MAAGA pa lang kinabukasan ay bumiyahe na ako pauwi sa Ilocos. Sa daan ay kausap ko ang private investigator na dati ko nang inupahan para hanapin ang pamilya ni Annie. “I want you to investigate on ADS Advertising. Sa pagkakaalam ko, pag-aari ito ni Annie Salcedo. Gusto kong alamin mo ang status ng ahensiya sa BIR. Kung kumpleto sa papeles at magkano ang kapital. Alamin mo rin kung may partner si Miss Salcedo nang itayo ang ADS. Kung meron man, sino? Ilan ang mga empleyado at sino-sino ang mga kasalukuyan nilang kliyente.” “Okay, Sir. But what about Miss Annie Salcedo? Aalamin ko rin ba lahat ng tungkol sa kaniya?” Ilang sandali akong natigilan sa tanong ng imbestigador. “My only interest is the agency, Steve. Hindi ang may-ari.” Nakunot nang husto ang noo ko at matigas sa pagsagot. “