CHAPTER 4

1851 Words
"Good morning dad, good morning mom!" Bati ko sa kanila habang sila ay nag-aalmusal sa may garden kasama si Ellie at ang kan'yang ina. Bago ako umupo ay sinamaan ko muna siya ng tingin ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay at nginisian. "Hi baby! Susunduin ka ba ngayon ni Aries?" saad sa akin ni mommy at tinignan ko naman si Ellie kung ano ang magiging reaksyon niya. Pansin ko ang mahigpit niyang paghawak sa kan'yang kubyertos kaya napangiti ako at hinarap si mommy. "Yes mommy! Baka ma-late ako ng uwi mamaya kasi niyaya niya akong mag-date. Ewan ko ba diyan kay Aries araw-araw naman kami nagkikita pero ayaw nang humiwalay sa akin," habang sinasabi iyon ay nakatingin naman ako kay Ellie at tila napansin naman niya iyon kaya napaiwas siya ng tingin sa akin. "That's great Avi, tutal matagal na naman kayong magkasintahan, bakit hindi na natin gawin ang engagement party niyo?" Saad ni daddy. Narinig naman namin na pabagsak inilapag ni Ellie ang kan'yang kubyertos kaya naman lahat kami ay napatingin sa kan'ya. "I-i'm sorry, n-nakakabigla naman yata. At saka tito, tita, ang bata pa ni Avi para magpakasal" "Ellie, hindi pa naman sila magpapakasal dahil kailangan muna magtapos ni Avi sa kolehiyo. Ipapakilala lang namin sila bilang taga-pagmana ng kumpanya kapag ikinasal na sila, right Avi?" "Yes dad, and besides Ellie we both love each other there's nothing wrong with that" "I'm just concern Avi, hindi biro ang pagpapakasal" "At kailan ka pa naging concern Ellie?" O baka naman ayaw mo lang na maikasal kami ni Aries?" Sarkastiko kong sagot sa kan'ya na ikinatawa niya ng mahina. "Avi my baby, magpinsan tayo normal lang naman sa isang magkadugo na maging concern hindi ba? At saka tito why don't you ask Aries baka naman ayaw niya pa pala muna matali mahirap na nakakahiya kung malalaman nila na hindi na pala matutuloy ang kasal" "Oo nga naman kuya Reggie, hayaan nating mga bata ang magdesisyon niyan hindi ba hija?" baling sa akin ni tita Bridgette, ang mommy ni Ellie. Simula noong namatay ang padre de pamilya nila ay sa amin na sila tumira dahil isinanla pala ni tito Ruben ang bahay nila sa bangko dahil sa utang. Kapatid ni daddy si tita Bridgette at masasabi kong like mother like daughter. Pero kahit na ganoon pa man ay iginagalang ko pa rin siya bilang kapatid ng aking ama. "Yes dad, tita Bridgette is right. Why don't we invite him here? Saka sabihan na rin natin ang parents niya para naman hindi niya isipin na pinipikot ko siya," wika ko bago tumingin sa mag-ina na kaharap lang namin. Umirap pa si tita Bridgette bago pinagpatuloy ang kaniyang pagkain. "O sige baby sasabihan natin ang mga magulang ni Aries. Maybe next week hija?" Masayang wika naman sa akin ni mommy. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Ellie. "Bakit ba minamadali niyong ipakasal si Avi kay Aries? Bakit tita buntis na ba siya?" Mapang-asar naman akong tumawa dahil sa sinabing iyon ng pinsan ko. "My dear cousin, kahit na matagal ko ng boyfriend si Aries never ko pang naibigay ang sarili ko sa kan'ya" "Oh, I see. O baka naman sa iba mo naibigay ang sarili mo tapos si Aries ang pananagutin mo kung buntis ka man" "Ellie stop that!" Sigaw ni daddy sa kan'ya. "Sorry Ellie pero huwag mo akong itulad sa'yo na kapag nangati ay kung kani-kanino nagpapakamot. At isa pa, hindi ko rin ugali ang magpalaway sa iba lalo na kung alam kong committed na ito," mariing wika ko sa kan'ya at halata rito ang pagkainis niya dahil sa sinabi ko. "How dare you talk to my daughter like that Avi?!" Pasigaw na saad sa akin ni tita Bridgette. Imbes na sagutin siya ay tumayo na ako dahil hindi ko na maatim si Ellie baka kung ano pa ang masabi ko sa kan'ya. Kapag naaalala ko ang kababuyang ginawa nila ni Aries ay parang gusto ko siyang kalbuhin. Gusto kong ipakita sa kan'ya na mali siya ng inagawan. "O anak hindi ka ba muna kakain?" tanong ni mommy. "Hindi na mommy, parating na kasi si Aries eh." Bago ako tumalikod ay sinulyapan ko muna si Ellie na matamang nakatingin sa akin at gano'n din si tita Bridgette. Natapos ang huling klase namin ay pumunta muna kami ni River sa field habang hinihintay si Aries. Masaya naman kaming nagkukuwentuhan ng biglang dumating si Ellie at ang dalawa niyang kaibigan. "Oh look who's here? At kasama pala niya ang kaibigan daw niya pero I'm sure may relasyon silang dalawa. Napataas na lang pareho ang kilay namin ni River dahil sa inasal na iyon ni Ellie. Ako lang kasi ang nakakaalam na hindi tunay na lalaki si River kaya nga pinagseselosan siya ni Aries sa tuwing makikita niya na magkasama kami. "And look who's here? Pinsan mo ba talaga siya Avi? Kasi sa pagkakaalam ko wala kayong lahi ng masasama at makakati," sabay ngisi naman ni River sa kan'ya at inirapan lamang siya nito. Muntik pa akong matawa dahil sa pagkakasabi noon ni River. "Let's go River baka nasa labas na si Aries at hinihintay ako may date raw kasi kami eh." Tumayo na kami ni River at iniwang nakabusangot si Ellie. Sinadya kong sabihin iyon para lang inisin siya. "Avi bakit hindi mo pa hiwalayan 'yong manloloko mong boyfriend? Tatanga-tanga ka rin eh! Ang talino mo pero pagdating sa pag-ibig ang bobo mo!" Sermon naman niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng campus. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya. "Sobra kang maka-bobo ah!" "Avi nakita mo na nga sila lahat-lahat na nagkekembotan tapos parang wala lang sa'yo. Hindi kita maintindihang martir ka!" "River hindi naman sa gano'n. Oo mahal ko pa rin si Aries kasi hindi ganoon kadali 'yong pinagsamahan namin. Pero gusto ko rin siyang saktan para malaman niya kung gaano kasakit 'yong ginawa niyang panloloko sa akin. "Avi sa ginagawa mong iyan sarili mo lang ang sinasaktan mo eh. Sige let's say na gusto mong gumanti, tapos anong mangyayari? Magiging masaya ka na ba?" Natahimik akong bigla sa sinabi ni River. Siguro nga hindi ko lang matanggap na ganoon ang ginawa sa akin ni Aries. "At saka remember may nakatabi ka ring lalaki sa hotel noong nalasing ka" "Magkaiba naman 'yon River" "Magkaiba man o hindi ganoon pa rin 'yon Avi. Hindi mo nga alam kung may nangyari sa inyo eh" "Alam ko sa sarili ko River na wala" "Paano ka nakakasiguro?" "Kasi hindi masakit ang kepyas ko no'n!" Napamulagat namang bigla si River pagkasabi ko sa kan'ya no'n. "Hoy Avi baka kaya hindi namaga ang kipay mo dahil may nangyari na sa inyo ni Aries no?" "Gaga! Wala pa!" "Kaya pala naghanap ng may kikiskis sa batuta niya kasi hindi mo mapagbigyan." Natahimik akong bigla at yumuko. "Hoy Avi joke lang 'yon," umiling ako sa kan'ya at tiningala siya. "Kahit na ganoon ang ginawa niya sa akin hindi ko alam kung bakit mahal ko pa rin siya. Tama ka River, matalino ako pero pagdating sa pag-ibig hindi ako nag-iisip. Sa totoo lang River mahina ako. Hindi ko kayang sabihin sa kan'ya iyong tungkol sa kanila ni Ellie dahil natatakot akong malaman ang totoo na baka si Ellie ang piliin niya," garalgal kong saad sa kan'ya. "Avi alam mo namang pagdating sa buhay pag-ibig lagi lagi kitang sinusuportahan. Pero kapag sobra na tama na. Sige Avi dahil mahal kita gagawin natin 'yong gusto mong pagselosin siya para malaman natin kung hanggang ngayon mahal ka pa rin niya at kung talagang inakit lang siya ng pinsan mong si Ellie. "Salamat River, salamat at naiintindihan mo 'ko" "Pero Avi sinasabi ko sa'yo ha! Huwag kang maging tanga, kapag nalaman mong hindi na ikaw ang mahal bumitaw ka na." Ngumiti ako sa kan'ya at niyakap s'ya. Maya-maya ay bumulong siya sa akin. "Avi papalapit dito si Aries, you know what to do." Napalunok akong bigla at kumalas sa pagkakayakap kay River. Kita ko na salubong ang kilay ni Aries habang papalapit sa aming kinaroroonan. Hinapit naman niya ako sa bewang at hinalikan sa mga labi. Alam ko ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa sa harapan ni River. Pansin ko naman ang pagsilay ng ngiti ni River. "Bakit kayo magkayakap ni River?" "Ah, iyon ba hon? May problema kasi siya kumbaga kino-comfort ko lang s'ya" "I know you two are good friends, iba kasi ang iisipin ng mga tao kapag nakita kayo sa ganoong ayos. Alam nilang may boyfriend ka tapos may niyayakap kang ibang lalaki" "Hindi ba Aries mas pangit tignan kapag may girlfriend ka na nga tapos tumitikim pa ng ibang putahe." Napatingin naman akong bigla kay River at pinandilatan siya. Hindi ko alam na sasabihin niya 'yon mismo kay Aries. "A-ano?" "Let's go Aries nagbibiro lang 'yan si River, may pinagdadaanan kasi eh." Hinila ko na si Aries baka kasi kung ano pa ang masabi ni River sa kan'ya. Kilala ko ang kaibigan kong iyon kapag nainis, sasabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin. Habang naka-angkla ako sa braso ni Aries ay sinulyapan ko pa si River at sinenyas ko pa aking kamao. Ngumiti at dinilaan lang niya ako at tumalikod na rin. "Ganoon ba kalalim ang pagkakaibigan niyo ni River?" Tanong niya sa akin ng nasa sasakyan na kami at ang atensyon niya ay nasa daan. "Alam mo namang matagal na kaming magkaibigan ni River at iyong parents niya kasosyo ni daddy sa negosyo" "I know hon, pero sana huwag ka naman masyadong close sa kan'ya" "Kanino mo gusto akong maging close? Sa pinsan kong si Ellie?" Pansin ko na bigla siyang natigilan at saglit na napatingin sa akin at ibinalik ang atensyon sa daan. Alam niya kasi na hindi kami magkasundo ng pinsan ko kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. "That's not what I mean. May tiwala ako sa'yo Avi dahil mahal kita" "Ako ba Aries, dapat ba akong magtiwala sa'yo?" Inihinto niya muna ang sasakyan at hinarap ako. "Of course hon, mahal na mahal kita at alam mo 'yan. Simula noong mga bata pa lang tayo minahal na kita" Pero bakit nagawa mo akong lokohin? Kayo ni Ellie?! Katagang gusto kong sabihin sa kan'ya. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan niya itong hinalikan. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kan'yang sinasabi. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni River. "Hon, my parents wants us to have an engagement party, but we wont get married right away. Pero kung hindi ka naman sang-ayon__" "Yes gusto ko" "H-ha?" "I said I want it. Kung gusto mo after ng engagement party magpakasal na kaagad tayo." Natulala naman ako sa kaniyang sinabi at hindi kaagad makapagsalita. "I just want to prove to you how much I love you Avi. Mahal na mahal kita Avi." Pagkasabi niyang iyon ay mabilis niya akong hinalikan sa mga labi kaya napakapit na lang ako sa kan'yang batok. Kailangan ko bang maniwala sa kan'ya? Siguro dala lang iyon ng kan'yang kalasingan at inakit lamang siya ni Ellie kaya niya iyon nagawa. Pero gusto ko pa ring makasiguro na tama nga ang nasa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD