CHAPTER 19

1710 Words
Pagkauwi namin ni lolo Tacio sa bahay ay umakyat na muna ako para tawagan naman si River at makibalita sa aking mga magulang nakaka-tatlong ring pa lang ay kaagad naman niya itong sinagot. “Hello vakla bakit ka tumawag?” bulong ni River na ikinataka ko. “Bakit ang hina ng boses mo?” “Gaga may klase ako ngayon wait lang papaalam lang ako sa prof ko. Sir! May I go out? Puputok na ang bulkang Mayon sir hindi na talaga kaya eh!” napairap na lang ako dahil sa palusot ni River. Maya-maya ay narinig ko na ang pagsara ng pintuan hudyat na nakalabas na si River sa kaniyang silid. “Ano na River? Anong balita na kay mommy saka kay daddy?” “Ito na nga Avi magbibigay ng reward ang daddy mo sa kung sino ang makakakita sa’yo” “What?!” sigaw ko sa kabilang linya. “Oo Avi thirty million pesos!” “How about mom? How is she?” “Okay na ang mommy mo nasa bahay lang siya at nagpapahinga. Avi hindi ka ligtas dito nanganganib ang buhay mo at kapag umuwi ka tiyak baka madamay ang parents mo” “Anong gagawin ko River?” “Just hide Avi and make sure walang makakakilala sa’yo.” Alam kong hindi malabong hindi ako makilala dahil nagpakalat na ng litrato ko si daddy para lang matunton ako. Siguro naman dito sa kabundukan walang makakakilala sa ‘kin. “May balita ka na ba kung bakit gusto akong patayin ni tita Bridgette?” “Wala pa akong idea vakla. At itong Ellie naman na ‘to feelingera! Iyong mga damit mo at bags mo sinusuot ng bruhang si Ellie!” “Ano?!” napasabunot akong bigla dahil sa sinabi ni River. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong pinakikialaman ang gamit ko. Alam ni mama ‘yon kaya khit na magulo ang kuwarto ko ay hindi nila pinakikialaman dahil iyon ang ayaw na ayaw ko. Tapos ngayon si Ellie ang gumagamit ng kung anong meron ako. Inagaw na nga niya si Aries pati ba naman mga gamit ko inaangkin na rin niya. “Oo Avi. At ang sabi niya pa ay matagal mo na raw binigay sa kan’ya ‘yon kaya ayon walang nagawa ang mommy mo.” Huminga ako ng malalim at pilit na pinakakalma ang aking sarili. “Siyanga pala Avi meron kaming outing sa Pangasinan pero hindi ako sasama at pupuntahan kita diyan, it’s a three days trip” “Hindi ka kaya nila pasundan River? Baka nagdududa sila sa’yo na alam mo kung nasaan ako?” “Don’t worry Avi, I’ll be careful sisiguraduhin ko na walang makakasunod sa akin. Sa susunod na araw na ang punta ko riyan. Kaya itext mo sa ‘kin ang address kung saan ‘yan banda” “Okay River susunduin na lang kita. At isa pa puwede bang humingi ng pabor sa’yo?” “What is it?” “Puwede bang pahiramin mo muna ako ng fifty thousand?” “What?! Ano naman ang gagawin mo sa singkuwenta mil ha Savianna Miramonte?!” sigaw naman niya at inilayo ko pa ang telepono ko sa aking tainga. “May babayaran lang ako rito. At saka babayaran din kita promise” “Hoy Savianna magtapat ka nga sa ‘kin ha! May lalaki ka ba?” “What? Anong lalaking pinagsasabi mo?” “May binubuhay ka bang lalaki riyan ha?! Diyos ko Avi maghunos dili ka naman hindi ka mauubusan ng lalaki sa mundo no at ikaw pa talaga ang nagsusustento sa kaniya ha Avi?!” napaikot na lang ang aking mata dahil sa mga pagbibintang ni River. “Anong akala mo naman sa ‘kin River sugar mommy ha! Excuse me lang ha wala akong lalaki rito at hindi ako pumunta rito para maghanap ng lalaki okay!” “Weeeh? Sure?” natigilan naman ako at biglang naalala si Rocky at ‘yong naganap sa amin noong isang araw. Biglang dumagundong ang dibdib ko at hindi ko mawari kung para saan naman ‘yon. “O-oo nga!” “E bakit parang nabubulol ka? Siguro nakakita ka ng malalaking cactus diyan no?” “Leche! Tigilan mo ‘ko River sa kaka-cactus mo riyan pakakainin kita no’n!” “Ay bet na bet vakla!” napabuga na lang ako ng malakas sa hangin dahil sa kalandian ng kaibigan kong ito. “Ano ba pahihiramin mo ba ako ha?” “Ano ba kasing gagawin mo sa fifty thousand?” kinuwento ko naman sa kan’ya sila lolo Tacio kung bakit ko kailangan ng pera. "Kahit sa maikling panahon ko pa lang silang nakakasama ay para ko na silang pamilya River. Naramdaman ko ang pagmamalasakit nila sa ‘kin at para bang kasama ko na rin ang mga magulang ko dahil sa kanila” “Mabuti naman at mabubuting tao ang nakapulot sa’yo” “River ginawa ko akong palaboy niyan!” “E anong tawag mo sa’yo? E ‘di ba street children?” “Ewan ko sa’yo River nakaka-leche kang kausap! “Sige na magpapadala ako sa’yo bukas na bukas ng pera bayaran mo ‘yon ha!” “Promise babayaran ko sa’yo ‘yon at ikaw lang kasi talaga ang maaasahan ko eh” “Okay Avi at marami rin akong ikukuwento sa’yo. Alam kong hindi mo ‘to gustong marinig pero sasabihin ko pa rin sa’yo” “Okay fine River I’ll wait for you.” Pagkatapos naming mag-usap ay nagpasya akong bumaba na muna para tulungan naman si lola Minda. Naabutan ko siyang naghahayin na ng aming tanghalian. “Hi lola Minda, tulungan ko na po kayo riyan” “Salamat apo.” Pagkatapos naming maghanda ay sabay-sabay na rin kaming kumain. Nagtaka naman ako dahil mga ganitong oras ay naririto na si Rocky dahil dito siya madalas kumain. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita at nakakalungkot din naman kasi wala akong kasamang mamasyal ngayon. “Bakit parang matamlay ka yata ngayon apo?” wika ni lolo Tacio habang kumakain kami. “Ah w-wala naman po lolo” “Namimiss mo ba si Rocky?” napamulagat akong bigla dahil sa sinabing iyon ni lolo Tacio at bigla akong napainom na lang ng tubig. “S-si lolo talaga! B-bakit ko naman po siya mamimiss?” napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila at pinagpatuloy ang aking pagkain. “E kasi iyon ang nakikita ko sa’yo hija” “Oo nga apo, wala namang masama kung umibig kang muli,” baling naman ni lola Minda sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nasa hot seat at bigla na lang nag-init ang aking pisngi at hindi malaman ang isasagot sa dalawang matanda. Nagkakagusto na ba ako kay Rocky? Pero hindi ko pa naman siya masyadong kilala at bakit ganito na lang ang aking nararamdaman para sa kan’ya? Bulong ko sa aking isipan. “Lolo Tacio gaano niyo po ba kakilala si Rocky? At saka saan po ba siya nakatira?” Pansin ko naman ang pagtitinginan nila na ikinataka ko. Alam kong may itinatago sila at iyon ay ang pagkatao ni Rocky. Pero bakit kailangan nilang ilihim sa akin iyon? “Apo kapag ba mahirap lang si Rocky tatanggapin mo pa rin ba siya?” Napataas naman ang isang kilay ko at hindi maintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig ni lolo Tacio sa ‘kin. “Lolo hindi ko po kayo maintindihan.” Hinawakan niya ang isang palad ko at mataman akong tinitigan. “Hija, kung may ilihim man siya sa iyo hindi niya iyon kagustuhan at balang araw ay maiintindihan mo rin siya. At sana rin ay makita mo siya at makita mo ang puso niya.” Ngumiti lang sa akin si lolo Tacio at hindi na ako muling nagtanong pa. Alas onse na ng gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pabali-balikwas naman ako ng higa sa aking kama at pilit na ipinipikit ang aking mga mata. Nang hindi pa rin ako magkaigi ay tumayo na muna ako sa aking higaan at bumaba na muna. Lumabas ako at naupo sa mahabang upuan at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Sandali akong pumikit habang nakatingala naman ako sa kalangitan at ninanamnam ang sariwang hangin. Napangiti na lang ako dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Maya-maya pa ay bigla akong naka-amoy na isang pamilyar na amoy na para bang nalanghap ko na ito noon. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong malapit na ang mukha ni Rocky sa aking mukha, nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat at para akong isang yelo na hindi makagalaw sa aking kinauupuan. “W-wala ka b-bang balak lumayo?” nauutal kong wika sa kan’ya habang titig na titig pa rin siya sa ‘kin. Napaka-lakas ng t***k ng aking puso at para bang gusto ko itong awatin. Unti-unti naman siya lumayo sa akin at inilagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko siya namalayang papalapit sa akin. “What are you doing here? Saka gabi na ah delikado ang mag-isa rito” “Ha? A-ano kasi, h-hindi kasi ako makatulog” “Why?” “N-nagkape kasi ako kanina eh,” pagdadahilan ko na lang sa kaniya. “Get inside it’s getting late” “O-okay.” Pagkatalikod ko naman ay bigla niyang hinablot ang isang braso ko at hinapit ako sa bewang. Nanlaki ang mga mata ko ng hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako. Bigla namang nag-sink in sa utak ko ang mga halik niyang iyon. Hindi kaya siya ‘yong__. Nahinto lang ako sa aking pag-iisip ng humiwalay na siya sa akin. “Get in.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at naiwan naman akong tulala habang nakatanaw sa kaniya papalayo. “Siya ‘yon? N-no way. Paanong nangyari ‘yon? I know the taste of his__.” Saglit akong natigilan at napapikit ng mariin dahil sa aking mga naiisip. “Am I in-love?” mahinang wika ko sa aking sarili. “No Avi! This can’t be. I didn’t even know him! Tapos in-love ako sa isang hindi ko naman kilala ang pagkatao? What the freak Avi!” sabi ko na lamang sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD