"Anak bakit kasi hindi mo na lang ibenta 'yong bar mo at dumito ka na lang?" wika ni mama habang inaayos ko ang iba ko pang gamit na dadalhin papuntang Maynila.
Uuwi muna ako roon para bisitahin naman ang aking negosyo. Tatlong araw akong mawawala dahil may mga bagay din akong kailangan asikasuhin.
"Ma hindi puwede"
"Bakit hindi puwede? Kung siya lang ang dahilan kung bakit nananatili ka roon bakit hindi mo siya tuluyang ligawan?"
"Ma, sa tingin mo ba matatanggap niya 'ko?"
"Bakit hijo? Ano bang ikinakatakot mo?" Humarap ako sa aking bintana rito sa kuwarto at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
"I lied. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kan'ya ang totoo"
"Anak, kung talagang mahal mo siya wala kang dapat ilihim sa kaniya dahil para mo na ring sinabi na hindi totoo ang nararamdaman mo para sa kan'ya"
"I know ma. Kaso natatakot akong malaman niya ang totoo." Lumapit naman siya sa akin at hinarap ako.
"You mean nagkausap na kayo?" Gulat niyang tanong sa akin.
"Yes ma, kaya nga iyon ang ikinakatakot ko"
"Anak, you better tell her who you are bago pa mahuli ang lahat. Paano kung unti-unti na ring mahulog ang loob niya sa'yo at bigla niyang malaman?"
"That's what I thought ma. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kan'ya ang lahat"
"Don't be afraid Roco. Dahil kung sakali mang mahalin ka na niya dapat handa ka rin sa mga posibleng mangyari." Natawa naman ako ng pagak sa sinabi ni mama.
Sana nga dumating ang araw na mahalin din niya ako pero alam kong malabo 'yon dahil alam kong si Aries pa rin ang tanging nasa puso niya at hindi ko kayang pantayan ang mga pinagsamahan nila.
Maaga akong umalis sa mansiyon at dumaan muna sa bahay nila lolo Tacio. Kumatok ako at si lolo Tacio ang nagbukas. Pumasok muna kami sa loob at naupo.
"Ilang araw ka palang mawawala apo?"
"Mga tatlong araw po lolo"
"Sigurado ka ba sa gagawin mong iyan Roco?"
"Opo lolo. Gusto kong makabawi lalo na kay Ianne"
"Apo wala kang kasalanan ilang taon ka ng nagdudusa sa kasalanang hindi mo naman ginawa"
"No lolo. It's my fault, dahil sa akin, dahil sa akin__" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang tapikin niya ang aking balikat at napatingin ako sa kan'ya na nanunubig ang aking mga mata.
"Apo, sinubukan mo silang iligtas pati na rin kami ng lola Minda mo. Alam namin iyon Roco kaya huwag mo sanang sisihin ang sarili mo. At lalo na ang nangyari kay Ianne apat na taon na ang nakakaraan.
"She got traumatized lolo Tacio. Alam mo 'yong takot sa mukha niya? Naalala ko pa 'yon lolo. Kaya natatakot ako na kapag nalaman niya baka biglang bumalik 'yong sakit ng nakaraan niya"
"She will understand Roco." Hindi na ako nakapagpaalam kay Ianne dahil natutulog pa ito at alas singko pa lang ng umaga.
Mabilis naman akong nakarating ng Maynila at dumeretso kaagad sa bar. Sinalubong naman ako ng iba kong mga tao at pumunta na ako sa aking opisina. Kasunod ko naman si Renier na siyang pinagkakatiwalaan kong tumingin dito sa bar.
"Kumusta 'yong pinapalakad ko?" Wika ko pagkaupo ko sa aking upuan at siya nama'y nakatayo sa aking harapan.
"Negative boss. Ang galing nilang magtago ng ebidensiya at malinis ang pagkakagawa"
"f**k," mahinang mura ko at napasandal na lang akong bigla sa aking upuan at mariing pumikit. Paano ko malalaman kung sino ang dumukot noon kay Ianne.
"Pinapasabi rin ni Boss Gascon na magpapadala pa siya ng iba pang tauhan para sa'yo." Bigla akong napamulat at taka siyang tinitigan.
"Why? At saka sobrang dami niyo na ritong nagtatrabaho sa bar ko hindi ko na nga alam kung saan ko na ipupwesto 'yong iba," pagrereklamo ko naman. Halos lahat ng tauhan ko rito sa bar ay galing kay Gascon at mga tauhan din niya.
"You're brother knows you better. Dahil mas masahol ka pa raw sa leon kung magalit," umiling lang ako sa kaniyang sinabi.
"Kay Gascon kayo matakot huwag sa 'kin"
"Pero boss bakit hindi ka pa bumalik?" Saglit akong hindi makapagsalita at tumingin lang sa portrait ni Ianne na nakasabit malapit sa aking puwesto.
"Because of her," pinangako ko sa aking sarili na poprotektahan ko pa rin siya kahit na anong mangyari at kahit ikamatay ko pa.
Hapon na ng magpasya akong puntahan ang mga kaibigan ko sa ospital. Una ko munang pinuntahan si Wallace sa kaniyang opisina. Hinintay ko na lang siya sa loob ng kaniyang opisina dahil may pasyente pa raw siya sa E.R. lumapit naman ako sa kaniyang lamesa at nakita ang litrato nila ni Louise noong ikasal sila.
Napangiti na lang ako dahil halata sa mga mata niya ang labis na kaligayahan. Tatlo na sa mga kaibigan ko ang masaya na sa kani-kaniyang pamilya. Si Jake naman ay sa wakas naikasal na sa long time girlfriend niyang si April kahit na madalas silang mag-away. Ako na lang pala ang wala pang kasiguraduhan ang buhay pag-ibig. Maya-maya pa ay dumating na rin si Wallace na masaya naman akong sinalubong. Nakipag-fist bumb siya sa 'kin at naupo kami sa kaniyang sofa.
"Kumusta na Rocs?" ngumiti lang ako sa kan'ya.
"Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan. Kumusta ang buhay may asawa?" Nakangiti kong wika sa kan'ya.
"I'm very much happy Rocs. Hindi ko alam na may mas sasaya pa pala noong dumating si Celine sa buhay namin ni Louise"
"I'm happy for you Wallace." Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang pumasok naman si Marco at Jake.
"Kumusta Roco?" Bati ni Marco na naupo sa aking tabi.
"Ito kakabalik ko lang galing Quezon"
"Akala ko sasabihin mo bro, ito hindi na virgin!" sabay naman nagtawanan ang mga loko-loko kong kaibigan.
"Diyan ka talaga magaling Jake puro ka kalokohan!" kunwa'y inis kong wika sa kan'ya.
"Have you already heard the news?" tanong ni Wallace na nakaupo sa aking harapan.
"Tungkol saan?"
"About your Ianne. Pinaghahanap na siya at magbibigay ng pabuya na thirty million sa kung sino mang makakakita sa kan'ya." Napayuko ako at pinagsiklop ko ang aking mga palad dahil sa narinig kay Wallace. Handang magbigay ang daddy niya ng ganoong halaga mahanap lang ang kaniyang anak.
"Nasa Quezon siya"
"What?!" sabay nilang tatlong wika sa akin.
"But how did it happen Roco?" baling ni Marco sa akin na nasa aking tabi.
"Naglayas siya. Ayaw niyang umuwi sa kanila"
"What's the reason?" Kinuwento ko naman sa kanila kung paano siya napadpad sa Quezon at ang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi.
"Woah! Siguro bro pinagtagpo talaga kayo ng tadhana," nakangising wika ni Jake.
"He never love me the way he love his ex"
"Paano mo naman nasabi? Hindi mo pa nga sinusubukan? Saka Roco sa guwapo mong 'yan may babaeng aayaw sa'yo? Kaya ka virgin till now kasi nakareserba na pala 'yang kamote mo kay Ianne. Para kang si Marco kay Mace pala nakareserba ang seven inches niya." Binato naman ni Marco si Jake ng throw pillow. Naiiling na lang ako dahil sa mga kalokohang pinagsasabi niya.
"Roco, you know that we're always here for you kapag may problema ka. Alam namin na hindi mo pa rin nakakalimutan ang masalimuot na nakaraan four years ago," saad ni Wallace.
Paano nga kaya kung malaman ni Ianne 'yon? Paano ko ipapaliwanag sa kan'ya ang nangyari? Mapatawad kaya niya ako?
"Sige mauuna na ako marami pa kasi akong aasikasuhin eh. Saka akala ko ba pupunta kayo ng Quezon ha Wallace?"
"Yeah right we're going. Sa susunod na araw kami pupunta marami lang kasing pasyente pa sa Louise eh"
"Kasama ba sila Jake at Marco?"
"Wow naman Roco parang ayaw mo kaming kasama ah!"
"Baka kasi magkalat ka lang ng kalibugan sa Isla"
"Hindi ako magkakalat kasama ko kaya si April"
"Ikaw Marco kasama mo si Mace?" baling ko sa kan'ya na nakahalukipkip akong hinarap.
"Yes," tipid niyang sagot. Bumuntong hininga naman ako ng malakas bago tumayo sa aking kinauupuan.
"Bakit Rocs may problema? Hindi ba sila puwedeng isama?" takang tanong sa 'kin ni Wallace.
"Wala!" singhal ko sa kan'ya. Sabay naman silang tatlo na nagtawanan na wari ko'y alam ang ibig kong sabihin.
"Let us meet your Ianne when we got there," napatingin ako kay Marco na seryosong nakatingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at tuluyang umalis na at iniwan ko na lang sila sa opisina ni Wallace.
Tatlong araw naman akong nanatili sa sa Maynila at inasikaso ang mga bagay-bagay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matukoy kung sino ang may pakana nang kidnapin si Ianne. Wala siyang maalala sa mga nangyari dahil ang sabi ng doktor ay matinding trauma raw ang inabot niya at hindi na gusto pang maalala 'yon. Natatakot akong malaman niya ang totoo pero hindi habang buhay ay maitatago ko sa kan'ya ang katotohanan at ang tungkol sa pamilya niya.
Malalim na sa gabi habang tinatahak ko naman ang daan pauwi sa Mansyon. Hapon na nang umalis ako ng Maynila, napagpasyahan ko munang dumaan sa bahay nila lolo Tacio. Hindi ko alam, pero gusto kong makita si Ianne kahit na malabong mangyari 'yon.
Ipinarada ko naman sa 'di kalayuan ang sasakyan ko at masuyong tinatanaw na lang ang labas ng bahay ni lolo Tacio. Ilang sandali pa ay papaandarin ko na sana ang aking sasakyan ng bigla namang bumukas ang kanilang pintuan at tumambad si Ianne. Lumabas siya at naupo sa mahabang silya at tumingala. Wala ako sa sariling lumabas ng aking sasakyan at dahan-dahan naglakad patungo sa kan'ya.
At ng nasa harapan na niya ako ay inilapit ko naman ang mukha ko sa kaniyang mukha at para bang gusto ko siyang halikan ng dumako ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Ang labing dalawang beses kong natikman at hinding-hindi ko pinagsisihan ang nakawan siya ng halik ng mga oras na 'yon. Maya-maya pa'y nagmulat siya ng kaniyang mga mata at gulat naman niya akong tinitigan.
"W-wala ka bang balak lumayo?" Nauutal niyang wika sa akin. Ang maganda niyang mukha hindi ko pagsasawaang pakatitigan. Lumayo naman ako sa kan'ya at siya nama'y tumayo sa kaniyang kinauupuan.
“What are you doing here? Saka gabi na ah delikado ang mag-isa rito”
“Ha? A-ano kasi, h-hindi kasi ako makatulog”
“Why?”
“N-nagkape kasi ako kanina eh”
“Get inside it’s getting late”
“O-okay.” Hindi na ako nakatiis kaya pagkatalikod niya ay hinaklit ko ang kaniyang braso at hinapit siya sa bewang at walang sabi-sabing hinalikan ko siya. Wala na akong pakialam kung nagulat man siya sa aking ginawa. I love her so much and I'm willing to wait kung sakali mang mahalin niya rin ako. Poprotektahan ko pa rin siya sa abot ng makakaya ko.
Nang humiwalay na ako sa kan'ya ay halata sa mukha niya ang pagkagulat at pakiwari ko'y gusto niyang magtanong.
"Get in." Pagkasabi kong iyon ay umalis na ako at nang makapasok na ako sa loob ng aking sasakyan ay sandali muna akong nanatili roon at ipinikit ko ang aking mga mata.
"f**k why did I do that?" Mahinang mura ko sa aking sarili at muling sinulyapan ang labas ng bahay nila lolo.