Pagkapasok ko ng aming bahay ay tinawag naman ako ni Ellie na nasa garden at may hawak itong sigarilyo sa kaniyang kanang kamay at sa kaliwa naman ay bote ng alak. Napataas ang kilay ko dahil sa kaniyang itsura. Hinagod ko ito mula ulo hanggang paa, at masasabi kong hindi ito ang tipo ni Aries na basta-basta niya magugustuhan.
Pagkalapit niya sa akin ay binugahan naman niya ako sa mukha ng usok ng sigarilyo niya kaya napapikit na lamang ako. Naikuyom ko ang aking palad at sinamaan siya ng tingin. Wala akong balak na patulan siya dahil masyado akong masaya ngayon para patulan ang ka-abnormalan niya.
"So, narito na pala ang prinsesa ng mansyon. Mukhang ang saya mo sa date niyo ni Aries ha? Natikman ka na ba niya ngayon? Binigay mo na ba ang sarili mo sa kan'ya kaya ganiyan kasaya ang itsura mo?" Imbes na mainis ay nginisian ko lamang siya at humalukipkip sa kan'ya.
"Ellie, hindi ko kailangan ipatikim sa kan'ya ang langit para lang magustuhan ako o 'di kaya mahalin ako. Hindi ako gano'n ka-desperada Ellie." Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha at maya-maya ay tumawa ng mahina.
"Is that so Avi? Naniniwala ka pa ba diyan? Pag ang lalaki gustong tumikim, titikim 'yan ng iba't-ibang putahe kahit na mahal pa niya ang girlfriend niya. Huwag kang pakampante Avi dahil kahit na mag-asawa na kayo baka tumalon siya sa ibang bakod." Hindi ko pinahalata na apektado ako sa mga sinabi niya, bagkus ay nginitian ko lang siya at hinawi ang kaniyang buhok sa balikat.
"Don't worry Ellie, hindi mo na kailangan sabihin sa akin 'yan dahil mas kilala ko siya kaysa sa iba. Alam mo namang magkababata kami hindi ba? Mas kilala ko siya kaysa sa nakakakilala sa kan'ya ngayon"
"How sure you are? Nababantayan mo ba siya twenty four seven? Kita mo nga parang ikaw pa ang naghahabol sa kan'ya at gustong magpakasal na kaagad kayo wala pa naman palang nangyayari sa inyo"
"How sure you are Ellie?" Pansin ko ang pagtataka sa kaniyang hitsura pagkasabi ko noon. "Actually he already knows about the engagement at siya pa nga mismo ang nagsabi sa akin na magpakasal na kaagad kami after the engagement eh. Kaya sobrang saya ko talaga Ellie, kung may nagawa man siyang kasalanan sa akin I'm sure sobrang sising-sisi siya, tulad ng sabi ko mas kilala ko siya kaysa sa iba." Matapos kong sabihin 'yon ay tumalikod na ako at iniwan na siya dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kan'ya ay muli na naman siyang nagsalita.
"Alam kong alam mo na Avi! Nakita mo kami hindi ba? Kaya nga hindi ka nakauwi eh." Pagkasabi niyang iyon ay muli ko siyang hinarap at ngumiti ako sa kan'ya.
"Halatang laspag n nga iyang katawan mo dahil kung sino-sino na ang bumabayo sa'yo eh! At iyang s*s* mo ay walang-wala sa s*s* ko!" Matapos kong sabihin iyon ay padabog akong pumasok sa aking kuwarto.
Nagtungo kaagad ako sa banyo at naligo. Nang matapos ay naupo naman ako sa gilid ng aking kama habang tinutuyo ang aking buhok ng tuwalya. Maya-maya ay tumunog ang aking cellphone at kinuha ko naman ito sa side table. Napangiti ako ng makitang si Aries ang tumatawag at kaagad ko naman itong sinagot.
"Yes hon?" Nakangiti kong bungad sa kan'ya.
"What are you doing?"
"Katatapos ko lang maligo"
"I already told mom and dad about the engagement at pupunta raw sila diyan sa susunod na araw para pag-usapan 'yon"
"Really? Well, that's great!" Saglit na namayani sa amin ang katahimikan at pagkuwa'y ako na rin ang bumasag noon. "Ahm, Aries?"
"Yes hon?"
"Do you still love me?"
"Of course Avi! I love you so much, pakakasalan ba kita kung hindi kita mahal?"
"Baka kasi napipilitan ka lang eh, Aries puwede mo naman sabihin sa akin ang totoo kung__"
"Hon, mahal kita. Walang nagbago at hinding-hindi ako magbabago ng nararamdaman sa'yo. Bakit hon nagdududa ka ba sa akin? Or baka ikaw ang ayaw magpakasal sa'kin?" May himig na pagtatampo niyang turan.
"Syempre gusto ko. Buong buhay ko ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Kaya sana hon huwag mong sirain ang tiwala ko sa'yo"
"You're my life Avi, at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako." Napangiti naman ako dahil ramdam ko ang sinseridad niya habang sinasabi niya 'yon.
Alam kong inakit lang siya ni Ellie at isang beses lang naman nangyari iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon makalimutan. Mahal na mahal ko si Aries at hindi ko siya basta isusuko lalong-lalo na kay Ellie. Ako ang mahal ni Aries at alam ko 'yon.
"Ano Avi?!" Gulat na sigaw sa akin ni River. Kasalukuyang nandito kami sa madalas naming kainan at pinagtitinginan naman kami.
"Puwede ba River, ang OA mo ah!"
"Paanong hindi OA ha Avi? Naniwala ka naman kaagad kay Aries? Doon pa lang sa sinabi ni Ellie sa'yo may ibig sabihin na eh." Umirap pa muna siya sa akin at ininom ang kaniyang juice.
"Isang beses lang nangyari 'yon sa kanila River, at inakit lang siya ni Ellie"
"Isang beses lang Avi? Paano kung hindi lang isang beses 'yon? Avi, concern lang ako sa'yo dahil kaibigan kita. Paano nga kung kasal na kayo at doon naman siya magloko ulit? Kahit sabihin mong isang beses lang 'yon Avi mauulit at mauulit pa rin 'yon kaya sana matuto kang makiramdam," seryosong wika sa akin ni River.
"Anong dapat kong gawin River?" Malungkot ko siyang tinitigan at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Gamitin mo ang utak mo Avi, 'wag ka ng magpapaloko. Oo mahal ka ni Aries, may magagawa pa ba siya kapag tukso na ang kalaban? Avi, you know I'm always here for you. Kahit sa kagagahan mo sinusuportahan kita kaya nga tinanggap ko 'yong offer mo na pagselosin siya at saktan din siya. Kaso sa nkikita ko sa'yo friend rumurupok ka eh"
"Mahal ko kasi si Aries River, pero susubukan ko pa ring maniwala sa kan'ya sa huling pagkakataon. Pero tuloy pa rin ang plano natin hangga't hindi ko napapatunayan na hindi na mauulit pa 'yon.
"Sige Avi ikaw ang bahala, basta nasa tabi mo lang ako palagi. Kapag binanatan akong bigla ni Aries hindi na kita kaibigan ah!" biro naman niya sa akin na ikinatawa namin pareho. Bigla namang may humikit sa aking braso kaya napatayo na lang akong bigla. Sabay pa kami ni River na nagulat at kita ko ang panlilisik ng mga mata ni Aries sa kan'ya.
"Let's go hon," hinila na ako ni Aries palabas ng restaurant at sinenyasan ko na lang si River na tatawagan ko siya.
Pagkapasok namin sa loob ng kaniyang kotse ay hindi na kami nag-usap. Panaka-naka ko naman siyang tinitignan pero hindi niya ako sinusulyapan. Alam kong nagseselos siya kay River at lalo na hawak pa niya ang aking kamay ng dumating siya.
"Hon galit ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot. "Hon please"
"Nagseselos ako!"
"H-ha?" Inihinto niya muna ang sasakyan at hinarap ako.
"I said I'm jealous Avi! Hindi ba puwedeng iba na lang ang kaibiganin mo?" Gusto kong matawa sa itsura niya dahil hindi niya talaga alam kung ano ang tunay na pagkatao ni River. Pero pinigilan ko lamang ito.
"Hindi mo naman kailangan magselos eh, he's just a friend Aries at saka ikaw naman ang mahal ko," bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at niyakap akong bigla.
"I'm sorry hon, hindi ko lang kasi mapigilan eh. Ayokong mawala ka sa akin," bulong niya sa'kin. Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi ako mawawala sa'yo kung hindi mo 'ko sasaktan at hindi mo sisirain ang tiwala ko sa'yo." Saglit siyang napaiwas ng tingin sa akin at tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa kaniyang pisngi ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko at mataman niya akong tinitigan.
'I w-want to t-tell you something," nauutal niyang wika sa akin. Bigla naman akong kinabahan at ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Sasabihin niya na ba sa akin 'yong nangyari sa kanila ni Ellie? Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sa kan'ya mismo manggaling 'yon.
"A-ano 'yon?"
"About sa__" bigla namang naputol ang kaniyang sasabihin ng may tumawag sa kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa bulsa ng kaniyang pantalon at pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Sino 'yan hon?"
"Ha? Ah, w-wala kliyente lang namin masyado kasing makulit eh." Pinatay naman niya muna ang telepono niya at muli akong binalingan.
"Huwag kang mag-alala hon hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo," ngumiti lang ako ng tipid. Hinalikan niya ako sa aking noo at pagkuwa'y sa aking mga labi. Matagal at mapusok.
Napaungol ako ng bigla niyang ipasok ang dila niya sa aking bibig. Naramdaman ko ang mga palad niya na marahang humihimas sa aking hita paakyat kaya bahagya akong napasinghap dahil sa kiliti na dulot nito. Napakapit ako sa kaniyang batok at naramdaman ko ang aking likod na nakasandal na sa upuan. Napahinto siya at tinitigan ako.
"I'm sorry. Ihahatid na kita hon." Umayos na siya sa kaniyang pagkakaupo at muling pinaandar ang sasakyan.
Alam niya na hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay dahil minsan na niya akong niyaya at naiintindihan naman niya ito. Pero bakit parang iba ang pakiramdam ko? Handa na akong ibigay sa kan'ya ang sarili ko pero bakit parang hindi niya ito nahalata?
Simula noon ay hindi na kami muli pang nag-usap hanggang sa makarating kami sa aming bahay.