CHAPTER 13

2395 Words
“Hi ma!” bati ko sa aking ina habang pababa ako sa hagdan nakaupo siya sa sofa at nagkakape habang panay naman ang dutdut niya sa kaniyang cellphone. Binalingan ko naman si Lucas na kumakain ng kamote na nakatusok pa sa tinidor. “You want?” alok niya sa akin. “No thanks,” sabi ko pagkaupo ko. “Masarap kaya ito bagong harvest at saka matamis ha! Hindi na kailangan isawsaw sa condensed tulad ng sabi sa akin ni Doc Wal” “Isawsaw sa condensed?” takang tanong ko. “Oo, masarap daw kasi ‘yon kapag may condensed.” Napahilot na lang ako sa aking sentido dahil sa kalokohan ng kaibigan kong iyon. “Siyanga pala hindi ka raw makontak ni Doc Jake kanina pa raw siya tawag nang tawag sa’yo eh kaya sa akin siya tumawag. “Ano na naman daw ang kailangan niya?” “Gusto raw nila magbakasyon dito sa Quezon kasama ang mga asawa nila" “Mangungulit lang iyong mga ‘yon lalong-lalo na ‘yang si Jake at Wallace” “Hayaan mo na silang magbakasyon dito anak minsan lang naman eh,” saad naman ni mama. Kapag sila kasi ang kasama ko medyo kinakabahan ako sa kanila, kaibigan ko sila pero napaka-pilyo naman at higit sa lahat maraming kalokohan. “Sige ma mauuna na ako, pupunta kasi ako sa koprahan eh” “Sama na ako sa’yo!” akmang tatayo na si Lucas nang pigilan ko siya. “Huwag na may dadaanan pa ako” “E ‘di sasama ako” “Bakit ba tamad na tamad kang dalhin ‘yang sasakyan mo? Ginagawa niyo akong driver eh,” reklamo ko sa kaniya. “Ang sabihin mo pupunta ka lang kina lolo Tacio, wala naman doon ‘yong chicks mo!” “Wala ka na ro’n!” “Tumigil na nga kayong dalawa ha. Ikaw naman Roco please lang bigyan mo na ako ng apo at naiinip na ako gusto kong maging maingay naman itong bahay natin, mabuti pa 'yong mga kaibigan mo may mga asawa na samantalang ikaw virgin pa!" Malakas namang tumawa si Lucas na ikinainis ko. “Ma naman__” “Ah basta kapag hindi ka pa nag-asawa ngayong taon na ito mawawalan ka ng mamanahin sa akin!” napayuko na lang ako at napahilot sa aking batok dahil sa sinabi ni mama. “Kung ako sa’yo bro liligawan ko na si Charisse,” bulong sa’kin ni Lucas ng nakangisi. “Teka nasaan nga pala si Gascon?” pag-iiba ko ng usapan. “Malamang nagpunta na naman siya sa type na type niyang menor de edad,” napabaling bigla ang tingin ko kay Lucas na abala sa kinakain niya, “What?!” sabay pa naming sigaw ni mama sa kan’ya. “Ano bang pumasok diyan sa utak niyang si Gascon at menor de edad pa ang pinatulan?” inis na wika ni mama. “Mas masarap daw kasi pag bata ma,” natatawa namang wika ni Lucas. “Sige ma I gotta go!” humalik na ako sa pisngi ni mama at lumabas na ng mansion. Pagkarating ko naman sa bahay nila lolo Tacio ay naabutan kong nagwawalis ng bakuran si lola Minda. Napangiti ako at nilapitan siya ng hindi niya ako napapansin. “Hi lola!” bati ko sa kaniya. “Oh ikaw pala apo, halika tuloy ka.” Pumasok kami sa loob at naupo muna sa knailang munting sala. “Susunduin ko po si Savianna gusto ko kasi siyang ipasyal sa koprahan eh, gusto raw niya kasing makita” “Nasa itaas lang siya apo at nagbibihis.” Pansin ko naman kay lola Minda na hindi maalis sa kaniya ang pagkakangiti na siyang ikinataka ko. “Bakit po parang ang saya niyo lola?” “Masaya kasi ako para sa’yo apo” “Bakit naman po?” “E kasi_” hindi na niya naituloy pa ang susunod niyang sasabihin ng nakita naming pababa na ng hagdan si Savianna. Nakasuot lang ito ng simpleng white t-shirt at ang pantalon ay butas-butas. Nakatali naman ang mahaba niyang buhok at bigla na lang napadako ang tingin ko sa kaniyang leeg at napaiwas na lamang ako. “Okay na ba itong suot ko? Hiniram lang kasi ito ni lola Minda sa kakilala niya hindi pa pala ako nakakabili ng mga damit ko” “Magbitbit ka kasi ng damit mo kapag maglalayas ka.” Pansin ko naman ang pag-irap niya na ikinangiti ko naman. “Mamaya pupunta tayo sa bayan para bumili ng mga gamit mo” “Talaga? Maraming salamat ah?” nakangiting wika niya. “I told you ‘wag ka munang magpasalamat dahil maniningil ako balang araw,” bigla namang nawala ang mga ngiti niya pagkasabi kong iyon. Nagpaalam na kami kay lola Minda at bumyahe na papunta sa koprahan. “Bakit parang iba na naman itong sasakyan mo? Kanino mo na naman ito hiniram?” “Sa kaibigan ko,” tipid kong sagot sa kaniya habang ang atensiyon ko ay nasa daan. “Ang yaman naman ng kaibigan mo, hindi ba nakakahiya sa kaniya?” saglit ko siyang sinulyapan at pagkuwa’y ibinalik ang tingin sa daan. “Okay lang sa kan’ya we’re close” “Ah ganoon ba?” “Siyanga pala puwedeng magtanong if okay lang sa’yo?” “What is it?” saglit akong nag-isip kung itatanong ba sa kan’ya o hindi. “What if kung ano…” “Kung ano?” huminga muna ako ng malalim saka muling nagsalita. “What if kung halimbawa may dumating na lalaki na muling magpapatibok niyang puso mo tapos nalaman mong mayaman siya what would you do?” natigilan siya sa aking sinabi at sinulyapan ko naman siya. Pansin ko ang malugkot niyang mukha at tumingin na lang sa labas ng bintana. “I’m sorry hindi ko dapat muna itinanong sa’yo yon. I know it’s not easy to move on” “Okay lang. Sinisimulan ko na rin namang kalimutan siya eh. He doesn’t deserve my love anyway nor my tears,” saad niya sa akin habang patuloy pa rin siyang nakatingin sa may bintana. “Pero kung sakali mang dumating ang lalaking mamahalin ko ulit mas gusto ko ang simpleng buhay lang kasama siya.” Doon lang niya ako hinarap at tinitigan ako. “Gusto ko lang naman na mahalin niya ako ng totoo iyong walang halong kasinungalingan.” Hindi ko alam pero bigla na lang napahigpit ang hawak ko sa manibela at napakagat ng ibabang labi ko. Pagkarating naming sa koprahan ay napansin ko na kaagad ang sasakyan ni Lucas at ni Trevor. Napamura na lang ako sa aking isip dahil tiyak alam ko na ang mangyayari nito kapag once nakita nila na kasama ko si Savianna. Inalalayan ko namang makababa si Savianna mg sasakyan at papalapit naman sa amin si Mang Abner. “Ah Sir Roc__” mabilis ko siyang nailayo habang nakaakbay kay Mang Abner. At nang makalayo na kami ay sinulyapan ko naman si Savianna na takang-takang nakatanaw sa amin. “P-pasensiya ka na Mang Abner ah?” “Sino po siya Sir Roco? Siya ba iyong babaeng nagugustuhan mo?” “Ha? Ahmmn ano… Oo nga pala Mang Abner ano po pala ang sadya niyo?” pag-iiba ko ng usapan. “Ay sir nailista ko na po iyong mga naikarga paki-check niyo na lang po” “Sige Mang Abner. Saka po pala pwede bang manghingi ng pabor?” “Ano ho ‘yon sir?” sinabi ko naman sa kan’ya ang nais ko at gulat niya akong tinitigan. “Nake sir hindi ko po ‘yan magagawa. Baka po kasi magtaka iyong ibang tauhan natin” “Ako ang bahala sasabihan ko rin sila” “S-sige ho, kayo po ang bahala.” Pagkatapos naming mag-usap ay pinuntahan ko na si Savianna at nakangiti niyang pinagmamasdan ang mga gingawa ng aming mga tauhan. “Let’s go” “Ang galing nila no? alam mo ba na ngayon lang ako nakakita ng gan’yan?” tukoy niya sa pagbabalat ng niyog. “Nag-eenjoy kang panuorin sila ha?” “Hmmn,” tipid niyang sagot habang nakatingin sa ginagawa ng aming tauhan. “Hey bro!” sabay kaming napalingon ni Savianna sa tumawag sa akin. “Oh s**t,” mahinang mura ko naman. Tiyak magtataka si Trevor kung bakit naririto si Savianna ngayon sa Quezon. At nang makalapit na siya ay nagulat naman siya at binaling ang tingin sa akin. “Wait she is__” “Ah Savianna this is Trevor. And Trevor this is Savianna,” pakilala ko naman. “Hi! Kaano-ano mo pala si Rocky?” tanong ni Savianna kay Trevor. “Rocky?” “S-savianna siya ‘yong kinukwento ko sa’yo na hinihiraman ko ng sasakyan” “Ah, iyong kaibigan mo?” ani Savianna. “What? Kaibigan?!” gulat na wika ng kapatid ko. Pinandilatan ko naman siya ng mata at nakuha niya ang ibig kong sabihin. Ngumisi pa siya sa akin at tila alam ko na ang susunod niyang gagawin. Maloko rin itong kapatid ko katulad ng kay Lucas. “So, you are Savianna. Paano mo nakilala itong si Rocky?” May diing wika niya. “I first saw him sa palengke. And then he helped me para makahanap ng matutuluyan” “Hindi ka man lang ba natakot sa kan’ya?” “Shut up Trevor!” saway ko sa kan’ya ngunit tinawanan lang niya ako. "He’s nice naman mukha namang hindi gagawa ng masama.” Napabaling bigla ang tingin ko kay Savianna at ngumiti lang siya sa akin. Samantalang si Trevor ay walang humpay ang pagtawa na ikinainis ko naman. “So Savianna, what do you want me to call you? Masyado kasing mahaba ang pangalan mo eh” “Avi, that’s what everyone call me” “Avi? Not__?” tumingin naman ng makahulugan sa akin si Trevor. Inirapan ko naman siya dahil umiral na naman ang pagiging sira-ulo ng kapatid ko. “O siya dito ka na muna at ipapasyal ko muna rito si Avi,” inis kong sabi sa kan’ya. “Siyanga pala bro bakit ganoon ‘yong amoy ng sasakyan ko? Ang baho saka amoy panis. Anong nilagay mo roon?” taka ko naman siyang tinitigan at iniisip kung ano ang nilagay ko roon. “Wala naman akong kinakarga do’n eh” “May nakuha raw si manang sa kotse kong pagkain panis na raw.” Napapikit na lang ako at napagtanto na naiwan ko pala ang pagkaing binigay sa akin ni Charisse. “I’m sorry nakalimutan kong tanggalin” “Sa susunod kapag manghihiram ka ng sasakyan paki taggal ang dapat tanggalin ah.” Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa klase ng pagkakasabi niyang iyon sa akin. “Sige Avi maiwan ko na muna kayo ha? Sinulyapan pa ako ni Trevor ng nakakaloko bago tumalikod. “Nagalit yata ‘yong kaibigan mo?” wika ni Avi. “Hindi ‘yon sira-ulo lang ‘yon.” Inilibot ko naman si Avi sa koprahan at pati na rin sa aming taniman. Kita ko ang pagkamangha niya sa bawat puntahan namin. Nakakatuwa lang isipin na ang isang mayaman na tulad niya ay walang karate-arte sa katawan at kahit na maliit na bagay lang ay marunong siyang magbigay halaga. Pagkatapos naman namin sa koprahan ay dumeretso na kami sa pamilihan para bumili naman ng mga ilang gamit ni Avi. Habang nagtitingin-tingin naman ako ay biglang nawala sa aking tabi si Avi. Nagpalinga-linga ako at hinanap siya, nakita ko siya sa isang tindahan ng mga underwear. Nilapitan ko siya habang abala siya sa pagpili. “What do you think?” ipinakita niya pa ito sa akin at ibinuka pang maigi. “Betty boop? Why betty boop? Mas maganda ‘yong plain lang” “This is my favorite character eh” “Okay pumili ka na diyan” “I like this one!” kinuha niya ang isang underwear at nagulat ako ng hindi ito pambabae kun’di brief. “Hija panglalake ‘yan,” saad sa kaniya ng tindera. “I know po manang pero gusto ko itong kunin para sa future boyfriend ko” “Seriously Avi?!” “Oo naman, ano namang masama? At saka isa pa mahilig talaga ako sa couple__” natigilan siyang bigla at lumungkot naman ang kaniyang mukha. “Hindi ko na pala kukunin ito manang.” Inilapag na niya sa kinuha niyang brief at bigla namang napadako ang atensiyon niya sa nakasabit sa aming harapan. “Manang ano po ito?” tukoy niya sa elepanteng nakasabit. “Ah iyan ba hija? Brief yan, ayon nga lang ung lollipop lang ang may takip” natatawang wika ng tindera. Napamulagat ako ng kukunin naman ito ni Avi at pinigilan ko siyang kunin ito. “Don’t tell me bibilhin mo ‘yan?” gulat kong turan sa kan’ya. “Titignan ko lang naman,” mabilis niya itong sinungkit at pagkuwa’y ibinuka pang maigi. Napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa kainosentehan niya. Ibinaba niya pa ito na tila sinusukat sa akin at seryoso naman siyang nakatingin sa aking ibaba, “Hey Avi what are you doing?!” sabay hablot sa hawak niyang elepanteng panloob. “Sinusukat ko lang kung kasya sa’yo kasi balak ko siyang bilhin para sa’yo bilang pasasalamat” “No need Avi okay. Saka bakit ito pa ang naisipan mong ibigay sa’kin pwede namang iba na lang” “E kasi naalala ko ‘yong__” napahinto siya sa kaniyang sasabihin at mariing pumikit. Muntikan na akong matawa dahil sa kaniyang naging reaksyon. “S-sige po manang itong underwear na lang ang kukunin ko.” Pagkatapos naming mamili ay kaagad na kaming umuwi. Hinatid ko na muna siya kina lolo Tacio at nakatayo naman kami sa harap ng kanilang bakuran. “Sala__, I mean sa uulitin, nag-enjoy ako ng sobra” “Mabuti naman at nagustuhan mo rito” “Sobra!” nakangiti niyang saad. “Get inside,” tumango lamang siya at saka pumasok na sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa aking sasakyan ay kinuha ko naman ay isang supot na binili ko na nasa likod. “So, you like betty boop? So childish but I like it,” nangingiti ko namang sabi sa aking sarili. “I’m sorry for not being honest with you, pero kailangan kong gawin ‘yon….Ianne”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD