CHAPTER 14

2316 Words
Kasalukuyang nag-aayos ako ng aking mga gamit nang makita ko ang cellphone na binigay sa akin ni River. Naalala kong bigla na hindi ko pa pala siya natatawagan simula noong mapunta ako rito sa Quezon mag-iisang linggo na ang nakakaraan. Kinuha ko ito at sinimulang idial ang number ni River na siyang nakaregister doon. Nakakailang ring pa lang ay kaagad niya itong sinagot. “Hoy bruhilda ka bakit ngayon ka lang tumawag?!” alam mo bang alalang-alala ako sa’yo baka nasalvage ka na o kung ano pa ang nangyari sa’yo! Sabi ko tumawag ka sa’kin kung saang lupalop ka ng daigdig nagsusuot! Tawag ako nang tawag sa’yo pero hindi mo naman sinasagot. Ano friendship end na ba tayo ha?!” Halos ilayo ko naman ang hawak kong telepono sa aking tainga dahil sa sigaw ni River sa kabilang linya. Napaikot na lang ang aking mata dahil walang preno ang bibig niya kung magsermon sa akin. “River sorry na please may nangyari lang kasi kaya hindi ako nakatawag eh,” malumanay kong wika sa kan’ya. “At ano na naman ‘yan ha aber?! Siguro nakakita ka ng cactus diyan kaya nakalimutan mo akong tawagan?” saglit naman akong natigilan sa sinabi ni River at naalala ang nakita ko noon sa banyo. “So tama nga ako?” “H-ha?” p-pinagsasabi mo?” nauutal kong wika sa kan’ya. “Hoy Avi huwag mo akong pinagloloko ha! Alam na alam ko at amoy na amoy ko kapag nagsisinungaling ka sa’kin. Now tell me Avi daks ba?” “Naku River tigil-tigilan mo nga ako ha!” “Ang damot mo talaga! Friendship over na talaga tayo” “Hindi pa ako nakakakita no’n!” Pagsisinungaling ko para tigilan niya lang ako. “O siya bago ang lahat. May maritess ako sa’yo.” Napataas ang kilay ko kung sino ang tinutukoy ni River. “Sino namang Maritess ‘yan? Don’t tell me River tomboy ka na ngayon?” “Gaga! Kadiri ka no! syempre mas gusto ko pa rin ang cactus! Ang ibig kong sabihin may chika ako sa’yo” “Tungkol saan?” “Pinaghahanap ka na nila Avi lalong-lalo na si fafa Aries. Galit na galit ang lolo mo! At alam mo ba na muntik na niyang masaktan si Ellie?” “What?!” Napatayo akong bigla sa inuupuan ko dahil sa isiniwalat sa akin ni River. “Oo Avi noong manggaling sila rito sa bahay at hinahanap ka akala pa nga yata ni Aries tinanan kita, e nakita nila ako sa bahay. Saka hello! Hindi ako papatol sa’yo kadiri kaya!” “Bakit niya sasaktan si Ellie?” “E pa’no ba naman kasi ‘yong malandi mong pinsan sinabi ba naman niya kay Aries na kaya ka umalis dahil may nagtanan sa’yo samantalang sila nga ang may ginagawang kababalaghan” “Sila mommy at daddy kumusta na sila?” malungkot kong wika sa kan’ya. “Ayon awang-awa ako kay tita laging umiiyak at hinahanap ka Avi. Bakit hindi mo sabihin sa kanila kung nasaan ka?” “Ayoko muna River gusto ko munang malayo sa kanila. Si daddy kumusta?” “Ayon naghire pa siya ng private investigator para ipahanap ka lang. Kaya sinasabi ko sa’yo Avi galingan mong magtago dahil nagpakalat na rin si tito Reggie ng picture mo sa tabloid pati na rin sa social media.” Napapikit naman ako ng mariin at kinagat ang aking hinlalaki dahil sa kaba. Hindi malabong mangyari na mahanap akong kaagad ni daddy dahil na rin sa maimpluwensiya siyang tao. Pagkatapos naming mag-usap ni River ay hindi naman ako makapag-isip ng maayos. Paano nga kung matunton nila akong kaagad? Ang totoo niyan ay hindi ko pa sila kayang harapin at lalo na si Aries. Alam kong wala pa silang alam tungkol sa nangyayari sa amin at sa pagitan nila ng pinsan kong si Ellie. Gusto ko kapag bumalik na ako ay wala na ang sakit na nararamdaman ko dulot ng kataksilan ni Aries. At lalong-lalo na ay wala na akong nararamdaman sa kan’ya. Saktong pagbaba ko galing sa aking kuwarto ay nakita ko naman si lola Minda na naghahanda ng pagkain at inilalagay nito sa isang lalagyan. Lumapit ako sa kan’ya at tinignan ang mga pagkaing hinahanda niya. “Lola Minda saan niyo po dadalhin ‘yan?” “Sa lolo Tacio mo at kay Rocky apo” “Bakit nasaan po sila?” “Nasa palengke apo maaga kasing umalis ang lolo Tacio mo dahil maagang nagbagsak ng mga panindang isda kanina,” wika niya habang inaayos ang mga dadalhing pagkain. “Ako na po lola Minda ang maghahatid sa kanila” “Naku apo huwag na nakakaabala pa ako sa’yo, kaya ko na naman ito” “Lola Minda ayos lang po. Ako nga po ang nakakaabala sa inyo dahil sa pagtira ko rito eh. Para naman po kahit papaano makatulong ako sa inyo ni lolo Tacio.” Nahinto siya saglit sa kaniyang ginagawa at hinarap ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking dalawang pisngi at pansin ko ang pamumuo ng kaniyang mga luha. “A-apo masaya ako kasi dumating ka. Hindi mo alam kung gaano kami kasaya ng lolo Tacio mo,” garalgal niyang wika sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihing iyon ni lola Minda. Siguro dahil wala silang apo kaya ngayon ay sabik sila ni lolo Tacio sa apo at ganoon din ang turing nila ngayon kay Rocky. “Masaya rin naman po ako lola Minda kasi nakilala ko kayo napaka-bait niyo po sa’kin. Nagpapasalamat din po ako kay Rocky kasi siya ang nagdala sa akin dito” “Alam mo apo napaka-bait na bata no’n si Rocky dahil siya ang tumulong sa amin noong__” natigilan siyang bigla at binalingan ang ginagawa niya kanina. “Bakit po lola Minda? May nangyari po ba sa inyo noon?” takang tanong ko naman. “Ah, a-ano kasi hija m-may nangyari lang na hindi maganda noon tapos dumating siya, kumabaga siya ang naging katuwang naming ng lolo Tacio mo” “Ganoon po ba?” “Apo, mabait si Rocky at hindi s’ya mahirap mahalin,” nakangiting wika niya sa akin. “A-ano po bang sinasabi niyo lola Minda?” “Sinasabi ko lang naman apo, kung sakali mang buksan mong muli ang puso mo sana makita mo si Rocky at bigyan mo siya ng puwang diyan sa puso mo” “Paano niyo pong nalaman__” “Sinabi sa amin ni Rocky. Nag-aalala kasi kami sa’yo kung paano ka napadpad dito. Kaya sana huwag kang magalit sa kan’ya” “Hindi naman po ako galit lola Minda eh, hindi ko lang po kasi matanggap iyong nangyari.” Sa tuwing maaalala ko ‘yon ay bumibigat ang aking pakiramdam . At iniisip ko rin kung bakit pa ako hinahanap ni Aries ano pa ang dahilan. “Huwag kang mag-alala hija dahil may mas better pang darating sa’yo hindi mo pa siguro mararamdaman ngayon, pero natitiyak kong mas mamahalin ka niya kaysa sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kan’ya kung sakali.” Ngumiti na lang ako sa sinabi ni lola Minda na tila alam na alam niya kung ano ang pinagdadaanan ko. Nagpaalam na rin ako at bitbit ang dalang pagkain nila. Habang nagmamaneho ako patungo sa palengke ay binuksan ako naman ang aking bintana at nilanghap ang sariwang hangin. Nakakawala ng problema at tila kay sarap pagmasdan ang mga naglalakihang mga puno ng niyog at mga bundok. Mas tahimik dito at mas gugustuhin ko pang manatili rito kaysa sa syudad na magulo. Nang makarating na ako sa palengke ay ipinarada ko ang aking sasakyan at nagtungo na sa loob. Napahinto ako at napatapik sa aking noo ng maalala na hindi ko nga pala naitanong kung saan ang puwesto nila lolo Tacio. Naglakad-lakad naman ko at hinanap ang kanilang puwesto ngunit masyadong malaki ang palengke at medyo nahirapan din akong hanapin ito. Nagtanong naman ako sa isang nagtitinda ng gulay kung saan ang puwesto ni lolo Tacio. “Excuse me, saan po rito ‘yong puwesto ng mga isda? Hinahanap ko po kasi si lolo Tacio eh” “Ah si Tacio ba hija? Kumanan ka lang diyan tapos deretsohin mo lang makikita mo na kaagad siya kasama niya ang poging si Rocky!” wika niya na medyo kinikilig pa. Natawa naman ako sa kan’yang tinuran at halata na kilalang-kilala si Rocky dito sa palengke dahil na rin siguro sa guwapo ito. “Maraming salamat po!” nagtungo na kaagad ako kung saan sila nakapuwesto. Nabungaran ko kaagad si Rocky na binubuhat ang isang palangganang isda at nilalagyan ng mga yelo. Bigla akong napalunok dahil sa ayos nito. Nakahubad lang ito at nakasuot ng butas-butas na pantalon at naka-bota. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga muscle nito sa katawan, at ang abs talaga namang nakakapanghina at parang bigla akong pinagpawisan dahil sa nakikita ko. May abs din naman si Aries at malaki rin naman ang katawan pero hindi ganito ko siya pagnasaan tulad ng kay Rocky. Napailing-iling na lang ako dahil sa mga naiisip ko. “Sinong tinititigan mo sa kanilang dalawa?” napalingon akong bigla sa nagsalita at nanalaki ang mga mata ko ng makilala siya at ganoon din siya ng makita ako. “Ikaw?” “Yes it’s me. What are you doing here?” “H-ha?! Ah a-ano kasi__” “Gascon!” napalingon naman ako sa lalaking tumawag sa kan’ya at nagtatakang tinignan ako ni Rocky. Lumapit naman siyang kaagad sa aming kinaroroonan. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa tinawag niyang Gascon. “I was looking for you.” Sabay sulyap naman niya sa akin at muling binalingan si Rocky. Pinagmamasdan ko naman silang dalawa at nagtataka ako kung bakit sila magkamukha. Siguro kapatid niya ito, pero nagtataka ako dahil mukhang mayaman itong Gascon na ito at si Rocky naman ay nagtitinda lang ng isda. “By the way she is Avi” “Avi?” “I thought she is__” “Sabihin mo na kasi bakit ka ba nandito?!” inis na saad ni Rocky. “Easy bro! I was just asking” “Mawalang galang na po. Magkaano-ano po kayo nitong si Rocky?” Curious kong tanong kay Gascon “Well, I am his__” “He’s my boss!” putol niya sa sasabihin ni Gascon. Napakunot ang noo ko dahil mukhang hindi inaasahan ni Gascon na iyon ang sasasbihin ni Rocky at pansin ko ang kaniyang pagkagulat. “Boss? Pero bakit gan’yan ka magkipag-usap sa kan’ya?” “Yes I’m his boss and a friend also, kaya gan’yan na lang siya kabastos makipag-usap sa’kin. Kita mo nga Gascon lang ang tawag niya sa’kin” “Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo dahil marami pa akong gagawin” “Kaarawan ni Mang Abner ngayon pinapapunta ka sa kanila mamaya” “Sige pupunta ako. Iyon lang ba ang sadya mo?” “And of course I want to talk to you in private later,” sabay sulyap sa akin ni Gascon. Tumango lamang si Rocky sa kan’ya. “Nice meeting Avi. And one more thing, huwag ka ng pupunta sa convenience store na gano’n ang itsura mo para hindi ka napagkakamalang baliw,” nakangising wika niya saka siya umalis. Ngumuso naman ako habang tinatanaw siyang papalayo. “Nagkita na kayo ni Gascon?” takang tanong niya. “O-oo, noong time na,” napayuko na lang ako at hindi na itinuloy pa ang aking sasabihin. Ang totoo niyan ay ayoko ng maalala pa ang masalimuot na nangyari sa akin noong araw na ‘yon. “Bakit ka nga pala nandito?” “Ay oo nga pala, pinapabigay ni lola Minda. Para sa inyo raw dalawa ‘yan ni lolo Tacio,” sabay abot ko ng basket na naglalaman ng mga pagkain. “Bakit ikaw ang nagdala nito?” “Ayos lang wala rin naman akong ginagawa sa bahay eh” “O baka naman gusto mo lang akong makita?” napamulagat naman ako sa kaniyang sinabi at hindi maalis sa kan’ya ang pagkakangiti. “Hoy kapal mo ah! At saka puwede ba Rocky magdamit ka naman ikaw lang ang nakahubad dito sa palengke eh. Pinaglalantaran mo pa ‘yang katawan mo” “Wala namang masama ah, at saka nagbubuhat kasi ako hindi ako kumportable na may damit. Why? Saka katawan ko lang naman ang nakalantad hindi ‘yong ano ko,” napabuga na lang ako sa hangin dahil sa sinabi niya. “Iyong iba nga tuwang-tuwa makita ‘yong katawan ko tapos ikaw ayaw mo?” “Tsss! Malibog kasi sila,” bulong ko na lang sa aking sarili. “Anong sabi mo?” “Wala! Sabi ko guwapo ka kaso nga lang bingi ka” “I know” “Kapal,” sabay irap ko sa kan’ya. “Gusto mong sumama sa’kin mamaya?” “Saan naman?” “Kila Mang Abner saka para na rin hindi ka naiinip sa bahay” “Hindi ba nakakahiya?” “Okay lang naman ‘yon, para makilala ka na rin ng iba naming__ I mean ng mga katrabaho ko” “S-sige” “Good! Susunduin kita mamaya ha?” tumango lamang ako sa kan’ya at hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lamang ako kabilis mapapayag niya. At mas lalong naghurumintado itong puso ko ng pisilin niya ang pisngi ko bago siya muling bumalik sa kanilang puwesto. Nanatili na lamang akong nakatulala sa kaniya at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. “No, this can’t be. Pinagnanasaan ko lang s’ya. I mean nababaitan lang ako sa kan’ya that’s it! Alam kong hindi pa ako nakaka-move on kay Aries kaya mali itong nararamdaman ko. Kung ano man ito s-siguro naaatract lang ako. Oo, iyon nga! Attracted lang ako sa kan’ya!” wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan siya sa ‘di kalayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD