1 year 6 months later… INIHAGIS ko ang bag ko sa sofa saka hinarap si Daniel. Kagagaling lang namin sa bahay nila at doon nag-dinner kasama ang pamilya niya. Hindi kami gaanong nagtagal at nagdahilan akong masakit ang ulo. Nagpasya si Daniel na ihatid na lang ako sa apartment pauwi. “I’m sorry about what happened, Annie. Hindi ko lang alam ang sasabihin ko kanina kaya gano’n ang naging sagot ko kay Daddy.” “Kahit na, Daniel. Sana hindi ka na lang kumibo. Alam naman natin na hindi tayo totoong kasal. Bakit mo pa sinabi sa pamilya mo na nagpaplano na tayo ng church wedding?” “Annie, you know that they’ve been pressing me to do this. Nag-iisang anak nila ako na lalake. My parents are old and I am also getting older. Gusto na nilang maranasang magpakasal ng anak sa simbahan. Grand wedding