Pagkarating namin sa bahay ni Aries ay kaagad akong bumaba ng sasakyan at mabilis na pumasok sa loob. Doon ay nakita ko ang aking mag magulang na nakaupo at tila hinihintay ako. At nang mapadako ang tingin nila sa akin ay kaagad na tumayo si mommy at mabilis akong dinalohan at niyakap. Niyakap ko rin siya nang mahigpit dahil sobra ko talaga siyang namiss lalo na ang mga yakap niya sa akin. Nakita ko naman si daddy na papalapit sa amin at kumalas naman ako nang pagkakayakap kay mommy at si daddy naman ang niyakap ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghot hudyat na umiiyak na rin siya. “I miss you soo much my princess,” umiiyak na wika ni daddy. Humiwalay naman ako sa kaniya at pinunasan ko ang aking mga luha. Nakita ko naman na paparating si Tita Bridgette kaya bigla akong nakaramd

