CHAPTER 24

2275 Words
Hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko ngayon. Napahawak akong bigla sa aking noo dahil sobrang sakit na ng ulo ko. Hindi talaga ako sanay uminom, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ba bigla-bigla akong naglasing kagabi. Naramdaman ko naman na parang may mabigat na nakadantay sa aking bewang. Marahan akong tumingin sa kaliwang bahagi ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita si Rocky na halos nakayakap sa akin. Napaawang ang aking mga labi at hindi makapagsalita. Mariin akong pumikit at inaalala ang mga nangyari kagabi. Nakagat ko na lang ang aking hinlalaki dahil sa wala ako masyadong matandaan sa nangyari. Ang naaalala ko lang ay napalayo ako habang naglalakad ako sa may tabing dagat. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakapatong sa aking tiyan at marahan naman akong tumayo sa kama. Saktong pagtayo ko ay biglang kumirot ang ibabang bahagi ko kaya nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. "Ouch!" Malakas kong sigaw. Nakita ko namang napabalikwas si Rocky at mabilis na bumangon sa kama at inalalayan akong tumayo. "What happened? Are you hurt?" May pag-aalalang wika niya sa akin. "Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan. Anong nangyari kagabi? At saka bakit tayo magkatabi? Kanino namang kuwarto 'to?" Sunod-sunod kong tanong sa kan'ya. "P-pinahiram sa'kin noong kaibigan ko, iyong may-ari nitong resort" "E bakit dito mo 'ko dinala sa kuwarto mo?" "Wala ka bang naaalala kagabi?" "Kung may naaalala ako e 'di sana__" napahinto naman ako ng may bigla akong maalala sa nangyari kagabi. Nanlaki ang mga mata kong tinitigan siya at napatutop ako sa aking bibig. "Baby let me explain" "Baby?!" takang wika ko sa kan'ya. Napabuntong hininga siya at akmang lalapitan ako pero mabilis akong napaatras. "Kung ano man ang nangyari kagabi o kagagahang nagawa ko, well I'm sorry. Kalimutan na lang natin 'yon" "What?! So gano'n lang kadali para sa'yo ang kalimutan ang nangyari?" galit niyang wika sa akin. "I'm sorry aalis na 'ko." Pagkatalikod ko ay hinaklit niya ang braso ko kaya napasubsob naman ako sa malapad niyang dibdib. Napatingala ako at ang mga mata niya ay tila nangungusap. Napaiwas ako ng tingin at lumayo sa kan'ya at ang puso ko ay tila tambol sa lakas ng t***k nito. Mahal ko na ba siya? O si Aries pa rin ang nilalaman nitong puso ko gayong nalaman ko na ang totoong nangyari. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko ngayon. "Ba__ I mean Avi please let's talk" "Saka na lang ulit tayo mag-usap Rocky kailangan ko ng umalis dahil baka hinahanap na 'ko ni River." Pagkasabi kong iyon ay kaagad na akong lumabas ng kuwarto niya at patakbong umalis sa lugar na iyon. Nagtungo ako sa kuwarto namin ni River at naabutan ko naman siya na katatapos lang maligo at nakatapis pa ng tuwalya sa kaniyang bewang. "Ay nakakaloka ka naman vakla basta-basta ka na lang pumapasok! Kita mo bakat pa 'tong kipay ko!" Sinamaan ko naman siya ng tingin pagkasabi niyang iyon. Kinuha ko kaagad ang bag ko at inilagay ang aking mga damit doon. "Let's go River" "Teka Avi bakit nagmamadali ka yata? May nangyari ba?" Natigilan ako at napaupo sa gilid ng kama at inihilamos ang aking mga palad sa aking mukha. "What should I do River?" Naiiyak kong turan sa kaniya. "What do you mean Avi?" Maluha-luha ko siyang tinitigan at naupo naman siya sa aking tabi. "Nag-away ba kayo ni Rocky?" "Hindi River" "E bakit ka umiiyak? Makaiyak ka naman para kang pinasukan ng cactus diyan." Tinignan ko si River at kinagat ko pa ang ibabang labi ko at pakiwari ko'y alam na niya base sa nakikita niyang reaksyon ko. Napatayo siyang bigla at hinarap ako. "R-river" "Vakla ka! May nangyari?!" "M-masakit eh," mahina kong wika sa kan'ya. "Gaga ka! Malamang masakit 'yan virgin ka eh. Teka paanong nangyari? Saka galing dito kagabi si Rocky hinahanap ka saan ka nagpunta?" "Naglakad lang naman ako tapos ayon hindi ko na alam ang nangyari kagabi nawala na naman ako sa ulirat" "Lagi ka na lang nagkaka-amnesia. Noong una sa hotel noong may nakatabi kang cactus."Napatingin akong bigla kay River at inisip ang nangyari noon sa hotel. "River I think 'yong lalaki sa hotel at si Rocky parang iisa lang eh. Pero ang ipinagtataka ko mayaman 'yong lalaki tapos si Rocky." Napapikit ako at hindi na naituloy pa ang susunod kong sasabihin. "Anong ibig mong sabihin?" "The way he kiss me River" "Ay wow! May gano'n? Malandi kang vakla ka! Bakit ka nagpasundot kaagad?" "Gaga! Hindi ako nagpasundot, basta na lang nangyari. I don't know River." Sabay sabunot ko naman sa aking buhok. "Samantalang 'yong kay Aries na umabot kayo ng taon pero walang sundutang naganap tapos si Rocky na kakakilala mo pa lang nakasundutan mo na." Natahimik ako at biglang naalala si Aries. Nakaramdam akong bigla ng guilt, dahil sa katangahan ko ay hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at basta na lang lumayo. Pero ngayon hindi ko na alam kung sino na ba ang nagmamay-ari nitong puso ko kung si Aries pa ba o si Rocky na siyang naka-una sa akin. "Let's go home River." Tumayo ako sa saking pagkakaupo at kinuha na ang aking bag. "Hoy Avi I'm sorry hindi ko sinasadya," sabay hawak niya sa aking braso. "Okay lang River kasalanan ko rin naman eh. Hihintayin na lang kita sa kotse okay?" Pagkasabi kong iyon ay lumabas na ako ng kuwarto. Malapit na ako sa parking lot nang mamataan ko naman si Rocky na kausap si Charisse. Nagtago naman akong kaagad sa may likod ng pader upang hindi nila ako makita. "I'm not going to give up!" Sigaw ni Charisse sa kan'ya. "Charisse please pinahihirapan mo lang ang sarili mo eh" "Ano pa ba ang gusto mo para magustuhan ako? Para sa akin na lang mabaling ang pagmamahal mo?" "Wala kang kailangan gawin Charisse. Tulad ng sinabi ko sa'yo, mahal ko si Avi. Mahal na mahal ko siya at kahit na hindi niya suklian ang pagmamahal na binibigay ko sa kan'ya mamahalin ko pa rin siya." Napatutop ako ng aking bibig dahil sa narinig mula sa kan'ya at kusang pumatak ang aking mga luha. Parang ang sakit marinig sa kan'ya na nasasaktan ko siya. Ganoon ba niya ako kamahal na okay lang sa kan'ya kahit na nasasaktan na siya? Wala kaming imik ni River habang tinatahak namin ang daan pauwi kina lolo Tacio. Alam kong panay ang sulyap sa akin ni River habang siya'y nagmamaneho at hindi na rin ako nakatiis kaya ako na mismo ang nagtanong sa kan'ya. "Speak up River." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya nagsalita. "Tapatin mo nga ako Avi, may feelings ka na rin ba para kay Rocky?" Saglit akong hindi nakasagot at pagkuwa'y sinulyapan si River na nakatuon naman ang tingin sa daan. "I don't know River. Siguro naattract ako sa kan'ya at dala lang ng kalasingan ko kaya nangyari ang hindi dapat mangyari sa'min. Naalala ko naman 'yong mga narinig ko sa kan'ya kanina. Nagtaka ako dahil sa pagkakaalam ko ay meron siyang ibang nagugustuhan. Pero paano niya nasabing mahal niya ako? Panakip butas lang ba ako? "Avi pakiramdaman mo 'yang puso mo kung sino na ba ang mahal mo. Siguro masasabi mong si Rocky na ang mahal mo kung hindi mo nalaman ang tungkol kay Aries." Mabilis akong napatingin kay River at hindi makapagsalita. I want to confirm if I really do love him. Kung hindi na si Aries ang nilalaman nitong puso ko. Nanliit naman ang aking mata ng may masulyapan akong isang babae at lalaki na tila nag-aaway. At ng medyo malapit na kami sa kanilang kinaroroonan ay nakilala ko naman kung sino ang babae na tila sinasaktan noong lalaki. "River ihinto mo," wika ko kay River. "Ha? Bakit?" "Basta ihinto mo." Inihinto naman niya ang sasakyan at mabilis akong bumaba. Nakita ko pang sinampal noong lalaki si Jenny na ikinagulat ko. Kumuha ako ng bato at binato ang lalaking nanakit sa kan'ya. Tinamaan siya sa ulo kaya napalingon siya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ikaw ba 'yong bumato sa'kin?!" singhal niya sa akin. Lumapit naman sa akin si River na kabababa lang ng sasakyan. "Ako nga! Saka bakit ka pumapatol sa babae? Bakla ka ba ha?!" "Ouch naman Avi may problema ka sa bakla?" bulong niya sa'kin. "Panakot ko lang 'yon ano ka ba?" mahinang wika ko sa kan'ya. "Ay wow naman Avi kailan pa naging multo ang mga bakla?" Magsasalita pa sana ako nang mapansin naming lalapit sa kinaroroonan namin ang lalaki. Bahagya akong napaatras at ganoon din si River. "River anong gagawin natin?" "Gaga ka kasi," may diing wika niya. Akmang may bubunutin naman si River sa kaniyang jacket na ikinataka ko. "Diyan ka lang kung ayaw mong bunutin ko 'tong baril ko at paputukan 'yang ulo mo!" Taka ko siyang tinignan at kinindatan lang niya ako ng palihim. "Tinatakot mo ba ako?!" "Ayaw mong maniwala ah!" Akmang bubunutin na niya ito nang kumaripas naman ng takbo ang lalaki dahil sa takot. Sabay naman kaming natawa ni River dahil sa inasal noong lalaking nanakit kay Jenny. "O 'di ba effective?" pagmamalaking wika ni River. "Akala ko may totoong baril ka na eh" "Meron nga" "Ha? Kailan pa? Saka nasaan 'yong baril mo?" "Ito oh," tinuro naman niya'yong ibabang bahagi niya. "Kakaiba kung pumutok ito kulay puti." Nanlaki ang mga mata ko at pinalo siya sa kaniyang braso. "Ang bastos mo talaga River kahit kailan!" Inirapan ko siya at binalingan naman ng tingin si Jenny na ngayo'y umiiyak. Nilapitan namin siya at naawa naman ako sa kaniyang itsura mapula ang pisngi niya na halatang sinampal at namumula rin ang mga mata. "Avi sino siya?" bulong sa'kin ni River. Imbes na sagutin siya ay binalingan ko na lang si Jenny. "Ayos ka lang?" "Bakit mo ginawa yon?!" Nagulat naman kami ni River sa kaniyang inasal at napataas ang isa kong kilay. "Ikaw na nga ang tinulungan tapos ikaw pa ang galit" "Sinabi ko bang tulungan niyo 'ko?" "Sana nga hindi ka na lang namin tinulungan para nagkaro'n ka ng magic make-up d'yan sa mukha mong saksakan ng shonget!" Siniko ko naman si River at dinilaan naman niya ako. "Hindi ko hinahangad na magpasalamat ka sa amin. Alangan hayaan kita na nakikitang binubugbog ka niya. Kahit na masama ang ugali mo hindi ko rin gustong may mangyaring masama sa'yo." Pumalakpak pa si River kaya napatingin kami sa kan'ya. "Dakilang wonder woman ka vakla, pero kanina halata naman sa mukha mo ang takot maka-echos ka riyan!" Napairap naman ako sa kan'ya at binalingan si Jenny na nasa malayo ang tingin. "Sige aalis na kami." Tumalikod na kami ni River at maglalakad na sana ng muling magsalita si Jenny. "Step father ko siya." Napalingon kami sa kan'ya at kita ko sa mga mata niya ang pamumuo ng kaniyang luha. "Galit ako sa nanay ko dahil isang taon pa lang na namatay ang tatay ko noon nag-asawa na kaagad siya. Binubugbog niya ako sa tuwing wala akong perang maiibigay sa kan'ya. Galit na galit ako sa nanay ko dahil tinitiis niya pa ang pananakit sa amin ng hayop na yon!" Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya ay napahagulgol na lang siya at kaagad ko naman siyang nilapitan at niyakap. At nang mahimasmasan na siya ay saka lang niya ako hinarap. "Okay ka na?" tanong ko sa kan'ya. Tumango lang siya at tipid na ngumiti. "Sorry sa inasal ko noon sa palengke. Nadala lang kasi ako ng galit. Saka hindi ko akalain na mabait ka pala" "Sinabi mo pa! Mabait talaga 'yang friend ko shunga lang pagdating sa pag-ibig," sinamaan ko naman ng tingin si River. "Nagbabakasyon ka lang ba rito?" "H-ha? P-parang ganoon na nga," sabay kamot ko sa aking ulo. "Mayaman ka talaga 'no?" Hindi ko naman alam ang isasagot sa kan'ya at napayuko na lamang ako. "Halata kasi sa'yo at saka isa pa hindi ka marunong magkaliskis ng isda," natatawa niyang turan. "Vakla nagtitinda ka na ng isda ngayon?!" Gulat akong hinarap ni River at napabuntong hininga na lang ako. "Tinutulungan ko kasi si lolo Tacio eh. Saka wala rin akong ginagawa sa bahay" "Alam mo gan'yan din si Roco kahit mayaman hindi matapobre," taka ko siyang tinitigan at iniisip kung sino 'yong Roco na sinasabi niya. "Sino si Roco?" "Hindi mo siya kilala? Siya 'yong mayamang tumutulong kay__" "Jenny anak!" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng may tumawag sa kan'ya at sabay kaming napalingon. Humahangos na lumapit si aling Sonia kay Jenny at halata sa kan'ya ang pag-aalala. "Anong nangyari sa'yo anak? Sinaktan ka na naman ba niya?" "Obvious ba nay? Kailan niyo ba kasi hihiwalayan 'yang demonyo mong asawa?!" tumalikod na si Jenny at padabog na umalis. Napatingin naman kami ni River kay aling Sonia at nahihiya naman siyang sinulyapan kami. Nagpaalam na si aling Sonia sa amin at tinatanaw na lang namin silang mag-ina habang papalayo sa aming kinaroroonan. "Ang swerte ko pa rin River kasi may mga magulang akong mababait. Miss na miss ko na sila River." Pagkasabi kong iyon ay pumatak na lang ang aking mga luha. Isang buwan na rin akong nawalay sa kanila at ito ang unang beses na hindi ko sila nakasama. "Avi kung puwede ka nga lang sanang umuwi na iuuwi kita kaso Avi nanganganib ang buhay mo. Mas safe ka rito, hayaan mo kapag may nabalitaan ulit ako tungkol sa tita mo sasabihin ko kaagad sa'yo okay?" "Huwag mong pababayaan sila mommy at daddy ha?" naiiyak kong wika sa kan'ya. "I promise Avi." Niyakap niya ako at tahimik na umiiyak. I miss you mommy and daddy, wika ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD