Gabi na nang makauwi kami ni Rocky sa bahay. Basang-basa kami pareho dahil sa malakas na buhos ng ulan. Tinawagan ko si Jenny kung puwede niya ulit akong samahan dito sa bahay kaso hindi naman siya makapunta rito dahil sa lakas ng hangin at ulan. Napatingin ako kay Rocky na nagpapatuyo ng kaniyang buhok at napadako ang tingin ko sa kaniyang katawan. Sunod-sunod akong napalunok dahil naalala ko ang nangyari sa amin ni Rocky kanina. Nang mabaling ang tingin niya sa akin ay bigla naman akong napaiwas ng tingin at ang lakas nang t***k ng aking dibdib. Huminga muna ako ng malalim at haharapin na sana siya nang mabilis naman siyang nakalapit sa akin kaya kaagad akong napaatras at muntik nang matumba, mabuti na lamang at maagap niyang nahawakan ang aking bewang at hinapit ito palapit sa kaniy

