Pagkamulat ko ng aking mga mata ay bigla namang kumirot ang aking ulo kaya mariin ulit akong napapikit. Huminga ako ng malalim bago muling iminulat ang aking mga mata. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong uminom ng alak. Dahan-dahan naman akong tumayo sa aking kama at sapo ko ang aking ulo. Napahinto naman ako at inisip kung paano ako nakauwi kagabi. Naalala ko naman na si Rocky nga pala ang kasama ko at paniguradong siya rin ang naghatid sa akin dito.
“Anong nangyari kagabi? Saka parang nanaginip ako na__” napatutop ako ng aking bibig at napakagat labi ng may maalala ako tungkol sa nangyari kagabi. “N-no, p-panaginip lang ‘yon. H-hindi ‘yon totoo.” Pangungumbinsi ko sa aking sarili. “Pero parang totoo. Saka ‘yong mga halik na’yon, hindi kaya? No! that’s impossible paano namang mangyayari ‘yon? Saka bakit niya ako hahalikan?” Mabilis akong tumayo sa aking higaan at umiling-iling na lang dahil sa aking mga naiisip. Bumaba na ako at nakitang nagkakape na sila lola Minda at lolo Tacio sa hapag.
“Good morning po lolo Tacio, lola Minda,” masayang bati ko sa dalawang matanda.
“Magandang umaga naman sa’yo apo. Halika umupo ka na rito at ipaghahanda kita ng almusal mo,” wika sa akin ni lola Minda at umupo naman ako sa kaniyang tabi.
“Ah, lola si Rocky po pala? Umuwi rin po ba siya kagabi?”
“Hindi ba magkasama kayo kagabi apo?”
“O-oo nga po lola kaso hindi ko na po maalala kung ano na ang nangyari kasi medyo nalasing ako kagabi.” Saglit namang nag-isip si lola Minda saka ako muling binalingan.
“May narinig akong ingay kagabi apo. Hindi ko mawari kung ano ‘yon eh”
“Oo nga apo nagising pa nga kami ng lola Minda mo dahil hinahanap naming kung saan nanggagaling ‘yon. Pero saglit lang naman, baka kako nananaginip ka lang,” wika naman ni lolo Tacio. Ipinilig ko naman ang aking ulo at pilit na iniisip ang nangyari kagabi.
“Ano po bang ingay iyon lolo?” saglit namang nag-isip si lolo Tacio.
“Ang huli ko lang na narinig sa’yo ay iyong sinabi mong don’t stop please”
“H-ho?!” gulat akong napatitig kay lolo Tacio at ganoon din si lola Minda na napahinto pa sa pagsandok ng kanin.
“Iyon kasi ang narinig ko apo eh”
“Nananaginip lang si Avi kasi nga ‘di lasing siya? Mabuti na lamang at naihatid siya ni Rocky.” Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala talaga akong maalala kung may nagawa ba akong mali kagabi, kung meron man nakakahiya naman kay Rocky at naabala ko pa siya. Tatanungin ko na lamang siya kapag nagkita kami.
At nang matapos kaming mag-almusal ay tinulungan ko namang magligpit si lola Minda at naglinis na rin ako ng bahay ng sa gayon ay kahit papaano ay makatulong man lang sa kanila kapalit ng pagpapatira nila sa akin dito. Maaga namang umalis si lolo Tacio upang magtungo na sa palengke.
“Ate Avi!” napalingon naman ako habang nagwawalis ako sa tapat ng bahay at nakitang tumatakbo si Chyn papalapit sa akin. Napangiti naman ako at sinalubong siya ng yakap at halik.
“Saan ka galing at ano ‘yang mga dala mo?” tukoy sa supot na dala-dala niya.
“Para sa’yo ito ate Avi,” sabay abot niya sa’kin ng supot. Binuksan ko naman ito at nakita ang mga nilalaman na tila nakabalot na mahaba at hindi ko naman alam kung ano ito.
“Ano ‘to Chyn?”
“Tikoy ‘yan ate Avi, tikman mo masarap ‘yan! Paborito nga ni kuya Rocky ‘yan eh,” pagmamalaking wika niya sa akin.
“Sige nga titikman ko ha?” umupo muna kami sa mahabang upuan at sinimulan ko naman tanggalan ito ng balot at kumagat ako.
“Hmmn, ang sarap nga! Binili mo ba ‘to?”
“Hindi ate, gumagawa din po si nanay ng ganiyan sabi ko bibigyan kita eh”
“Salamat Chyn ha?”
“Walang anuman po ate Avi. Gusto niyo po bang mamasyal ate?” napatingin naman ako sa kan’ya habang ngumunguya ng tikoy na bigay niya.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa ilog ate, gusto mo po bang maligo doon?”
“Talaga? May ilog dito?”
“Oo naman ate malapit lang dto. Saka kasama natin sila kuya Jasper at kuya Bochok”
“Okay sige magdadala lang ako ng damit at magpapaalam lang ako kay lola Minda,” wika ko sa batang si Chyn at pumasok saglit sa loob para magpaalam kay lola Minda. Ilang saglit lang ay lumabas na ako at bitbit ang baon kong damit. “So let’s go?” inakay ko naman siya at pinuntahan naman namin si Bochok at Jasper sa kanilang bahay.
“Maganda sana kung kasama natin si kuya Rocky 'no?” saad ni Jasper habang naglalakad kami patungong ilog.
“Oo nga eh, kaso abala siya sa mga negosyo nila eh”
“May negosyo sila Rocky?” takang tanong ko kay Jasper.
“Ah a-ate ang ibig sabihin ni Jasper abala si kuya sa trabaho niya, alam mo naman si kuya Rocky masyadong masipag pagdating sa trabaho,” paliwang ni Bochok.
“O-oo ate kulang na nga lang sa kaniya katipan eh.” Bigla kong naalala iyong nangyari kahapon sa kaarawan ni Mang Abner. Ipinakilala niya akong kasintahan niya sa mga katrabaho niya. Ano naman kaya ang dahilan niya at sino ang babaeng kaumpukan namin kagabi? Imposible namang kababata lang niya ‘yon.
“Nandito na tayo ate Avi!” nawala lang ang isipin kong iyon ng makarating na kami sa ilog. Namangha naman ako dahil napaka-laki nito at ang linis pa ng tubig. Para itong isang malaking swimming pool ang pinagkaiba nga lang ay mababato rito at hindi tiles ang semento.
Sabay-sabay naman silang tatlong nagsilusong sa ilog at ako nama’y masaya silang pinagmamasdan. Naupo muna ako sa batohan at masuyong pinagmamasdan ang paligid. Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.
“Ate Avi halika na ang sarap magbabad dito!” tawag sa akin ni Chyn habang patalon-talon pa sa tubig.
“Sige nandiyan na ‘ko!” lumusong naman ako at pinuntahan ang tatlong bata na masayang naliligo.
“Ang sarap dito 'no?” wika ko habang binabasa ang aking buhok.
“Masarap talaga dito ate, palagi nga kami dito ni kuya Rocky eh,” saad ni Jasper.
“Gaano niyo na kakilala si Rocky?”
“Matagal na rin ate Avi, saka mabait si kuya Rocky palagi niya nga tinutulungan sina nanay at tatay pati na rin sila lolo Tacio kaya nga malaki ang utang na loob nila kay kuya Rocky eh”
“Anong klaseng utang na loob ‘yon?”
“Kasi ate__” nahinto lang si Jasper nang sikuhin siya ni Bochok. Hindi na ako nag-usisa pa dahil ayokong manghimasok sa buhay na may buhay. Sa nakikita ko naman ay mapagkakatiwalaan si Rocky base na rin sa mga kuwento ng mga batang ito at higit sa lahat ay gustong-gusto siya nito.
Nang matapos na kami maligo sa ilog ay sabay-sabay na rin kaming umahon at magpapalit na sana ako ng damit ko ng may biglang tumawag naman sa aking pangalan kaya sabay-sabay kaming napalingon ng mga bata.
“Kuya Rocky!” masayang bati nila rito.
“I was looking for__” napataas naman ang kilay ko ng mag-iwas siya ng tingin sa akin at tumikhim. Anong problem ang isang ‘to? Sabi ko sa aking isipan.
“Nagyaya kasi si Chyn magswimming kaya pumunta kami rito. Bakit mo pala ako hinahanap?”
“W-wala naman,” saad niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
“Ano bang problema mo bakit hindi ka makatingin sa ‘kin? Pangit ba ang itsura ko?”
“I saw your ano, aaahm…”
“Ano ba kasi ‘yon?!” inis kong sambit sa kan’ya. Tumingin siya sa akin at napabaling ang tingin niya sa aking dibdib.
“Your black bra is waving,” bulong niya na sapat lang para marinig ko. Mabilis kong ipinantakip ang aking dalawang braso ko at tumalikod sa kan’ya.
Oh s**t nakakahiya! Kainis! Nakalimutan kong manipis nga pala ang suot kong t-shirt. Napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa hiya. Iniabot naman niya sa akin ang damit niya na alam kong suot niya at napaharap akong bigla sa kan’ya. Nanlaki bigla ang aking mata ng muli na namang makita ang malabato niyang katawan at bumaba pang maigi ang tingin ko sa kan’yang nakaumbok. Halata ito dahil medyo fitted ang kaniyang pantalon. Napaiwas na lamang ako ng tingin baka isipin niya pa ay pinagnanasaan ko siya.
“M-may b-baon naman akong damit”
“Just wear this sa bahay ka na lang magpalit”
“E ikaw? Anong susuotin mo?”
“I’m fine with this”
“Alam mo ate Avi, kuya Rocky bagay kayong dalawa,” nakangiting wika sa amin ni Chyn na kakatapos lang magpalit ng kaniyang damit.
“Ikaw talaga Chyn ang bata-bata mo pa kung ano-ano na iyang sinasabi mo ah,” ginulo ko naman ang kaniyang buhok at pinisil ang matambok nitong pisngi.
“Oo nga ate bagay na bagay kayo ni kuya Rocky at saka swerte ka kay kuya kasi mayaman. Ang ibig kong sabihin mayaman sa pagmamahal,” sabat naman ni Bochok. Nailing na lang ako dahil sa mga sinasabi ng mga batang ito. Samantalang si Rocky ay nangingiti lang at halatang gustong-gusto pa ang kaniyang naririnig.
Habang pauwi naman kami ay nakasalubong namin si Charisse na may bitbit na basket at lumapit kaagad kay Rocky. Hindi ko naman maintindihan ang pakiramdam ko pero naiinis ako sa kan’ya. Babae ako at alam ko kapag ang isang babae ay may gusto sa isang lalaki dahil minsan ko ng naranasan ito sa kamay nila ni Ellie at ni Aries.
“Saan kayo galing ng mga bata?” wika ni Charisse at tumitig pa sa akin sabay ngiti. Alam ko ang totoong ngiti at hindi.
“Sinundo ko lang sila sa ilog,” tipid na sagot ni Rocky. Nagulat naman ako ng kunin niya ang aking kamay at pinagsiklop ito. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Charisse at pilit na ngumingiti sa amin.
“Ah ganoon ba? Siyanga pala ibibigay ko sana sa’yo ito ako ang nagluto niyan alam ko kasing paborito mo ‘yan eh,” sabay kuha ni Rocky sa basket.
“Wow ate Charisse tinuto at sinantolan ba ‘yan?” masayang saad ni Bochok at ginulo pa ni Charisse ang buhok nito.
“Oo Bochok dinamihan ko na ‘yan alam ko kasing ikaw na naman ang makakaubos niyan eh”
“Salamat ate Charisse”
“Sige Charisse mauuna na kami baka kasi nilalamig na itong si Avi eh”
“S-sige”
“Sumama ka na sa amin ate Charisse sabay-sabay na rin natin kainin iyang dala mo tutal tanghalian na naman eh.” Pansin ko ang pagkagulat ni Rocky ng tignan ko siya dahil sa sinabi ni Bochok kay Charisse.
“Oo ba!” wala nang nagawa si Rocky at kasabay naming umuwi si Charisse.