PANGITI-ngiti ako habang sakay ng elevator na paakyat sa opisina ng The Idea House. Nai-imagine ko pa lang ang magiging reaksiyon ng kapitbahay ko, hindi ko na mapigilang matawa sa isip ko lang.
I never thought that moving out from my father’s house would be this exciting. Wala na rin kasing thrill sa akin ang ilang mga babaeng nasa contacts ko - young and beautiful women who were at my disposal na isang tawag ko lang ay darating agad para punuan ang s****l needs ko. I needed some challenge. At mukhang malaking hamon sa p*********i ko si neighbor.
I twitched my lips. Napatutok ako sa numerong nalabas sa elevator nang sikuhin ako ni Ezekiel na nasa gilid ko. I turned to him and my eyebrows rose.
“What?”
“I just want to remind you, Jeff, that you should act appropriately in front of Annie. Napaka-professional na tao no’ng isang ‘yon. Ayokong magkaroon ng issue sa pagitan ng agency nila at ng kompaniya natin.”
Tumikwas ang isang sulok ng labi ko sa pagngiti. “Relax, pare! Wala pa nga, e, kinakabahan ka na agad? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?”
“I’m just warning you. Ayokong masira ang tatlong taong relasyon ng Hayal at TIH. Lahat ng campaign projects na ginawa nila para sa Hayal ay nagbunga nang magagandang resulta. Wala akong balak maghanap ng iba pang ad agency maliban sa kanila.”
“Don’t worry, Kiel. May mga gusto lang akong alamin sa creative team ng TIH kaya ako nagpapatawag ng meeting with them.”
“Siguraduhin mo lang, Jeff,” may pagbabantang sabi niya. “You’re not just a partner in this business. Kaibigan kita at bukod doon ay para na rin kitang kapatid. H’wag mong sisirain ang tiwala ko sa’yo.”
I smiled. Inalis ko na ang pansin ko kay Ezekiel at hinintay ang paglabas ng numero ng floor ng TIH office.
Professional si Annie? Well, I don’t doubt it. Maganda naman talaga ang records ng ad agency nila. Maraming satisfied na kliyente at kilala na rin sa ilang parte ng Kamaynilaan. Pero tingnan ko lang kung anong level ng professionalism meron si Annie kapag nagkaharap ulit kaming dalawa.
Nang huminto iyon sa tamang palapag at nagbukas ay nauna na akong lumabas. Kasabay ko si Ezekiel na nilakad ang malapad na hallway ng opisina. Ito ang unang beses na tumapak ako sa TIH office pero, kahit paano ay may alam na ako tungkol sa structure ng ahensiya. I did my research earlier habang nasa sarili kong office sa Hayal.
Ang alam ko ay nasa tatlumpu ang empleyado ng The Idea House. Sampu noon ay nasa Creative Team, may tig-isang assistant ang may-ari at ang Consultant. Apat na tauhan sa Finance, tatlo sa Technical Team, tatlo sa Human Resources at dalawang receptionist. May dalawang tao sa maintenance at dalawang runner.
Dalawa sa mga empleyadong iyon ang lumapit para salubungin kami - isang lalake na may suot na pink scarf sa leeg at isang babaeng nakasuot nang makapal na eyeglasses.
“Good afternoon, Mr. Austria!” bati ng mga ito sa kasama ko pero, ang mga mata nila ay sa akin napatutok nang matagal.
“Good afternoon, guys! This is Jeff Navarro, Hayal Lingerie’s new partner and Marketing Executive. Jeff, ito si Ricky, ang assistant ni Miss Annie Salcedo at si Yunna, ang assistant naman ni Miss Lourdes de Claro.”
“How are you, Mr. Navarro? We are so pleased to meet you as the new partner of Hayal!” wika ng assistant ni Annie sabay abot ng kamay sa akin.
Tinanggap ko iyon. “I’m good. I supposed alam na ng boss mo na darating kami?” tanong ko sabay bitaw sa kamay niya.
“Of course, Mr. Navarro! Please, let me guide you to the meeting room. Uh, Yunna ikaw na ang tumawag kay Miss Annie, pakisabi na naririto na ang taga-Hayal,” anito nang balingan ang kasama.
“Bakit ako, Ricky? Ikaw ang assistant, ikaw ang tumawag?”
“E, ‘di ba, sasamahan ko nga sina Mr. Navarro sa meeting room?” nakangising sabi nito sa kasamahan sabay sulyap sa akin.
“Bakit, hindi ko ba alam ang papunta roon? Ako na lang ang sasama.”
“Ako na nga ang nagprisinta, hindi ba?”
Nagkatinginan kami ni Ezekiel. Napapangiti at napapailing siya habang napapataas ako ng mga kilay sa pagtatalo ng dalawa.
“Baka pagalitan ako ni Miss Annie kapag ako ang tumawag sa kaniya!”
“Hindi ‘yan at wala naman ang boss mo. Don’t worry, sagot kita!”
“Excuse me, guys?” Hindi ko na napigilang sumali sa usapan nila. “Bakit hindi na lang kayong dalawa ang tumawag sa boss n’yo? Tutal ay alam ni Mr. Austria kung saan ang meeting room, kami na lang mismo ang pupunta at doon na namin hihintayin si Miss Salcedo.”
Natigilan ang dalawa sa suggestion ko. Napasulyap ako kay Ezekiel na seryoso na ngayon ang mukha.
“Uh, o-oo sige po, Mr. Navarro. I think your idea is better,” wika ng babae sabay kalabit sa kasamahan nito. Ilang sandali pang nag-atubili ang assistant ni Annie bago ito nagpahila palayo sa amin.
Sa meeting room ng agency kami tumuloy ni Ezekiel pag-alis ng dalawang empleyado. Isa sa mga empleyado ang naabutan namin sa loob na nag-aayos ng ilang gamit doon. Kilala nito si Ezekiel kaya agad itong bumati sa amin.
“Dito na namin hihintayin si Miss Salcedo sa loob, okay lang ba?”
“Of course, Mr. Austria! Can I offer you something? Ano pong gusto mo, Sir?” tanong ng babae at tumingin sa akin.
“Coffee for me,” sagot ni Ezekiel kaya nawala ang tingin sa akin ng babae.
“Sure, Mr. Austria. Sa inyo, Sir?”
“Water,” maikling sagot ko bago ko hinila ang isang silya at naupo na.
Isang ngiti lang ang tugon sa akin ng babae bago ito unti-unting lumabas. Nakita kong naupo na rin si Ezekiel. Iginala ko ang tingin ko sa loob ng meeting room bago ko tinanaw sa glass walls ang pwesto ng ilang empleyado. Napansin kong lahat sila ay tutok na tutok sa kani-kanilang mga trabaho.
Bumalik ang female employee dala ang hininging kape ni Ezekiel at tubig naman para sa akin. Inilapag niya ang tray sa mesa. Iniabot nito ang kape ni Kiel.
“Thank you,” anang partner ko.
Pagkatapos, binuksan naman ng babae ang bottled water at sinalinan ang naroong baso bago iniabot sa akin. Kinuha ko ang baso, tumango lang ako sa kaniya bago uminom.
“Parating na po si Miss Annie, mga Sir…”
Nahinto ako sa pag-inom. Dumako ang mga mata ko sa labas ng meeting room at doon ay naaninag ko ang manipis na pigura na lumalakad sa pasilyo.
Una kong napansin ang makinis at mapuputing legs niya na exposed na exposed sa maiksing palda. Hindi mahahaba ang binti ni Annie pero, maganda ang hugis noon at mala-porselana ang balat. I could almost imagine myself kissing those nice pair of legs. Pagkatapos ay pupulupot iyon sa baywang ko habang naglalabas-masok ako kay Annie.
Napalunok ako at nanliit ang mga mata sa aking naisip. I set aside the thoughts. Not now. Kailangan ko munang magtrabaho.
Nakita kong kasalukuyang nakikipag-usap si Annie sa isang male employee. Nagsasalita siya habang isa-isang iniaabot sa tauhan ang mga hawak na posters.
Hindi na ako nakatiis. Ibinaba ko ang baso sa mesa at saka tumayo. Binuksan ko ang glass door ng meeting room.
“Jeff, where are you going? Parating na raw si Annie?”
Hindi ko pinansin si Ezekiel. Sa pwesto nito, malamang na hindi nito natatanaw ang taong tinukoy niya. Lumabas na ako ng meeting room.
Iniwan ng male employee si Annie. Pagkatapos ay sumulpot naman sa gilid nito ang assistant na kausap namin kanina. May ilang hakbang na lang ang pagitan namin nang mag-angat siya ng tingin sa direksiyon ko. Nagtama agad ang mga mata namin.
Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya. Unti-unting bumagal ang lakad niya at namimilog ang mga matang tumingin sa assistant. Lumapit ako at pinasalubungan siya nang isang simpatikong ngiti.
“W-what are you doing here?” malamig na bungad sa akin ni Annie.
“Miss Annie Salcedo? I am pleased to finally meet you!”
Inabot ko sa kaniya ang aking palad. Hindi ko rin napigilang titigan ang mukha niya. Thirty-five years old pero mas mukha siyang fresh graduate.
Nanatili lang na nakatunghay sa akin si Annie. Hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay ko. Hindi nga siguro niya inaasahan na makaharap ako pero, hindi ba dapat ay mangibabaw ang professionalism sa kaniya? Ito ba ang professional na tao na sinasabi ni Ezekiel?
Lumaki ang ngiti ko habang nakatingin sa nag-iiba-ibang reaksiyon ni Annie. Binawi ko na lang ang palad ko at ipinasok sa aking bulsa.
“U-uh… Miss Annie, siya si Mr. Jeff Navarro, bagong partner ng Hayal Lingerie.”
Nilingon ni Annie ang assistant niya na nakukulot ang mga kilay marahil sa pagtataka sa inaasal ng boss.
“Nasaan si Mr. Austria?”
“Naroon siya sa meeting room.” Ako na ang sumagot sa tanong niya sabay sulyap sa glass walls ng silid. Nasa loob si Ezekiel at may kausap sa cellphone nito. Nakita kong tumingin roon si Annie.
“Is there a problem, Miss Salcedo?” tanong ko nang hindi pa rin siya umimik.
I stared at her intently. Nasaan ang tigreng kapitbahay ko? 'Yon pa man din ang inaasahan kong magiging reaksiyon niya sa paghaharap namin ngayon.
Tumikhim si Annie. Pagkatapos ay nagkibit siya ng balikat.
“Wala naman, Mr. Navarro. Sa loob na lang tayo mag-usap. Please, follow me,” pormal na sagot niya bago ako nilampasan at nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng meeting room.