Some scenes are not suitable for young readers. Maaga akong nagising dahil hindi na ako nakatulog ng maayos. Magdamag kong inisip si Rocky kung tama ba ang ginawa kong pagtatapat sa kan’ya. Sinulyapan ko naman si Jenny na himbig na himbig pa sa kaniyang pagtulog. Lumabas na ako ng kuwarto para magluto na ng aming almusal, napahinto ako sa aking pagbaba ng maisip na hindi nga pala ako marunong magluto. Bumalik ako sa kuwarto para gisingin si Jenny at para magpaturo na rin sa kaniya kung paano ang magluto. Alam kong kahit papaano ay may alam rin naman siyang lutuin. “Jenny gising na,” sabay tapik ko sa kan’yang hita. “Avi maaga pa mamaya mo na lang ako gisingin,” nakapikit niyang wika sa akin. “Kailangan ko ng tulong mo” “Ano na naman ‘yan Avi? Problema na naman ba sa pag-ibig?” “Hindi

