“Hoy Avi magtapat ka nga sa’kin, anong namamagitan sa inyo noong Rocky na ‘yon?” Nasa tindahan kami ni River at umiinom ng softdrinks at nakaupo sa mahabang upuan.
“Wala. Saka magkaibigan lang kami no’n”
“Whee? Iba kasi kung makatitig sa’yo kanina ang lagkit vakla!”
“Puwede ba River ah, walang namamagitan sa’min saka may ibang gusto ‘yon.” Parang biglang sumakit ang puso ko ng sa akin mismo manggaling ang salitang iyon. Pero kung may iba siyang gusto bakit niya ako hinalikan? At sinabing mahal niya ako?
“E bakit parang biyernes santo naman ‘yang mukha mo? Selos ka vakla?”
“Hindi ‘no!” sabay tayo ko sa aking upuan at bigla ko namang nakita si Rocky na papalapit sa kinaroroonan namin.
Bigla na namang kumalabog ang dibdib ko at hindi alam ang gagawin. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa aking nararamdaman para sa kan’ya.
“Ahhmm, Avi puwede ka ba bukas?” tanong niya nang makalapit na siya sa akin.
“H-ha? S-saan naman?” nauutal kong wika at hindi naman ako makatingin sa kan’ya ng deretso.
“Sa resort. Isama mo rin si River para makapag swimming kayo”
“Hoy vakla tara gora tayo para naman hindi sayang ang bakasyon ko rito”
“W-wala kasi akong isusuot eh”
“Avi hindi problema ‘yan may dala ako.” Napatingin naman akong bigla sa kan’ya at itinaas-taas niya pa ang kaniyang kilay.
“So, I’ll pick you up tomorrow?”
“Ha? Ah, ano kasi __”
“Ano bang problema mo riyan Avi? Hindi na dumeretso ‘yang dila mo pagkakita mo kay fafa Rocky.” Pinalo ko naman si River sa may bandang tiyan niya dahil sa kaniyang kadaldalan.
“Sabihin mo na lang kung saan ‘yong resort susunod na lang kami ni River tutal may sasakyan naman kami eh”
“O-okay, sa Villa Montealegre. Actually it’s a private resort kaibigan ko ang may-ari noon”
“Ah, iyon bang nakita natin sa may koprahan noon?”
“O-oo siya nga”
“Okay sige pupunta kami bukas”
“I’ll see you then.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at umalis.
Nakamasid lamang ako sa kan’ya habang siya ay papalayo sa aming kinaroroonan.
“Avi huwag masyadong pakatitigan napaghahalataan ka.” Tumikhim naman ako at sinamaan siya ng tingin.
“Ano bang nararamdaman mo para sa kan’ya ha?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Vakla kilala kita ‘no! I know you for so long kaya wala kang maitatago sa’kin.” Natahimik naman ako at tumingin lamang sa malayo. “Aries is looking for you Avi.” Mabilis akong napatingin sa kan’ya at seryoso niya akong tinitigan.
“What?”
“Hindi siya tumitigil sa paghahanap sa’yo Avi. Pati ‘yong kumpanya nila napapabayaan na niya. Araw-araw ko siyang nakikita sa school akala ko nga si Ellie ang pinupuntahan niya eh. Pinagtatanong-tanong ka niya roon kung nakabalik ka na raw at pumapasok ng hindi nila nalalaman. Pati nga ako inaaway na niya dahil tinatago raw kita.” Mahabang paliwanag niya sa akin. Pagkatapos ng pagtataksil niya sa akin tapos heto siya ngayon nag-aabala siyang hanapin ako.
“What’s his reason then? After ng ginawa niya may lakas ng loob pa siyang hanapin ako?” garalgal kong wika sa kan’ya.
“Gusto mo pa bang sabihin ko sa’yo Avi? Ayoko kasing maguluhan ka pa sa nararamdaman mo ngayon eh”
“Anong ibig mong sabihin?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.
“Avi I know you already have feelings for Rocky. I really feel it. Kahit hindi mo man aminin ‘yon nakikita ko ‘yon sa’yo”
“I don’t know River, naguguluhan ako”
“What if kung hindi ka nga niloko ni Aries?”
“That’s impossible River,” takang ko siyang tinitigan. Saglit siyang hindi nakapagsalita at pagkuwa’y tinitigan ako ng makabuluhan.
“He didn’t cheat on you Avi”
“What?!” pasigaw kong saad sa kan’ya.
“Hindi ka niya niloko Avi”
“Paano ka nakakasiguro River?”
“I heared Ellie and her friends talking. Kasalukuyang nasa banyo sila at palabas naman ako ng banyo rin ng marinig ko ang boses ni Ellie. She drug your boyfriend Avi kaya sinamantala naman ‘yon ni Ellie para makuha si Aries. Iyong sa fire exit na nakita mo sila, siya rin ang may gawa noon. Hindi ko alam kung anong drugs ‘yon Avi bakit niya napapasunod si Aries.” Bigla akong nanlambot at nanghina dahil sa aking mga narinig mula sa kan’ya.
Ang ibig sabihin noon ay hindi ako totoong niloko ni Aries, totoong minahal niya ako. Napatutop ako ng aking bibig at hindi na napigilan pa ang mapaiyak. Mas pinili kong lumayo at hindi alamin ang mga nangyari. Naging bulag-bulagan ako dahil sa sobra kong pagmamahal kay Aries.
Ngayong nalaman ko na ang totoo, hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung may natitira pa bang puwang si Aries sa puso ko. Si Rocky na nga ba ang nagmamay-ari ng puso ko? O sadyang humahanga lang ako sa kan’ya?
“River hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko, mas lalo akong naguguluhan,” umiiyak kong turan sa kaniya.
“Madali lang malaman ‘yan vakla kung mahal mo na rin si Rocky”
“P-paano?”
“Pakiramdaman mo at pakinggan mo ang t***k ng puso mo Avi.”
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni River upang magtungo sa resort na sinasabi ni Rocky. Nakasuot ako ng maigsing shorts at white crop top na dinala naman sa akin ni River. Ewan ko ba sa kan’ya kung bakit niya pa ako dinalhan ng mga two piece at mga pang-sexy na damit.
Pagkababa namin ni River ng sasakyan ay napamaang kami nang makita kung gaano kaganda ang resort. Tinanggal ko pa ang suot kong sunglasses upang mas lalong masilayan ang ganda nito. Pumikit naman ako at nilanghap ang amoy ng dagat at unti-unti namang sumilay ang aking mga ngiti. Sa pagdilat ng mga mata ko ay nawalang bigla ang aking ngiti nang makita si Rocky at Charisse na papalapit sa amin. Pansin ko naman ang malapad na pagkakangiti niya at medyo tinaasan pa ako nito ng kilay.
“Kanina pa ba kayo?”
“Kakarating lang namin,” wika ko pero ang tingin ko ay na kay Charisse at umangkla pa ito kay Rocky na ikinairap ko naman.
“Tara pasok na tayo sa loob.” Nauna na silang naglakad at kasunod naman kaming dalawa ni River.
“Iyan ba ‘yong sinasabi mong gusto ni Rocky?” bulong sa akin ni River.
“Hindi siya. Kababata lang niya ‘yan”
“Oh I see, makapulupot akala mo jowa. Hindi sila bagay mas bagay kayo vakla”
“Tumigil ka nga riyan baka marinig ka eh,” saway ko sa kaniya. Nagtungo kami sa isang pavilion at nakitang may iilang tao roon at sa tingin ko ay mga magkasintahan.
“Hey bro! bati ng isang guwapong lalaki na medyo may katangkaran at maputi.
“Siyanga pala kilala niyo na naman si Charisse ‘di ba?
“Yes she’s your childhood friend right?”
“Yeah. Ito naman si Ia__ I mean Avi and this is his friend River”
“Hi,” tipid kong bati sa kaniya.
“Finally Avi! Nice to meet you. I’m Marco and this is Wallace my cousin and his wife Louise. This is Jake and his wife April and also my beloved wife Macelyn,” pakilala naman niya sa amin. Nakipagbeso-beso naman ang kanilang mga asawa at namangha dahil sa napaka-ganda ng mga ito. Hindi lang maganda at mukha rin silang mababait.
“So ikaw pala si Avi. Madalas ka kasing ikuwento sa amin ni Rocs eh.”
“Shut up Wallace!” inis niyang baling dito.
“T-talaga ba?”
“Yes Avi. Ngayon na kami naniniwala sa kaniya na mas maganda ka pala talaga sa personal”
“Wallace pwede ba?!”
“Puwede mo ba akong samahan sa room? Pasensiya na medyo naliligaw pa kasi ako eh,” may pagka-maarteng saad naman ni Charisse sa kaniya. Pansin ko naman ang pagtitinginan ng tatlo niyang kaibigan at narinig ko pa na bumulong si Jake na katabi ko lang.
“Torn between two lovers,” sabay inom naman niya ng bottled water na hawak niya.
“Maiwan ko muna kayo Avi ha?” tumango lamang ako sa kan’ya at umalis na siya kasama si Charisse.
“Vakla iwan muna kita saglit may naiwan lang ako sa sasakyan natin”
“Okay River bilisan mo ha?” Nakaramdam naman ako ng pagkailang ng maiwan ako kasama ang mga kaibigan ni Rocky.
“Kumusta pala kayo ni Rocs?” baling sa akin ni Wallace at katabi ang kaniyang asawa.
“A-ayos naman, saka magkaibigan lang kami”
“Pero ayaw niya ‘yon”
“H-ha?” Pinalo naman siya ng asawa niya sa kaniyang braso.
“Pasensiya ka na sa asawa ko Avi ha? Tara swimming tayo?”
“Okay sige.” Bago pa siya makatayo ay hinalikan muna siya ni Wallace sa kaniyang mga labi at napaiwas naman ako ng tingin. Kasama kong magpalit si April, Louise at Macelyn sa banyo ng damit panligo. Hindi ko naman alam kung dapat ko bang suotin ang dinalang swim suit sa akin ni River. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganoon at karaniwang sinusuot ko lamang ay one piece. Matagal akong nasa loob ng cubicle at hindi pa rin lumalabas.
“Hey Avi are you okay?” katok sa akin ni Macelyn.
“Ah o-oo okay lang ako lalabas na ako.” Bago pa ako lumabas ay huminga muna ako ng malalim at isinuot muna ang mahaba kong t-shirt dahil pakiwari ko ay para akong manlalambot sa itsura kong iyon. Pagkalabas ko naman ay taka nila akong tinignan dahil sa aking suot.
“O Avi akala ko ba nakapagpalit ka na?” tanong sa akin ni April? Lahat sila ay nakasuot ng two piece at talaga namang nakakahanga ang kanilang mga katawan. Sexy rin naman ako pero hindi talaga ako sanay magsuot ng mga two piece at hanggang bathing suit lang ako.
“Nahihiya kasi ako eh”
“But why? Wala kang dapat ikahiya. Kami nga mga mommies na pero lakas loob pa rin kaming magsuot ng ganito,” pagmamalaking wika ni Louise.
“Talaga?! Bakit parang hindi naman?” natawa naman siya dahil sa aking tinuran.
“Be confident Avi, malay mo naman bigla na lang siyang magtapat sa’yo.” Gulat ko namang tinitigan si April at napamaang ako sa kaniya. “Halika na nga! Napaka-inosente mo talaga eh,” sabay hila naman sa akin ni April at narinig ko pa ang pagtawa ni Louise at Macelyn sa aming likuran.
Naupo muna kami sa cottage at kasama na rin namin si River na kararating lang din at nakasuot na ng kaniyang pang swimming. Kita ko naman sa ‘di kalayuan sina Charisse at Rocky na naliligo na sa dagat. Napataas ang aking kilay at kulang na lang ay itapon ko ang hawak kong juice na iniinom ko.
“Vakla bakit naka ganiyan ka pa? ‘di ba sabi ko sa’yo isuot mo ‘yong dala kong two piece para sa’yo?”
“Nahihiya pa kasi siya River eh. Sige ikaw rin Avi papakabog ka ba do’n sa Charisse na ‘yon?” sabay nguso ni April kung nasaan sila. Napairap ako dahil tanging si Charisse lang ang lapit nang lapit kay Rocky na mas lalo kong ikinainis.
“Alam niyo girls ang sexy pala ni Charisse ano? Kita mo naman kabog na kabog pang bench body ang peg!” wika ni River sa kanila at halatang inaasar lamang ako.
“Yeah right! Hindi natin alam baka mamaya ma-fall na lang si Rocs kay Charisse,” gatong pa ni Macelyn. Padabog naman akong tumayo at hinubad ang suot kong t-shirt na nagsisilbing pamatong ko.
“Oh my god! Avi you have a really nice body,” puri sa akin ni Louise.
“Yes she is! Pero hiyang-hiya siyang ilabas sa madla.” Maya-maya pa ay nakita na naming palapit sa kinaroroonan namin si Rocky at Charisse. Parang gusto ko na lamang takpan ang aking katawan ng balingan ako ng tingin ni Rocky at hinagod pa ang aking itsura. Umiwas na lamang ako sa kaniya ng tingin at tumayo para sana magswimming.
“Oh Avi saan ka pupunta? Wala ka namang kasamang magswimming,” sarkastikong wika sa akin ni Charisse.
“Kaya kong magswimming mag-isa. Hindi ko kailangan ng kasama.” Inirapan ko na lamang siya at mabilis na umalis papunta sa dagat.
“Akala ko ba ang pakilala niya sa akin ay girlfriend niya ‘ko? Tapos ang kasama niya ‘yong Charisse na mukhang isda! Sinabi na niya siguro kay Charisse na hindi niya talaga ako girlfriend,” inis ko namang sabi sa aking sarili.
In-enjoy ko na lamang ang dagat at sumisid na lang ako dahil naiinis talaga ako kay Rocky. Siya ang nagpapunta sa amin dito pero iba naman ang kasama niya. Sumisid ako sa dagat at lumangoy nang lumangoy. Nagulat na lamang ako ng may biglang humawak sa aking bewang at iniangat na lang akong bigla. Napatingin ako kung sino ang gumawa noon at nanlaking bigla ang aking mga mata ng makilala siya.
“Are you okay?” may pag-aalalang wika niya sa akin.
“Ano sa tingin mo?! Saka bakit mo ginawa ‘yon?”
“Akala ko kasi nalulunod ka na ang tagal mo kasi sa ilalim ng dagat eh.” Ibig bang sabihin kanina niya pa ako pinapanuod?
“Mas muntik na akong malunod dahil sa ginawa mo!” singhal ko sa kaniya.
“Well, I’m sorry. I thought you are__ nevermind.” Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawala sa aking sarili at basta na lamang siyang hinalikan. I just wanted to make sure of what I feel for him. I don’t want to be confused, gusto kong malaman mula mismo sa kan’ya kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman, kung totoo nga ang narinig ko noon sa kaniya na mahal niya ako.
Nagulat naman ako nang tumugon din siya ng halik sa akin. We kissed passionately at hindi naman namin alintana kung may nakakakita ba sa amin. Ayoko ng magkamali at ayoko na ring masaktan. Alam kong masyado pang maaga para maramdaman ko ito sa kan’ya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Aries at kung ano ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Kumalas ako sa kaniya ng paghalik at gulat niya akong tinitigan.
“I-I’m sorry,” nasabi ko na lamang sa kaniya. Lalagpasan ko na sana siya para umahon pero mabilis niya akong hinawakan sa braso at inilapit niya pa ang kaniyang sarili sa akin.
“What is the meaning of that?” paos niyang saad sa akin.
“Ahhmm, ano. I didn’t mean to__” hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng siya naman ang humalik sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. Ipinasok niya pa ang kanilang dila at para bang may hinuhukay doon kaya mahigpit akong napakapit sa kaniyang braso at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Hindi ko masabi pero ito ang halik na hinahanap-hanap ko at parang ito rin ‘yong halik na natikman ko noon. Humiwalay siya sa akin at pareho naman kaming hinihingal at mataman niya akong tinitigan.
“Your lips are already mine now. And someday I’m gonna marked you down there.” Ipinadausdos niya pa ang kaniyang palad sa aking braso patungo sa aking bewang kaya naman napasinghap akong bigla. “Remember that Avi.” Naiwan naman akong tulala habang nakatanaw sa kaniya at hindi pa rin makapagproseso ang aking isipan.
“A-ano raw? Anong ibig niyang sabihin?” kinakabahan kong saad sa aking sarili.