki naming kliyente.
Taas-noo akong humarap kay Jeff. Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko upang pormal na magpakilala. I wasn’t able to take his hand earlier. Sobra kasi akong nagulat na naririto siya.
“Good afternoon, Mr. Navarro. I am Anita Salcedo, the Creative Consultant of The Idea House. I’m pleased to meet the new partner of Hayal Lingerie.”
He smirked. Pinigilan ko ang mag-react doon. Kahit ang facial expression ko ay pinanatili ko lang neutral. Hindi ko rin binawi ang aking palad.
Kumilos naman si Jeff para tanggapin ang pakikipagkamay ko. I firmly shook his hand. Pero bago ko pa mabawi ang kamay ko ay ramdam ko ang dalawang beses na pagdiin ng dulo ng gitnang daliri niya sa aking palad.
I pulled my hand suddenly. Halos maeskandalo ako lalo na nang maaninag ko ang makahulugang ngiti ng kaharap ko. Pasimple akong lumunok.
Gago talaga ang isang ito! Pati sa pakikipagkamay ay dala-dala niya ang kabastusan!
“I am more pleased than you are, Annie. Shall I call you, Annie?”
Ilang segundo pa bago ko nasagot iyon. “S-sure, Mr. Navarro. In any way you’re comfortable with.”
Ngumiti lalo siya. Mas makahulugan ang ngiting ibinato niya sa akin kaya abot-abot ang pagpipigil ko sa aking sarili na huwag siyang sampalin.
I tried my best to ignore him. Isinenyas ko sa kaniya ang silya bago ako naupo.
“Annie, please, let me thank you for giving us your time…”
Nilingon ko si Mr. Austria.
“My new partner wants to discuss something about your project for Hayal. Pasensiya ka na kung biglaan din ang pagsasabi namin na pupunta.”
“I understand, Mr. Austria. Wala namang problema roon. Besides, everything is going smoothly. In fact naka-schedule na ang shoot para sa print and billboard ads.”
“Thank you for your professionalism.”
Ngumiti ako. Maiksing tumango sa akin si Mr. Austria. Nilingon ko naman si Jeff pagkatapos.
“So… Mr. Navarro, may we discuss already your concerns about the latest campaign project of Hayal? Iyan din kasi ang itinawag sa akin kanina ni Ms. De Claro, ng General Manager ng The Idea House kaya kanina ko pa iniisip kung may problema ba sa ginawa ng team ko.”
“May problema, actually. I didn’t like the concept, Miss Salcedo.”
Natigilan ako. Napakurap-kurap. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Napatingin ako kay Mr. Austria na halatang nagulat din sa isinagot ni Jeff.
“What is it with the concept, Mr. Navarro, that you didn’t like? Anong issue roon?”
“It’s too ordinary,” walang gatol na sagot ni Jeff.
“W-what?” Halos magpanting ang tainga ko.
“There’s nothing new in the campaign. I want something different, Miss Salcedo.”
“What do you mean, Jeff?” sabad ni Mr. Austria. “Akala ko ba ay may lilinawin ka lang tungkol sa project? It’s already done. Don’t tell me na ipapabago mo pa?”
“Why not, Kiel? Kapag may hindi ka ba gusto sa isang trabaho, hindi mo ba ipapabago? And as the Marketing officer of Hayal, gusto kong makita ang essence ng pangalan ng kompaniya para sa mga kababaihan.”
“What do you mean by that?” umaarko ang kilay na tanong ni Mr. Austria.
“What does the word ‘Hayal’ mean?” balik-tanong naman ni Jeff na nagpakunot ng noo ko.
“To dream.” Si Mr. Austria ang sumagot dito.
“Exactly. And all our products are made for women. So for me, the company itself represents women’s dream. Our company encourages every woman to dream.” Nagtaas pa siya ng mga kilay sa amin matapos sabihin iyon.
Halos gumulong ang mga mata ko sa impatience. Napabungtung-hininga ako bago nagtanong.
“Mr. Navarro, hindi ko pa rin makuha ang point sa sinasabi mo. Anong kinalaman niyan sa campaign ad na ginawa ng team ko?” mahinahong tanong ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang mag-walk out sa meeting room. Hindi lang bastos at gago, maligalig pa pala itong kausap!
“My point here is piling-pili ang mga modelong gagamitin ninyo para sa campaign, Miss Salcedo. I don’t like it. Nasaan doon ang essence ng ‘hayal’? Iisang size ng mga kababaihan ang kinuha ninyo at sa iisang range ng edad. Paano na ang iba?”
“So what do you suggest? Can you please specify what exactly you want to see in the campaign?” tanong ko, timping-timpi na huwag siyang pagtaasan ng boses.
Ngumisi si Jeff. Nasisiyahang tumango-tango siya na animo nagtagumpay sa isang laban. At pagkatapos ay saka niya ako matamang pinagmasdan.
Pagbalik sa office ko ay hindi ko na napigilang ibagsak pasara ang pinto. Padarag akong naupo sa swivel chair at sinapo ng isang palad ang aking noo.
“Miss Annie, gusto mo ba ng kape?”
Nahilot ko ang magkabila kong sentido. Hindi ko sinagot ang tanong ng assistant ko at sa halip ay padaskol akong tumayo at saka nagpalakad-lakad sa loob ng aking opisina.
“Sinusubukan talaga ng Jeff Navarro na ‘yan ang pasensiya ko!”
“Bakit, Miss Annie? Ano bang problema mo kay Sir Jeff?” kalmado pa ring tanong ni Ricky. Napahinto ako at di-makapaniwalang tumingin sa assistant ko.
“Hindi mo alam? Hindi ba’t naroon ka sa meeting room kanina no’ng sabihin niyang hindi niya gusto ang campaign project na ginawa natin sa Hayal?”
“Y-yes, Miss… pero… w-wala naman akong nakitang problema dahil may point naman si Sir Jeff-”
Naihampas ko ang palad ko sa ibabaw ng aking mesa. Napahinto si Ricky sa pagsasalita at takot na tiningnan ako.
“I don’t need your opinion, Ricardo! Ang gawin mo ay ipunin ngayon ang nasa creative team dahil may importante akong sasabihin sa kanila! Bilis!”
Dali-dali namang lumabas ang assistant ko para sundin ang aking utos.
Wala si Lourdes. Hindi ko siya ma-contact pagkatapos ng pag-uusap namin kanina pang umaga. Nasa akin ang lahat ng desisyon ngayon. Dagdag na trabaho ang bagong concept para sa campaign ad ng Hayal. Naka-set na sana ang shoot para sa print and billboard ads pero, dahil may gustong ipabago ang Marketing Head ng lingerie company ay kinailangan kong ipa-cancel iyon.
Kadalasan ay challenge sa akin ang mga ganitong eksena sa agency. Fulfilling kasi once na matapos ko ang project nang hindi napapatumba ng stress pero, may pagkakataong naghahanap pa rin ako ng mahihingahan ng sama ng loob at pagod.
“You can do it, hon’. Ikaw pa ba?” malambing na sabi sa akin ni Daniel. Nasa office pa ako at naghahanda na sa pag-uwi nang tawagan ko siya. I’m used to it. Ako ang tatawag dahil mas may pagkakataon akong gawin iyon kesa sa kaniya.
“Thanks, hon, for believing in me. And yes… I know I can handle this. Siguro kailangan ko lang marinig ang boses mo para mabawasan ang stress ko.”
Tumawa siya. “Are you feeling good, now?”
Napanguso ako. “Oo. Kalmado na rin kahit paano.”
“That’s good. Hon, I have to go. May pinapatapos kasi ang boss ko at kailangan na niya bukas. I’ll call you tomorrow morning.”
“Okay, hon. Pauwi na rin naman ako. Bye! I love you.”
“I love you.”
Nang mawala sa linya si Daniel ay tumayo na rin ako at dinampot ang aking bag. As usual, mag-isa na lang akong natira sa office dahil nag-uwian na ang mga empleyado at si Ricky naman ay kanina ko pa pinauna.
Tahimik akong sumakay ng elevator. Paglabas ko sa may ground floor ay tumunog ang cellphone ko sa pumasok na tawag mula sa isang unregistered number. I picked up the call.
“Hello?”
“Hi, Annie! Nasa office ka pa ba?”
Natigilan ako. Hindi ako maaaring magkamali. Si Jeff ang nasa kabilang linya.
“B-bakit ka tumawag? At sinong nagbigay sa’yo ng number ko, ha?” Mabibilis ang naging lakad ko. Hindi ko na nga nagawang tugunin ang mga bati sa akin ng mga security guards.
“Hey, hey, relax, Annie! Kliyente n’yo ang Hayal at bilang isa sa mga partners, I have to know your contact number. So nasa office ka pa ba ninyo?”
Lumabas ako ng building at dire-direchong naglakad hanggang sa tabi ng kalsada.
“Pauwi na. Ngayon pa lang ako uuwi. You know, I had to work overtime dahil may isang maligalig na partner na gustong ipabago ang campaign project na ginawa ng team ko para sa kompaniya niya.”
“Oh. That’s very unprofessional. Paano mo nasabing maligalig ang kliyente n’yo? Hindi mo ba naisip na para rin sa ikakaunlad ng ad agency ang ginawa niya?”
“I don’t think so. And please, I don’t want to talk to anyone at this moment. Pauwi na ako at kailangan ko pang mag-abang ng taxi! Good night!” naiiritang sabi ko sabay patay sa aking cellphone.
Napatingin ako sa mga sasakyang dumadaan. Maya-maya ay napansin ko ang isang pamilyar at magarang kotse na huminto sa aking tapat.
Kumabog ang dibdib ko. Bumaba ang salamin ng bintana sa tapat ko at mula roon ay nakita ko ang nakangising mukha ni Jeff.
“I’m here already, Annie. You don’t have to hire a cab. Sabay na tayong umuwi… neighbor.”