CHAPTER 17

2026 Words
Pagkarating namin sa bahay ay pumasok kami kaagad sa loob at naabutang walang tao sa bahay. Ipinatong muna ni Rocky ang hawak niyang basket sa lamesa at hinahanap si lola Minda. Pagkagaling niya sa itaas ay may suot na rin siyang damit. At maya-maya pa ay sa kusina naman siya nagpunta. “Lumabas yata si lola Minda,” wika ni Rocky pagkagaling niya sa kusina. “Oo nga pala sinabi niya sa ‘kin na pupuntahan daw muna niya si lolo Tacio sa palengke para dalhan ng makakain,” saad naman ni Charisse. Tumango lamang si Rocky at hinanda na ang mga pagkaing bigay ni Charisse. Isa-isa namang nagsiupo ang tatlong magkakapatid at kani-kaniyang kuha na ng kanilang plato. “Avi oh.” Binigyan naman ako ni Rocky ng plato at sabay naupo sa aking tabi. Alam kong pinagmamasdan kami ni Charisse kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya na animo’y pinag-aaralan ang kilos ko. Amoy na amoy ko siya, alam kong malaki ang pagkakagusto niya kay Rocky pero si Rocky hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka nga ginagamit lang niya ako para pagselosin si Charisse para malaman kung may gusto rin siya rito. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko at napansin naman ito ni Rocky. “Bakit Avi may iniisip ka ba?” “H-ha? Ah, w-wala naman” “Here, tikman mo ‘yan masarap ‘yan.” Tinignan ko naman ang plato ko na may lamang kulay berde na hindi ko mawari kung ano iyon. “Iyan ang tinatawag na tinuto dito sa Quezon,” wika niya ng mapansin niyang kanina ko pa tinititigan ang nilagay niya sa plato ko. “Ito Rocs oh! Masarap din ‘yan alam ko kasing paborito mo ‘yan kaya niluto ko ‘yan para sa’yo,” sabay lagay naman ni Charisse sa pinggan ni Rocky ng sinasabi niyang niluto niya. Napairap naman ako ng tignan ko si Charisse na ngiting-ngiti kay Rocky na parang mapupunit na ang labi sa pagkakangiti niya. Hindi mapagkakailang maganda siya, sexy din naman, morena pero maliit ang hinaharap. Di hamak na mas maganda ako sa kan’ya at makinis at higit sa lahat malaki ang hinaharap. “Thanks,” tipid na sagot ni Rocky. Tinikman ko naman ‘yong tinuto at masasabi kong masarap naman pero syempre hindi ko sasabihin sa kan’ya ang totoo baka pumalakpak pa ang tainga niya ng bongga. “Ano ate masarap ‘di ba?" Nakangiting tanong sa ‘kin ni Jasper. “Medyo maalat.” Tinikman naman ni Rocky ang tinuto na nasa plato ko. “Hindi naman ah” “Maalat ang pakilasa ko eh. Saka hindi naman ako mahilig kumain ng ganiyan” “Okay sige ikukuha na lang kita ng ibang ulam.” Tumayo na si Rocky at nagtungo sa kusina. Napabaling naman ang tingin ko kay Charisse na mataman ding nakatitig sa akin. “Katipan ka bang talaga ni Rocky?” napataas naman ang kilay ko at ngumisi sa kan’ya. “What do you think?” “Siya nga ate Avi katipan mo na si kuya Rocky?!” gulat na tanong ni Chyn sa akin. Ngumiti naman ako sa kan’ya at tumango. “Wow! Sa wakas may katipan na si kuya Rocky!” “Chyn paanong magkakaroon ng katipan ang kuya niyo ni hindi nga niya lubos na kilala ang kuya Rocky niyo eh,” may diing wika sa akin ni Charisse. “I know you like him” “Oo gusto ko siya. At hindi lang gusto kun’di mahal ko siya” “Did he love you too?” saglit siyang natigilan at pansin ko ang kaniyang paglunok. “Sinabi rin niya bang mahal ka niya?” “Yes I love her!” sabay kaming napalingon ng magsalita si Rocky sa aming likuran. Lumapit siya sa akin at naupo dala ang ulam na kinuha niya sa kusina. Umakbay naman siya sa likod ng aking upuan at tinignan si Charisse. “Siya ‘yong kinukwento ko sa’yo Charisse” “T-talaga? P-pero paanong__” “I don’t know how it start pero mahal ko si Avi.” Napatingin ako sa kan’ya at siya nama’y matamang nakatitig kay Charisse. Parang may paro-paro naman sa aking tiyan at hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin noon. Kung titignan ko ang itsura ni Rocky ay parang totoo ang mga sinabi niya kay Charisse. Hindi ako dapat maniwala dahil alam ko naman na pinagseselos lang niya si Charisse at hindi ko alam kung ano ang dahilan niya. Tahimik lang kaming kumakain at tunog lang ng mga kubyertos ang tanging naririnig maging ang mga bata ay hindi na nag-usisa pa. Matapos kaming mananghalian ay ako na ang nagligpit ng aming kinainan at tinulungan na lang din ako ng mga bata hugasan ang mga plato. Pagkarating ko sa salas ay nakita kong wala na si Charisse at tanging si Rocky na lang ang naroroon at nakaupo sa upuang kawayan at nakasandal ang kaniyang likod habang nakapikit. Unti-unti naman akong lumapit sa kaniya at pinagmamasdan siya. Nasa harapan niya ako at inilapit ko pang maigi ang sarili ko sa kaniyang mukha. Masasabi kong guwapo nga siya at ngayon ko lamang siyang napagmasdan ng ganito. Hindi lang guwapo kun’di nakakaakit siyang tignan. Pinagmasdan ko pa siyang maigi at bigla akong may naalala, parang siya iyong lalaking__. Nahinto lang ako sa aking pag-iisip ng bigla siyang magmulat at nagtama ang aming mga mata. Napa-awang naman ang aking labi at hindi malaman ang gagawin kung iiwas ba ako o magdadahilan na lang sa kaniya. “Ahhm, a-ano kasi.” Napapikit na lang ako ng mariin at napakamot sa aking ulo dahil baka isipin niya pa na pinagnanasaan ko siya. “S-sige maiwan na muna kita mukhang pagod ka yata at baka naistorbo ko ang pagtulog mo.” Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hikitin ang palapulsuhan ko kaya napa-upong bigla ako sa kaniyang kandungan na ikinagulat ko. Ang lapit ng mukha naming dalawa at napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. “Bakit mo ako pinagmamasdan?” Doon lamang ako muling napatingin sa kaniya at ang mga mata niya ay tila nang-aakit dahil sa klase ng mga tingin niya. “H-ha a-ano kasi m-may naalala lang ako” “Like what?” Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kan’ya na naalala ko ‘yong nakasiping ko sa hotel baka iba pa ang isipin niya sa ‘kin. Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa kaniyang kandungan at hinarap siyang nakapamewang. “Why did you tell her that I’m your girlfriend?” tumayo rin siya at hinarap ako. “I’m sorry iyon lang kasi ang naisip kong paraan eh” “Paraan para pagselosin siya gano’n? at ako naman itong ginagamit mo?” “You’re wrong Avi” “Anong you’re wrong! Puwede ba ha ‘wag mo nga akong pinagloloko! At saka sino ‘yong kinukuwento mo kay Charisse? ex-girlfriend mo?" “And why did you tell Chyn that I’m your boyfriend?” natigilan naman ako sa kaniyang sinabi at hindi alam kung ano ang dapat ko namang idahilan sa kaniya. “S-syempre sinabi mo kay Charisse na girlfriend mo ‘ko eh, ayoko namang masira ‘yong__” natigilan naman ako ng dahan-dahan siyang lumalapit sa akin at sadyang lumapat naman ang aking likod sa dingding kaya napahinto ako sa aking pag-atras. Nakailang lunok ako at nag-iwas ng tingin sa kan’ya dahil sa klase ng titig niya sa akin. “P-pwede bang m-makipag-usap ka naman sa ‘kin ng hindi ganito kalapit?” nauutal kong wika sa kan’ya na sa ibang direksyon nakatingin. “Why you didn’t look straight into my eyes?” humugot muna ako ng malalim na hininga at saka siya muling tinitigan. Parang may kakaiba sa kan’ya, he look like a descent man at hindi siya mukhang trabahador lamang because the way he speak is different than the others. “Who are you?” tanging lumabas na lang sa aking bibig. Bahagya siyang lumayo sa akin at tinitigan lamang ako. “Soon you’ll know who I really am.” Napataas naman ang kilay ko at kunot noo ko naman siyang tinitigan. “Hindi ka naman siguro masamang tao 'no?” “Kung masamang tao ako e ‘di sana noong una pa lang may ginawa na akong masama sa’yo Avi maraming pagkakataon pero wala naman akong masamang balak sa’yo” “I think you hide something” “Like what?” “Ang totoong ikaw” “Tulad ng sinabi ko sa’yo malalaman mo rin balang araw kung sino ako at the right time. Malalim na sa gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Rocky kanina. Isa lang ang ibig sabihin noon mayroon siyang tinatago sa totoo niyang pagkatao. Pero bakit? Bakit niya kailangang ilihim iyon? Napaka-misteryo niya at alam kong alam nila lolo Tacio kung sino si Rocky. Pero ang ipinagtataka ko bakit ayaw nilang ipaalam sa akin? Naputol lang ang isipin kong iyon ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng aking higaan. Nakita ko namang si River ang tumatawag. “Hello River!” masayang bungad ko sa kaniya. “Naku bakla! Ang mama mo!” napatayo akong bigla dahil sa bungad na ‘yon ni River. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka may nangyaring masama sa aking ina. “Bakit anong nangyari kay mama?” “Isinugod sa ospital dahil nag-collapse Avi” “What?!” “But you don’t have to worry Avi she’s fine nandito nga kami ngayon ni mama sa ospital dahil dinalaw namin siya” “I want to see her River. Gusto kong umuwi,” garalgal kong saad sa kan’ya. “Avi listen to me first.” Ilang minuto muna siyang natigilan saka muling nagsalita. “Hindi ka puwedeng umuwi ngayon.” Nagtaka naman ako sa sinabing iyon ni River at kung bakit mahina ang boses niya sa kabilang linya. “But why River? I want to see my mom” “Avi may nagtatangka sa buhay mo” “What?!” W-wait River, anong ibig mong sabihin?” “Narinig ko ang tita Bridgette mo na may kausap na tatlong armadong lalaki dito mismo sa ospital kung saan naka-confine ang mama mo, pinapahanap ka nila Avi at kapag nakita ka raw nila pinapapatay ka nila.” Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone at pumatak ang aking mga luha. Bakit ako gustong ipapatay ni tita Bridgette? At anong dahilan? “Totoo ba ‘yang sinasabi mo River? B-baka naman nagkamali ka lang ng pagkakarinig?” “No Avi I heared everything. Hindi rin ako puwedeng magsumbong kay tito Regie dahil baka pati sila madamay at lalo ka na Avi. Alam kong maraming tauhan ang tita Bridgette mo kaya hindi ako basta-basta makakapagsabi sa papa mo. Kaya Avi mag-iingat ka at magtago kang maigi para hindi ka nila matunton” “Salamat River. Basta balitaan mo ako kung ano na ang nangyari kay mama okay?” “Sure Avi. And one more thing nga pala. I’m going to visit you soon, tatawagan kita kung kailan dahil simula noong umalis ka marami na ang nangyari rito. Alam kong ayaw mo itong marinig pero kailangan mo ring malaman Avi.” Alam kong tungkol lang ito kay Aries at Ellie pero hindi ko na muna siya tinanong tungkol doon. “Baka masundan ka nila River kung pupunta ka rito at baka mapahamak ka pa” “Don’t worry Avi I have a plan. Bago pa mangyari ‘yon ay nakaplano na sa ‘kin ang pagpunta ko riyan. So, Avi mag-iingat ka ha?” “Ikaw din River mag-iingat ka.” Pagkatapos naming mag-usap ay malakas naman akong bumuntong hininga at iniisip kung bakit gusto akong ipapatay ni tita Bridgette. Bigla ko namang naalala ang nangyari noon apat na taon na ang nakakaraan. Bigla akong nanghina at nanginig na lang ang mga kamay ko, nabagsak ko pa ang cellphone na hawak ko at tuluyang tumulo ang aking mga luha. “S-si tita B-bridgette rin kaya ang may pakana noon?” tanong ko na lang sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD