CHAPTER 3

1334 Words
(JEFF’S POV)   PUMILI ako ng mga susuotin ko para sa unang araw ng pagpasok ko sa opisina. Habang nagbibihis ay naaalala ko na naman ang bago kong kapitbahay.  Hindi ko mapiligan ang mapangiti. She’s pretty, but not that stunning. Short and slim. Baka bahagya lang umangat sa five feet ang height niya. Pero kitang-kita ko sa suot niyang shorts ang napakakinis niyang balat. Hindi nga siya kagandahan, pero hindi ko maintindihan kung bakit napagkit yata sa isip ko ang mataray na mukha niya. Hindi naman siya ang unang babaeng nagtaray sa akin. Sigurado dahil iba si neighbor. Ang ibang babae kasi sinusungitan ako para lang mapansin ko sila. Pero si neighbor, halata ang kinikimkim na inis sa akin.  At siguradong kasama ng galit niya ay nahihiya rin siya dahil nabuking ko ang kaniyang ‘laruan’. Ano kaya ang pangalan niya? Itinigil ko ang pagbubutones ng polo shirt ko. Dinampot ko ang cellphone para tawagan ang bestfriend at partner ko na ngayon sa negosyo na si Ezekiel. Siya ang nagturo sa akin ng unit na ito kaya baka kilala niya ang bago kong kapitbahay. “Yes, Partner, good morning! Papasok ka na ba sa office? I’m on my way there.” Hindi ko sinagot ang tanong niya. Idinirecho ko agad ang aking pakay. “Kilala mo ba ang may-ari ng katabi kong unit?” Ilang sandali ang lumipas bago ulit siya nagsalita. “Bakit? May nangyari ba sa unang umaga mo sa bago mong bahay?” “Just answer me.” “Yes. Si Annie, Creative Consultant ng The Idea House. Ang agency nila ang humahawak ng mga campaign projects ng kompaniya natin for three years now.” “So Annie ang pangalan ni neighbor?” “Oo. Bakit?” “She’s cute.” Ilang saglit ulit ang lumipas bago ko narinig ang marahang tawa ni Ezekiel. “Gago ka, Jeff! Huwag mong paiiralin ang pagkababaero mo sa kaniya, hindi ‘yan eepekto kay Annie.” “Bakit naman?” “You’re only twenty-five. Siguradong totoy din ang tingin niyan sa’yo. FYI, minsan nang pinormahan ni Rei si Annie, pero unang subok pa lang ng loko, na-brotherzoned agad. Matanda pa raw kasi ang bunsong kapatid ni Annie sa kaniya. So I’m telling you, hindi ka rin niyan papansinin.” Lalo akong na-excite sa narinig ko. “Iba si Rei, iba ako,” sagot ko kay Ezekiel. Si Rei ang nauna niyang kasosyo sa negosyo bago pa ako pumasok at nag-invest din sa kumpaniya niya. “Kolehiyala ang mga type mo, Jeff. Annie is way older than you.” “Age is just a number, p’re, lalo na pagdating sa kama.” Tumawa ito. “Siraulo ka talaga! Hindi ang gaya ni Annie ang makikipaglaro sa tulad mo. Besides, may long-time boyfriend siya na nasa Japan. Ang sabi ng bestfriend niya na mismong may-ari ng agency, magpapakasal na raw ang dalawa.” “Hindi pa naman sila kasal, e.” “H’wag ka nang magsayang ng panahon, Jeff. I’m telling you, hindi ka niyan papatulan.” “I’ll see you later, partner!”   (ANNIE’S POV)   “GOOD morning, Miss Annie…” bati sa akin ng aking assistant pagpasok ko sa opisina. Hindi nakaligtas sa akin ang matamlay na boses ni Ricky. Hindi ko pa siya napapagalitan ngayong araw at wala rin akong balak na sumbatan pa siya dahil sa kaniyang absences. Ang importante ay nakapasok na ulit siya ngayon. Inilapag ko ang aking bag sa ibabaw ng office table at tumingin kay Ricky. “Good morning. Our meeting will begin in five minutes. Nasabihan mo na ba ang creative team tungkol doon?” “Yes, Miss Annie. Nasa conference room na po silang lahat.” “Wala bang absent?” “Wala po. Miss.” Naupo ako sa aking swivel chair. “Thanks, Ricky. Mauna ka na roon at susunod ako.” Tumalima naman si Ricky na mabagal na lumabas ng opisina ko. Natural na malamya ang assistant ko, pero kapansin-pansin ang pananamlay niya.  Gusto kong intindihin siya at makisimpatiya, pero duda ako kung makakatulong ‘yon para matauhan siya kahit paano. As my assistant, I care for him. At galit din ako sa nangyaring panloloko sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Siguro ay kakausapin ko na lang siya sa ibang araw para payuhan. Huminga muna ako nang malalim. I need this one. Umagang-umaga at hindi pa nga halos nagsisimula ang araw ko sa opisina ay mukhang may problema na agad. Although hindi iyon ang agenda ng meeting namin sa umagang iyon, hindi na mawaglit sa isip ko ang itinawag sa akin ni Lourdes habang nasa daan ako papuntang office. Ang sabi niya ay may mga gusto raw ipabago ang Hayal Lingerie sa advertisement campaign na binuo ng TIH para sa kumpaniya.  The project is almost done. Nakakuha na nga kami ng mga modelo at naaprubahan na iyon ng mga executives ng Hayal. Ang hindi ko alam ay kung ano ang hindi raw nagustuhan ng bagong business partner ng lingerie company.   Dalawang minuto pa ang hinintay ko bago ako tumayo. Whatever it is, trabaho ko ito kaya kailangan kong gawin at tapusin. Tatlong taon na naming kliyente ang Hayal at ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para tumibay ang business relationship namin sa kanila. Sila ang kliyente kaya sila ang masusunod. Dinampot ko na ang aking laptop at sumunod na sa meeting room. May isang oras din ang itinagal ng meeting ng creative team. Mula sa labindalawang tauhan ay nakabuo ulit kami ng concept para sa advertisement campaign ng isang sumisikat na cosmetics company. Pagbalik ko sa opisina ko ay nakasunod na sa akin si Ricky dala ang isang tasa ng kape na para sa akin. Dinampot ko agad ang tasa ng kape at tinikman. I missed it. Paborito ko ang timpla ni Ricky kaya kulang talaga ang umaga ko kapag hindi ako nakakainom ng kapeng timpla niya. Paglabas ni Ricky ay tumunog ang cellphone ko sa tawag galing kay Lourdes. Tinanggap ko agad iyon. “What’s up, darling? May tumawag na ba sa’yo from Hayal Lingerie?” “Well, sa ngayon ay wala pa. I am actually waiting someone from Hayal to call me. I had a meeting this early morning with the creative team about our project for Bella Cosmetics. At inabisuhan ko na rin ang mga tao tungkol sa itinawag mo sa akin kanina na issue kuno ng bagong partner ng Hayal.” “Great. Let’s get it on. Anyway, nakausap ko naman ulit si Ezekiel at ang sabi niya ay pupunta siya sa office ng TIH kasama ang bagong partner sa Hayal. I assume na tungkol sa ad campaign ang pag-uusapan n’yo.” “Ninyo? Bakit hindi ka kasama?” “Why, I’m still on my vacation, darling!” “What do you mean? Ngayon na ba sila pupunta? Bukas? Hindi ba pwede sa isang linggo na pagbalik mo? Hindi ba alam ni Ezekiel na naka-leave ka pa? You didn’t tell him?” Sunud-sunod ang pagtawa ni Lourdes. Heto ang ayaw ko sa kaniya. Nape-pressure na ako, pero parang cool na cool pa rin siya. Mas nag-aalala pa yata ako sa kinabukasan ng TIH gayong siya ang may-ari nitong agency. “Relax, darling! Kayang-kaya mong harapin ang mga ‘yan. At parang hindi ka pa sanay kay Ezekiel? Matagal na natin siyang kliyente.” “Si Ezekiel kilala ko na kahit paano. Pero paano ang bagong partner nila? What if may mga issue siya na hindi naman saklaw ng desisyon ko as Creative Consultant?” “Oh, Annie, dear, kaya nga ikaw ang pinili kong OIC habang wala ako, e. You can make decisions without me. Have a nice day ahead!” “Wait, Lulu! Damn it!” inis na inis at napamura na lang ako nang biglang mawala sa linya si Lourdes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD