PAGLABAS ko ng elevator sa ground floor ay lumapit ako sa receptionist. Tumawag ito kanina sa office ng Mindful Concepts para sabihing may naghihintay na bisita sa akin. “Miss Anita Salcedo? Naroon po ang babaeng naghihintay sa inyo,” sabay turo ng receptionist sa lounging area ng gusali. Mula roon ay nakita ko ang isang babae na tumayo at nakatingin sa aking direksiyon. Nilingon ko ang receptionist at nakangiting nagpasalamat dito. Humakbang ako patungo sa lounging area. Tumingin ako sa iilan pang taong naroon at baka nagkakamali ako ng palagay pero, mukhang ang babaeng nakatayo at nakatingin sa akin ang siyang tinutukoy ng receptionist na bisita ko. Kliyente kaya siya ng The Idea House at ako ang hinahanap? Lumapit ako hanggang sa nagkaharap na kaming dalawa. The woman is not even sm