“WELCOME back, Jefferson Carl!” masayang bati sa akin ni Kiel nang salubungin niya ako sa arrival area ng NAIA 2. “Kiel.” Binitiwan ko sandali ang aking itim na maleta upang mayakap siya. Tumawa at tinapik-tapik niya ako sa likod. Pagkatapos noon ay sabay na kaming naglakad palabas ng arrival area. Habang patungo sa sasakyan ay kinumusta ni Kiel ang biyahe ko mula New York. Pagdating sa kotse niya ay inilagay ko ang maleta ko sa trunk. Pagsakay namin ay nagkwento na si Kiel ng ilang mga nangyari sa kompaniya niya habang wala ako. “Nakakasabay na rin kahit paano sa mga sikat ng local intimate brands ang Hayal. Thanks for the additional investments, brother!” Masayang nilingon ako ni Kiel bago niya pinaandar ang kotse. Nakangiti lang ako habang ikinakabit ang seatbelt. At ilang sandali