CHAPTER 53

1586 Words

IGINALA ko ang aking tingin sa buong factory. Mula sa opisina ng Hayal ay nagpunta naman kami ni Kiel sa mismong planta kung saan ginagawa ang iba’t ibang klase ng damit-panloob ng mga babae. Nadaanan namin ang molding section at ang mismong production. Binubuo ng sampung sewing lines ang pabrika at bawat linya ay may kani-kaniyang nakatokang purchase orders ng mga undergarments. “Nasa kabilang building ang warehouse at ang material inspection department. Doon nire-receive ang mga materyales na ginagamit dito sa production,” paliwanag pa sa akin ni Kiel. Mahigit isang taon na rin mula nang mag-resign ako bilang Marketing Head ng Hayal. Kung hindi ako umalis, malamang na kabisado ko na rin ang pasikot-sikot sa planta. Paglabas namin ay binati kami ng ilang lalakeng nagbababa ng mga mat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD