Nakatingin ako kay Ianne habang ginagamot siya ng mga nurse. Puro sugat ang kaniyang braso at may sugat din sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga na lang ako at tumalikod dahil naaawa ako sa kalagayan niya ngayon. Nakita ko naman si Erick na papalapit sa akin. “Boss natawagan ko na ang mga magulang niya at papunta na rin sila ngayon hindi nila dapat tayo makita.” Tumango lamang ako kay Erick at muling sinulyapan si Ianne bago lumabas ng E.R. Nakaupo naman kaming dalawa ni Erick sa labas at hinihintay na lang ang paglabas ng doctor. Nakayuko ako at iniisip pa rin kung sino ang posibleng gumawa noon sa pamilya ni Tito Arnold. Pinaimbestigahan ko na rin ito pero wala talaga silang mahanap na ebidensiya kung sino ang lider ng Grambino Orgaization. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng sigaw at

