CHAPTER 21

1914 Words
Habang nakaupo ako sa hapag kainan at umiinom ng kape ay panay naman ang aking paghikab at medyo pumipikit-pikit pa ang aking mga mata. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Rocky. Magdamag kong inisip 'yon dahil sa klase ng paghalik niya sa akin. Imposible namang siya 'yon dahil mayaman 'yong lalaking nakatabi ko sa hotel. Napasandal na lamang ako sa upuan at bahagya ko pang inihiga ang aking ulo na parang nakatingala ako at pinikit ko ang aking mga mata. Antok na antok pa ako dahil hindi ako pinatulog sa sobrang pag-iisip sa kan'ya. "Kainis bakit ba kasi iniisip ko pa siya? Naguguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko," mahinang wika ko sa aking sarili. "Kanino ka naguguluhan apo?" Napadilat ako at napaayos ng aking upo nang makita kong papalapit sa akin si lola Minda na may hawak ding isang tasa ng kape. Naupo naman siya sa aking harapan at ngumiti. "H-ho a-ano po, ahhhm ano kasi lola__" "Si Rocky ba ang gumugulo sa isipan mo?" "N-naku lola h-hindi po," nauutal kong wika sa kan'ya. Humigop muna ako ng kape at muntik na akong masamid dahil sa sinabi ni lola Minda. "Mahal mo na ba siya?" Natigilan ako at mataman siyang tinitigan. "Hindi ko po sigurado lola," nakayuko ko namang sagot sa kan'ya. "Natatakot ka ba ulit na magmahal? Alam mo apo, pagdating sa pag-ibig kailangan mo ring masaktan dahil karugtong na 'yan ng pagmamahal. Pero kung patuloy ka namang nasasaktan dahil sa kan'ya bakit mo pa siya patuloy na mamahalin?" Sobra kong minahal si Aries halos sa kan'ya umiikot ang buhay ko. Hindi ko akalain na sa isang iglap lang ay magagawa niya akong lokohin. At heto na naman ako, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko kay Rocky na bigla-bigla na lang magbabago ang nararamdaman ko na noon ay kay Aries lamang. Bigla ko na lamang mamahalin ang lalaking hindi ko pa lubos na kilala. "Lola Minda, posible po bang magmahal ang isang tao na hindi mo pa lubos na kilala?" "Posible apo. Kasi nakikita mo sa kan'ya ang mga mgagandang katangian na gusto mo sa kan'ya." Totoo nga kayang mahal ko na si Rocky? Pero bakit siya? "Apo kilalanin mo siya. Katulad nang sinabi sa'yo ni lolo Tacio mo, magtiwala ka sa kan'ya kung sakali mang may hindi siya masabi sa'yo" "Naguguluhan po ako lola Minda, anong klase po bang tao si Rocky?" "Isa siyang mabuting tao apo. Nakilala namin siyang may mabuting puso at mabuting hangarin." Ngumiti lang ako sa kan'ya at pagkuwa'y nagpaalam na rin si lola na pupunta muna sa bayan. Nag-ayos naman ako ng aking sarili para sana lumabas muna at maglakad-lakad. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at white t-shirt na tinernuhan ko ng gomang tsinelas. Napangiti na lang ako dahil malayong-malayo sa aking nakagisnan. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko naman ang tatlong magkakapatid na naglalaro sa tapat ng kanilang bahay. Ngumiti ako at lalapitan na sana sila ng may lumapit sa kanilang isang may edad na lalaki nakita ko na may mahabang itak na nakasabit sa kaniyang bewang at napatulala na lamang ako. Hindi ko alam pero parang bigla na lamang akong hindi makahinga. Napaatras akong bigla at sapo ko ang aking dibdib at malalakas naman ang aking paghinga. Narinig ko pa na tinawag ako ni Chyn pero hindi ko ito pinansin at tumalikod na lamang ako. Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo at natumba na lang basta sa sahig. Hindi ko alam kung ilang oras ako nawalan ng malay. At ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga boses sa aking tabi. Sadyang nakapikit lamang ako at pinakikinggan ang kanilang usapan. "What happened to her?" "Hindi ko alam apo, pag-uwi ko galing sa bayan naabutan ko si Chyn at ang tatay niya rito sa bahay. Dinala na nila rito dahil nahimatay daw si Avi," paliwanag naman ni lola Minda. "Pero bakit kaya?" "Ang sabi pa ni Chyn napansin daw niya na parang takot na takot si Avi at parang hindi makahinga pagkatapos no'n nahimatay na siya. "Ganoon po ba?" "Sige apo maiwan ka muna rito at titignan ko lang ang niluluto ko para kay Avi." Narinig ko pa ang pagsara ng pintuan hudyat na nakalabas na si lola Minda. Naramdaman ko naman na naupo siya sa aking tabi at hinawakan ang aking isang kamay. Medyo kinakabahan ako pero hindi ko ito pinahalata sa kan'ya at nanatili pa rin akong nakapikit. "I'm sorry I wasn't there that time. I'm worried about you. Sana mawala na 'yong sakit na nararamdaman mo, I love you Avi kahit na hindi ako ang nasa puso mo mamahalin pa rin kita at poprotektahan pa rin kita. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo." Dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla na lamang lumakas ang t***k ng puso ko. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Mahal ako ni Rocky? Pero paano? Bakit? Kailan pa? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Idinilat ko ang aking mga mata nang makaalis na siya sa loob ng aking kuwarto. Tumayo ako at naupo sa kama. Tulala naman akong nakatingin sa pintuan at hindi makapaniwala sa aking narinig mula kay Rocky. "Mahal ako ni Rocky?" tanong ko sa aking sarili. Kinabukasan ay tumawag sa akin si River na ngayong araw ang punta niya rito sa Quezon. Sinabi naman niya sa akin kung anong oras siya makakarating para sunduin ko naman siya sa bayan. Maaga pa lang ay naghanda na ako at sinabi kina lolo Tacio at lola Minda na darating ang kaibigan kong si River. "Sige apo magluluto ako para sa bisita mo," wika sa akin ni lola Minda. "Pasensya na po kayo lola ha? At saka dalawang araw lang naman po rito si River aalis na rin po siya" "Naku apo huwag kang mag-alala ayos lang naman. Gusto mo bang pasamahan kita kay Rocky sa pagsundo sa kan'ya?" "H-ho?! Huwag na po lola kaya ko na po!" mariing pagtanggi ko. Ewan ko ba pero parati na lang akong natataranta sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya. Lagi akong hindi makapag-isip ng maayos at may time pa na iniiwasan ko siya dahil pakiramdam ko nawawala ako sa ulirat kapag nakikita ko siya. Hindi naman ako ganito sa kan'ya noon, naging ganito na lang ako noong may kakaiba na akong nararamdaman sa kan'ya at lalo na sa narinig ko mula sa kan'ya. "Sigurado ka ba hija na kaya mo na mag-isa?" "Opo lola kaya ko na po, huwag na po kayong mag-alala" "O sige hija mag-iingat ka ha?" Maaga naman akong umalis ng bahay dahil kakatawag lang ulit ni River na malapit na raw siya sa may bayan. Dala ko naman ang hiniram kong sasakyan niya at hinintay na lang siya malapit sa palengke. Nakasandal naman ako sa pintuan ng kotse ng lumapit sa akin si Jenny, ang suwail na anak ni aling Sonia. "Wow! May pakotse-kotse ka pa feeling mayaman?" Inirapan ko lamang siya at tumingin na lang ako sa ibang direksyon. "Bakit ka ba nagtyatyaga rito kung mayaman ka naman pala?" Sarkastikong wika niya at saka ko naman siya binalingan ng tingin. "Wala ka na ro'n. Saka bakit ba pinakikialaman mo ang buhay ng iba?" "Hindi ka bagay sa maruming lugar na ito. Kung mayaman lang ako bakit pa ako magtyatyaga sa mabahong lugar na 'to?" "Alam mo Jenny hindi lahat ng mayaman ay masaya sa buhay dahil may pera sila. At hindi lahat ng tao ay pera ang nagpapasaya sa kanila. Wala akong magagawa kung 'yan ang pananaw mo sa buhay." Pagkasabi kong iyon ay padabog naman siyang umalis at naglakad na palayo sa akin. "Avi!" Napalingon naman ako at nakita si River sa kabilang kalsada na kumakaway sa akin. Tumawid na siya at sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap. Dahil sa galak kong makita siya ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak. Kumalas ako sa kan'ya ng pagkakayakap at hinarap siya. "Namiss kita River" "Namiss din kita vakla! Huwag ka nang umiyak kasi marami akong pasalubong sa'yo na mga paborito mong pagkain" "Talaga?" "Oo naman ikaw pa!" Umalis na kami kaagad pagkasundo ko sa kan'ya. At tulad ng una akong napunta rito ay manghang-mangha rin siya sa kaniyang nakikita bawat madaanan namin. Para rin siyang bata na ngayon lamang nakakita ng mga ganoong kakaiba sa paligid niya. At nang makarating na kami sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni lolo Tacio at tinulungan sa mga gamit na dala ni River. Muntikan pa akong mapaatras nang masilayan ko si Rocky na tinutulungan si lola Minda sa pag-aayos ng hapag kainan. "Oh may fafabols, sino 'yan vakla?" bulong sa'kin ni River. Napadako naman ang tingin sa amin ni Rocky at ako nama'y umiwas sa kan'ya ng tingin. Sadya namang malakas ang pakiramdam ni River kaya mabilis niya itong nahalata. "I smell something fishy vakla," inirapan ko lang siya at pagkuwa'y nauna na akong umupo sa hapag at kasunod ko naman si River na naupo sa aking tabi. "Siyanga pala River si lolo Tacio saka si lola Minda." Napahinto akong saglit ng mapadako naman ako kay Rocky na matamang nakatitig sa akin. "At siya n-naman s-si Rocky," nauutal kong wika. "Nice meeting you fafa Rocky! Ang astig ng name mo ah!" siniko ko naman si River dahil sa kaniyang tinuran. "Oo nga pala apo, salamat sa pera na pinahiram mo hindi ka na sana nag-abala pa" "Anong pera po 'yon lolo?" takang tanong ni Rocky na pinagpalit-palit pa ang tingin sa amin ni lolo Tacio. "Pumunta na naman kasi ang grupo ni Roque sa palengke at sinisingil ako sa pagkakautang sa kanila" "What? Pero bakit hindi niyo po sinabi sa akin?" "Apo ayoko ng mag-alala ka pa dahil sobra-sobra na ang naitulong mo sa amin. Hindi ko nga rin sana tatanggapin ang perang inaalok nitong si Avi kaya lang baka kung ano na naman ang gawin ni Roque at madamay pa itong si Avi" "Next time po lolo magsabi kayo sa'kin dahil napaka-delikado niyang tao baka kung ano na naman ang gawin niya sa inyo at lalo na kay Avi." Tumingin siya sa akin at yumuko na lang ako para hindi salubungin ang mga titig niya. "Huwag kang mag-alala apo hindi na siya manggugulo pa" "Avi mukhang daks ah," bulong niya sa'kin at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tumigil ka nga riyan River baka marinig ka," mahina at may diing saad ko naman sa kan'ya. "Sa tingin mo anong sukat ng cactus niya vakla?" "Tumigil ka na riyan River umiral na naman 'yang kabaklaan mo" "Ito naman ang damot talaga, hulaan ko four lang siguro 'yan?" "River it's eight!" Napatingin naman silang lahat sa amin dahil sa lakas ng pagkakasabi ko noon. Mariin naman akong napapikit at sinamaan ng tingin si River na halatang nagpipigil ng tawa. "Ano 'yon apo?" Nagtatakang tanong ni lola Minda. "W-wala po lola Minda. Ang ibig ko pong sabihin eight po matutulog na si River mamaya dahil pagod po siya sa biyahe eh, right River?" Pinandilatan ko pa siya ng mata pagkasabi kong iyon. "O-opo lola masyadong malayo po kasi itong Quezon" "O siya matulog ka ng maaga mamaya para makapagpahinga ka" "Eight pala vakla ah, nakita mo na siguro?" "Tumigil ka na riyan River tatadyakan ko na 'yang bunganga mo," muli kong bulong sa kan'ya. At nang mapadako ang tingin ko kay Rocky ay siya namang titig na titig sa akin at dumako pa ang tingin nito sa aking mga labi. Tumikhim ako at pagkuwa'y pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD