”Hoy Avi, bakit ang aga-aga nating pumasok? Naku naman hindi tuloy ako nakapag morning routine nito. Alas otso pa ang pasok natin vakla! Alas sais pa lang, anong oras mo ‘ko binulabog sa bahay ko nakakaloka ka!” pagmamaktol na wika sa akin ni River habang nagmamaneho ako. Sinundo ko kasi siya sa bahay niya dahil susunduin ako ni Aries at ayoko muna siyang makaharap sa ngayon. Kapag kasama ko siya ay si Rocky ang naaalala ko. Isang araw pa lang ako rito sa Manila pero namimiss ko na kaagad siya. iniisip ko kung ano na ang nangyayari sa kan’ya ngayon pagkatpos kong umalis. “Hindi ko pa kayang harapin si Aries River” “Face the consequence Avi. Kahit na anong iwas mo sa kan’ya magkikita at magkikita pa rin kayo” “I know River pero naguiguilty pa rin ako eh. Pakiramdam ko sinisisi niya ako

