Mahigit isang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Rocky. Iniisip ko tuloy na baka kinalimutan na niya ako o ‘di kaya ay totoo ang mga binibintang ni Aries tungkol sa kaniya. Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang hiling kun’di malaman sa kaniya ang katotohanan tungkol sa aking ama. Pero mukhang kinalimutan na niya ako, ni anino niya ay hindi ko na makita pa. Nasasaktan ako dahil ipinangako niya sa’kin na hinding-hindi niya ako iiwan at poprotektahan ano mang oras. Bigla ko namang naisip noong umalis ako sa isla at sumama kay Aries. Alam kong nasaktan ko siya at hindi binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Pero kung hihintayin ko pa ‘yon ay baka kung ano pa ang magawa ni Aries sa kaniya pati na rin ang mga tauhan niya. Isa siyang Mafia n

