CHAPTER 6

1783 Words
Maaga pa lang ay pumunta na ako kaagad sa koprahan para bisitahin 'yon. Ang bunsong kapatid kong si Trevor ang sinama ko dahil pumunta ng bayan si Lucas para asikasuhin naman ang iba pa naming negosyo. Pagkarating namin ay nakita naming abala ang aming mga tauhan sa kanilang trabaho. Kaagad naman kaming nilapitan ni Mang Abner at ibinigay sa akin ang listahan ng kanilang nagawa. "Siyanga pala sir idadaan na lang po sa mansyon kapag naka-pagsulit na kami," wika ni Mang Abner. "Sige po Mang Abner, dadaan po muna kami sa pinyahan ngayon, at mamaya po pala doon na kayo ng mga tauhan namin maghapunan magpapahanda na lang ako" "Naku Sir Roco maraming salamat po! Nag-abala pa po kayo" "Wala 'yon Mang Abner konting salo-salo lang po para sa mga tauhan natin" "Imbitahan mo na rin Mang Abner iyong apo mong si Charisse," nakangising wika naman ni Trevor at saka ako tinignan. "Ay naku Sir Trevor hindi na po nakakahiya naman!" "Hindi mo kailangan mahiya Mang Abner saka kababata naman siya ni Roco eh, childhood sweetheart pa nga yata" "Pwede ba Trevor itikom mo nga 'yang bibig mo! Magkaibigan lang kami okay!" "Malay mo naman magkagustuhan kayo?" Sinamaan ko naman siya ng tingin at pagkuwa'y binalingan si Mang Abner. "Pasensya na po kayo Mang Abner sa kapatid ko ha? Sadyang gan'yan lang po talaga ang bibig niyan" "Naku Sir Roco wala po 'yon alam ko naman po na hindi niyo magugustuhan ang apo ko" "H-hindi naman po sa ganoon Mang Abner, kaya lang po kasi__" "Lolo!" Sabay naman kaming napalingon at nakita namin si Charisse na papalapit sa kinaroroonan namin at may dalang basket. "Oh apo bakit naparito ka?" "Pinabibigay po ni lola hindi raw kasi kayo nag-almusal kanina eh," nabaling naman ang tingin ni Charisse sa akin at nginitian ako. "Ikaw pala Roco! Hindi mo naman sinabi na uuwi ka pala rito," masayang saad niya. Tumikhim naman si Trevor at halatang pinipigilan lang niya ang pagtawa. "Biglaan lang Charisse, pinauwi kasi ako ni mama" "Ah ganoon ba?" "Punta kayo mamaya ni Mang Abner sa bahay meron lang kaming konting salo-salo" "Talaga?! Sige pupunta kami ni lolo mamaya!" Masayang wika niya sa akin. "Hija mahiya ka naman kahit konti kay Sir Roco," narinig kong bulong ni Mang Abner sa apo niyang si Charisse. Ngumuso naman siya rito na ikinangiti ko. Magkababata kami ni Charise at limang taon ang tanda ko sa kaniya. Madalas kasi siyang isinasama noon ni Mang Abner sa mansyon sa tuwing pupunta siya roon dahil wala siyang kasama sa kanila. Ang kaniyang Lola naman ay nagtitinda ng gulay sa palengke sa bayan kaya si Mang Abner ang madalas niyang kasama. Naging matalik kaming magkaibigan dahil sa wala rin naman siyang gaanong kilala rito sa amin. Tanging ang Lolo at lola na lang niya ang nag-alaga sa kaniya dahil iniwan siya ng kaniyang ina noong sanggol pa lamang siya. Napunta lang ako sa Maynila noong doon na ako mag-aral ng kolehiyo at umuuwi lang dito sa probinsya kapag bakasyon. Madalas naman kaming tuksuhin ng mga nakakakilala sa amin sa tuwing makikita kaming magkasama. Pero hindi ko na lang ito pinapansin dahil simula noong tumibok ang puso ko kay Ianne ay hindi na ako tumingin pa sa ibang babae. Maganda rin naman si Charisse. May magandang pangangatawan at mabait. Pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya kahit noong una pa lang. "Ayos lang Mang Abner, magkaibigan naman po kami eh" "Pero iba na ngayon Sir Roco, mga binata't dalaga na kayo eh" "E ano naman lolo? Bakit bata lang ba ang pwedeng maging magkaibigan?" Malungkot na saad ni Charisse sa kaniyang lolo. "Oo nga naman Mang Abner. Malay mo maging magka-ibigan sila niyan!" Dahil sa gulat ko ay inakbayan ko si Trevor palayo sa kanila. "Ano ka ba naman Trevor! Hindi ka ba titigil?" Tinanggal naman niya ang braso ko na naka-akbay sa kaniya at hinarap ako na nakapamewang. "Ano pa bang ayaw mo sa kaniya ha bro? Maganda, balingkinitan ang katawan at isa pa malaki ang hinaharap." Napamulagat naman ako sa sinabing iyon ni Trevor. "Ano pa ba ang hahanapin mo sa kaniya?" "Trevor kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya, nothing more than that" "It's because of your Ianne right?" Saglit akong natigilan at tumingin sa malayo. Alam nila ang tungkol kay Ianne at alam din nila na may mahal na ito. "Bro, may boyfriend na 'yon at matagal na rin sila. In others words pagmamay-ari na siya ng iba" "Pero hindi pa siya nakatali sa kaniya" "So, may balak ka talagang agawin siya sa boyfriend no'n? Bro, marami namang iba riyan katulad ni Charisse, bakit siya pa?" "Because I love her" "You love her? Ni hindi ka nga niya kilala eh nagmukha ka lang stalker niya." Napabuntong hininga na lang ako at sinulyapan si Charisse na matamang nakatingin sa amin. Hindi ko rin lubos maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi na lang kay Charise ako nagkagusto. "Let's go Trevor pupunta pa tayo sa pinyahan," yaya ko na sa kan'ya. Matapos naman kami magpunta sa aming mga pananim ay inihatid ko muna si Trevor sa mansyon at dumeretso naman ako sa palengke para puntahan si Lolo Tacio. Pagkarating ko naman doon ay nakita ko na nagkakagulo sa kaniyang pwesto at napansin ko ang isang lalaki na nakahawak sa kuwelyo ni Lolo Tacio kaya dali-dali ko siyang pinuntahan. Tinanggal ko naman ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kuwelyo ni Lolo Tacio at malakas ko siyang tininulak. "Teka sino ba kayo?! At saka ano ang atraso niya sa inyo?!" Sigaw ko sa tatlong lalaki na mukhang sanggano at may mga bitbit na dos por dos. Inilagay ko naman si Lolo Tacio sa aking likuran. "A-apo huwag mo na silang patulan pa baka mapahamak ka pa," bulong ni Lolo Tacio sa aking likuran. "Malaki ang utang sa amin niyang matandang 'yan! Sinisingil lang naman namin siya!" Sigaw ng isang lalaki na humawak kanina sa kuwelyo ni Lolo. "Kung maniningil kayo kausapin niyo siya ng maayos hindi 'yong tatakutin niyo pa!" "Paanong hindi namin tatakutin? Ayaw magbayad niyang matandang 'yan!" Duro niya kay Lolo Tacio. "Magkano ba ang utang niya at ako na ang magbabayad?" "Apo huwag, bayad na ako sa utang sa kanila pero pinipilit pa rin nila akong bayaran ang interes na isang buwan lang naman akong na-delay," mahinang wika niya sa akin at ang tingin ko ay nasa tatlong lalaki. "Singkuwenta mil pa ang utang niya!" Natawa naman ako ng pagak at matalim silang tinignan. "Pati ba naman matanda gugulangan niyo pa? Anong klase kayong nilalang? Ang lalaki ng mga katawan niyo hindi kayo magsipag-banat ng buto!" "Anong sabi mo?!" Pagkasabi niyang iyon ay bigla na lamang niya akong sinuntok kaya napahiga ako sa sahig. Mabilis naman ako tumayo at gumanti rin ng suntok. Narinig ko pa ang pagpigil sa akin ni Lolo Tacio pero hindi ko siya pinakinggan. Maya-maya ay nakisali na rin ang dalawa niyang kasama at hinawakan naman ako sa magkabikang braso ko kaya malaya akong nasuntok ng nagsisilbi nilang pinuno. Napaluhod naman ako dahil sa dami ng suntok na natamo ko sa kanila. "Roque, maawa kayo sa kaniya. Sige babayaran ko kung magkano pa ang pagkakautang ko sa inyo huwag niyo na siyang pakialaman," pagmamakaawa ni Lolo Tacio sa kanila. "Lolo huwag kang magpaloko sa kanila, ginugulangan ka lang nila. Iyang mga mukhang 'yan ang hindi mapagkakatiwalaan!" Sinamaan ko naman sila ng tingin habang ako ay nakaluhod sa kanilang harapan at duguan ang aking labi. "Sino ka para pagsalitaan kami ng ganiyan?!" Hahampasin na sana niya ako ng biglang nakarinig kami ng pagkasa ng baril kaya napalingon si Roque sa kaniyang likuran. Si Gascon na nakatutok ang baril sa ulo ni Roque na ikinagulat naming lahat. "Subukan mong hampasin ang kapatid ko sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan pa ng araw bukas" "Ga-gascon?" Nanginginig na sabi ni Roque. "Ako nga! May iba pa bang Gascon?" sagot naman niya habang nakatutok pa rin ang baril kay Roque. "H-hindi ko alam na k-kapatid mo p-pala siya" "Ilang taon lang siyang hindi nakauwi hindi mo na kaagad siya kilala?" "P-pasensya na hindi ko__" "At bakit pati matanda pinapatulan mo? Siya lang ba ang kaya mo? Gusto mo bang makipagkilala rito sa baril ko?" Mabilis silang umiling pagkasabi noon ni Gascon. "Subukan niyong galawin ang isa sa mga Montealegre at lalo na si Lolo Tacio sisiguraduhin kong mamamatay kayong dilat ang mga mata naiintindihan niyo?" "O-oo Gascon, hindi na mauulit" "Talagang hindi na mauulit dahil simula ngayon wala na kayong karapatang tumapak dito sa bayan ng Montealegre," nanlilisik ang mga mata na tinitigan ni Gascon ang tatlong lalaki kaya bahagya silang napaatras. "Alis!" Mabilis silang tumakbo palabas ng palengke. Tinulungan naman ako ni Lolo Tacio na makatayo. "Isa kang Montealegre pero bakit ka nagpabugbog?" Saad sa akin ni Gascon habang tinatanggal niya ng bala ang kaniyang baril. "Hindi ako nagpabugbog pinagtulungan ako" "Ganoon din yon" "Salamat sa'yo Gascon," nahihiyang wika ni Lolo Tacio sa kaniya. "Kumusta naman po lolo ang panliligaw sa'yo ni Roco?" "Pwede ba Gascon huwag ngayon?" Nginisian lang niya ako. "Naku Gascon ngayon nga lang ulit napadalaw iyang si Roco" "Kung ako sa'yo lolo 'wag mo ng sagutin 'yan," tumawa naman si Lolo Tacio. "Siyanga pala lolo kaya pala ako pumunta rito para yayain ka sa mansyon" "Bakit anong meron?" "May konting salo-salo lang po" "Sige na Lolo Tacio pumunta ka na para naman hindi sayang ang pagkaputok ng labi niyang si Roco," mapang-asar na wika ni Gascon. "Kaso paano itong mga paninda ko hindi pa nauubos?" Tukoy niya sa mga paninda niyang isda. "Huwag kayo mag-alala Lolo Tacio, si Gascon na po ang bahala riyan" "Teka bakit ako?" "E 'di ba kaya na nandito para bilhin ang paninda ni Lolo?" "Hoy Roco napadaan lang ako rito!" "Sige na Gascon bayaran mo na," napapikit na lang siya at binayaran si Lolo para sa mga paninda niya. "Ipapakuha ko na lang sa mga tauhan namin iyang mga isda lolo," wika ko sa kaniya. "Sige apo at susunod na lang ako sa mansyon." Pagkasabi niyang iyon ay umalis na kami ni Gascon. "Hanggang kailan mo siya tutulungan?" Wika sa akin ni Gascon bago kami sumakay sa kani-kaniya naming sasakyan. "Sa abot ng makakaya ko" "Kaya mo ba tinutulungan si Lolo Tacio dahil sa apo niya?" "Tinutulungan ko siya dahil gusto ko Gascon. Kahit na hindi niya apo si Iannne o kaya kahit na hindi kami ang para sa isa't-isa tutulungan ko pa rin si Lolo Tacio" "Pinapaalalahanan kita Roco ayokong madawit ka sa gulo ng pamilya nila. Kung mangyari man 'yon alam mo na kung saan ako hahanapin" "Don't worry Gascon I can handle it." Pagkasabi kong iyon ay sumakay na ako sa aking sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD