"Boss tumawag pala ang kapatid niyong si Lucas kanina pa po kayo hinahanap sabi ko hindi pa po kayo nagpupunta rito," wika sa akin ng waiter ko rito sa bar. Kararating ko lang at umupo muna ako sa bar counter.
"Anong oras tumawag?"
"Kanina pa po boss."
"Sige salamat,"pagkasabi kong iyon ay umalis na rin siya sa aking harapan. Kinuha ko ang aking telepono at tatawagan na sana si Lucas ng bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang kapatid kong si Lucas at kasama rin nito si Trevor.
"Hey bro!" Bati sa akin ni Lucas. Tinapik naman ako ni Trevor sa aking balikat at naupo sila sa aking tabi.
"Bakit niyo 'ko hinahanap?"
"Pinapauwi ka ni mama," ani Lucas. Napabuga naman ako ng malakas sa hangin at isinuklay ang daliri ko sa aking buhok.
Alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinapauwi ng Quezon. Hindi ko naman lubos maisip kung bakit gustong-gusto na niya akong magkaroon ng asawa.
"Ano na Roco sasama ka na ba sa amin?" Baling sa akin ni Trevor.
"Hoy Trevor! Mas matanda ako sa'yo bakit hindi niyo pa rin ako matawag-tawag na kuya?"
"E kasi hindi bagay! At saka sunod-sunod lang ang edad natin, masyado kasing masipag si papa kaya taon-taon nanganganak si mama," natatawa niyang saad sa akin.
"Itong si Lucas dapat ang pinag-aasawa na niya para matigil na ang pambababae!"
"Wala pa sa isip ko 'yan no! Ine-enjoy ko lang ang buhay binata at saka hindi ko pa natatagpuan ang babaeng kusang magpapatigas nito."
"Tang-ina Lucas! Hindi ka ba titigil sa kalibugan mo?!" Irita kong saad sa kan'ya at malakas siyang tumawa. "Para kang si Wallace at Jake eh."
"Palibhasa kasi ikaw virgin pa, sayang 'yang kamote mo. Ay mali! Hindi pala kamote 'yan kun'di patola. Kapag hindi mo pa ginamit iyan magiging ampalaya na 'yan kasi kukulubot na dahil hindi mo pa nagagamit." Kung hindi ko lang sila mga kapatid baka kanina ko pa sila pinabugbog sa mga bouncer ko rito. Ngayon ko masasabi na sila ang nagmana sa aking namayapang ama.
"Bukas ako uuwi, at please lang pakisabi kay mama na wala pa akong balak mag-asawa."
"Bakit? Dahil hindi ka pa sinasagot ng babaeng pinag-nanasaan mo?" Nakangising wika naman ni Trevor.
"Hindi lang 'yon basta libog okay!"
"Alam mo bro, bakit kasi hindi ka makipagkilala sa kan'ya? Ligawan mo. I'm sure kapag nalaman niya kung sino ka baka siya pa ang maghabol sa'yo."
"Trevor, she's not that kind of girl. Mayaman din naman sila. Kaya lang__"
"Kaya lang ano?" Takang tanong naman ni Lucas.
"Nothing." Bumuntong hininga na lang ako at sila naman ay naiiling akong tinitigan.
Nang makaalis na sila ay kaagad akong nagtungo sa aking opisina at naupo sa sofa. Sinandal ko ang aking likod at mariing pumikit. At nang idilat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang portrait ni Ianne na nasa aking harapan na sinadya ko pang ipagawa. Tinitigan ko siyang mabuti at masasabi kong napaka-ganda niya mula noon hanggang ngayon.
Napangiti na lang ako ng mapait dahil alam kong hindi siya magiging akin dahil nakatakda na s'ya sa iba.
Madaling araw pa lang ay umalis na ako para umuwi ng Quezon. Anim na oras din ang byahe ko bago makarating sa aming bayan. Na-miss kong umuwi rito at na-miss ko rin ang mga magagandang tanawin dito.
Habang nagmamaneho ako patungo sa aming hacienda ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga tanawin kahit na taga-rito naman ako. In-off ko ang aking aircon at binuksan ang bintana at inilabas naman ang aking kamay para namnamin ang sariwang hangin. Bihira na lang ako makauwi rito dahil sa trabaho ko sa Maynila. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan magtrabaho pa roon at puwede namang dumito na lang ako. Kaya lang ay may isang bagay ako na hindi maiwan. Iyon ay ang puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalakas ang tama ko sa kan'ya kahit hindi na puwede. Pagkarating ko sa aming hacienda ay sinalubong ako kaagad ng aming mga tauhan na kapwa abala sa kanilang mga ginagawa.
"Sir Roco maligayang pagdating po!" Masayang bati sa akin ni Mang Abner. Isa siya sa matagal na naming tauhan at pinagkakatiwalaan ni mama. At siya rin ang namamahala sa aming mga palayan at pati na rin sa koprahan.
"Salamat Mang Abner. Siyanga pala nariyan po ba si mama?"
"Opo nasa loob sila pati na rin ang dalawa mong kapatid."
"Si Gascon wala ba?"
"Naku sir nasa ibang kandungan po! Ay este! Nasa ibang bansa po, business tour daw po," natatawang turan n'ya at kumamot pa sa kaniyang ulo. Naiiling na lang ako dahil hindi lang pala si Lucas ang may kalibugan sa katawan.
Nagpaalam muna ako sa kaniya at sa ibang tauhan na naroroon at pumasok muna sa loob ng bahay. Hinanap ko naman sila at natagpuan na nasa garden silang lahat at nag-aalmusal.
"Hi ma!" Humalik naman ako sa pisngi ni mama at naupo sa kaniyang tabi.
"Anak, bakit bihira ka na lang umuwi rito sa atin? Mag-aasawa ka na ba kaya hindi ka makauwi?" Napahilot na lang ako sa aking sentido at napansin ko naman na pinipigilan ng dalawa kong lokong kapatid ang kanilang pagtawa.
"Ma, iyan ang dahilan kung bakit ayoko umuwi rito eh."
"Ano ba kasing problema anak bakit ayaw mo pang mag-asawa?! Guwapo ka naman, mayaman at isa pa." Tumingin muna siya sa ibabang bahagi ko saka ibinalik ang tingin sa akin. "O baka naman nahihiya ka anak dahil maliit 'yan?"
"Ma naman!" Sigaw ko sa aking ina. Dahil sa sinabing iyon ni mama ay hindi na napigilan nina Lucas at Trevor ang matawa.
"Tang-ina bro maliit pala 'yan?! Wika ni Trevor na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
"Ma paano mo nalaman? Nakita mo na ba?" makahulugang tanong naman ni Lucas. Bago pa makasagot si mama ay pinalo niya muna ito na ikinangiwi naman niya.
"Tumigil nga kayo! Hindi jutay itong sa kuya niyo! Daks kaya 'yan! Baka nga mas malaki pa itong sa kuya niyo kaysa sa inyo eh!"
"What?! Malaki nga pero wala namang silbi!" Sabay tawa ni Lucas na lalo kong ikina-inis.
"Hoy tumigil nga kayong dalawa ha! Kararating lang ng kuya niyo binubwisit niyo na naman!"
"Gusto niyo bang kunin ko 'yong shotgun ni Gascon at paputukan ko 'yang bibig niyo? Masyado na kasing pasmado eh!" Banta ko naman sa kanila.
"Bro, hindi mo kami matatakot," sabay kindat sa akin ni Trevor pagkasabi kong iyon. Kahit kailan talaga itong dalawa walang ginawang matino.
Kasalanan ko rin naman kung bakit kasi sinabi-sabi ko pa sa kanila na virgin pa ako. Naturingang ako ang nakakatanda sa aming magkakapatid, ay ako pa ang walang karanasan.
"Pero kay Gascon?"
"Syempre!" Sabay pa nilang sabi. Alam ko naman 'yon na malaki ang takot nila kay Gascon na siyang pumangalawa sa akin. Lalo na kapag sumeryoso ang mukha nito.
"Alam mo ma dapat si Gascon muna ang pinag-aasawa mo eh, malay mo bigla siyang bumait na parang maamong tupa. Balang araw makakahanap din ng katapat iyan," naiiling namang sambit ni Lucas.
"Hindi puwede! Dapat itong kuya niyo muna kasi siya ang panganay."
"Ma naman, wala pa akong balak mag-asawa! At isa pa wala pa akong girlfriend paano ako mag-aasawa niyan?"
"Si Charisse hindi ba may gusto siya sa'yo at kababata mo s'ya?"
"Ma, kaibigan lang ang turing ko talaga sa kan'ya nothing more with that."
"Ma iba ang gusto ni Roco," nangingiting wika ni Lucas.
"Iyon naman pala anak may nagugustuhan ka na eh! Sino siya? Kailan mo siya ipapakilala?"
"Naku ma, malabo 'yan dahil hindi pa s'ya kilala noong nagugustuhan niya," binato ko naman si Lucas ng kutsara dahil sa kadaldalan niya.
"Alam mo anak kung nahihiya ka, ako na ang lalapit sa kaniya para sa'yo."
"Ma, that's not a problem."
"E ano Roco?" Saglit akong natigilan at ngumiti lang kay mama ng pilit.
"Because we're not meant for each other." Pagkasabi kong iyon ay tumayo na ako at lumabas na ng aming bahay. Naiwan naman silang nagtataka sa aking tinuran.
Nagpunta naman ako sa isang palengke sa 'di kalayuan sa aming hacienda para bisitahin ang isang kaibigan. Pagkapasok ko sa loob ng palengke ay masaya naman akong binabati ng mga tindera roon. Hindi na kataka-taka kung bakit ako kilala ng ibang mga tao rito sa palengke dahil ito ang nagsilbing tambayan ko kapag nagagawi ako rito.
Pinuntahan ko si Lolo Tacio kung saan siya naka-puwesto. Malayo pa lang ay natatanaw ko na siya na nagkakaliskis ng isda.
"Hi Lolo!" Bati ko sa kan'ya nang makalapit na ako at kinuha kaagad ang apron na naka-sabit sa gilid ko.
"Ikaw pala Roco, kailan ka dumating?" masayang wika niya sa akin na abala pa rin sa kan'yang ginagawa.
"Kanina lang po Lolo Tacio."
"Naku Lolo Tacio hindi mo naman sinabi na may apo ka palang guwapo!" saad ng ale na bumibili ng isda.
"Future apo ko siya!" Pagkasabi niyang iyon ay binigay na niya sa ale ang binili nitong isda.
"Ay sayang naman irereto ko sana sa anak ko."
"Huwag ka ng umasa Miling dahil patay na patay siya sa aking apo!" Natatawang turan niya sa ale.
"Lolo naman, hindi naman po masyado," sabay kamot ko sa aking ulo.
"Kumusta ka na pala apo? Ang tagal mo ring hindi umuwi rito sa atin."
"Oo nga po Lolo Tacio, naging abala lang ako sa negosyo ko sa Maynila."
"Ano na apo, naka-diskarte ka na ba?"
"Alam mo naman po ang sagot hindi ba?" Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya at tinapik ako sa aking balikat. Ngumiti naman ako sa kan'ya at nilagyan na lang ng yelo ang mga isda na nasa aming harapan.
"Roco hindi mo ba siya kayang palitan?" natigilan ako sa aking ginagawa at hinarap siya.
"Sana gano'n lang po kadali Lolo Tacio, kaso mahirap eh. Kahit masakit na nakikita ko s'yang masaya sa iba, siya pa rin ang tinitibok nitong puso ko. Kaya lang parang siya ang nasasaktan ngayon."
"Anong ibig mong sabihin? Sinaktan ba niya ang apo ko?"
"Hindi ko po alam ang tunay na dahilan eh," malungkot kong pahayag sa kan'ya. Sana akin ka na lang, at titiyakin kong bubusugin kita ng pagmamahal at hinding-hindi sasaktan.