Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Rocky sa resort ay hindi na kami muling nag-usap pa. Apat na araw na ang nakakalipas noong may nangyari sa amin ni Rocky at simula noon ay iniwasan ko muna siyang makita o kaya’y kausapin. Parati na akong sumasama kay lolo Tacio rito sa palengke dahil kailangan daw si Rocky sa kaniyang trabaho sa koprahan. Kapag nagagawi naman siya sa bahay ay kunwa’y nasa itaas ako at nagtutulog-tulugan. Tuwing tanghali naman siya pumupunta roon dahil doon siya nanananghalian pagkagaling niya sa kaniyang trabaho. Bago pa magtanghali ay naubos na namin ni lolo Tacio ang mga paninda niyang isda kaya nagliligpit na lang kami ng kaniyang puwesto at uuwi na rin kami. Nagpaalam muna siya na may bibilhin lang saglit at naiwan naman muna ako. Nakasandal ako sa may pader at tul

