CHAPTER 12

2552 Words
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa isang tindahan at sabay-sabay ang tatlong bata para bumili. Bumaba muna kami ni Rocky sa sinasakyan naming kalabaw at pinagmasdan ang mga bata papunta sa isang tindahan. “Nakakatuwa sila 'no? Paano mo sila nakilala?” “Nakatira sila malapit sa bahay nila lolo Tacio. Ang mga magulang nila nagtatrabaho sa koprahan” “Koprahan?” “Oo” “Anong ginagawa do’n?” “Gusto mong makita puwede kitang dalhin do’n.” Na-excite naman ako sa sinabing iyon ni Rocky dahil first time ko makapunta sa ganitong klaseng lugar. “Talaga? Hindi kaya ako nakakaabala sa’yo?” “Hindi naman doon din kasi ako nagtatrabaho eh” “Talaga? Ang sipag mo naman! May trabaho ka na sa palegke tapos may trabaho ka pa sa koprahan. Ang suwerte ng mapapangaawa mo,” nakangiti kong wika sa kan’ya. Nagtaka naman ako ng balingan ko siya ay titig na titig naman siya sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa pagkailang. “Ate Avi! Tawag sa akin ni Chyn na may hawak na supot na hindi ko mawari ang laman. “Ate Avi para sa’yo oh,” alok niya sa akin at binigay ang isang mahaba na parang yelo at matigas. “Ano ‘to Chyn?” taka kong tinitigan ang binigay niya sa akin. “Si ate talaga, wala bang ganiyan sa inyo?” “Wala eh” “Tikman mo ate Avi masarap ‘yan. Ganito ang pagkain niyan.” Pinakita naman niya sa akin kung paano ito kainin. Ginawa ko naman kung paano ‘yon at namangha kasi para siyang ice cream, ang kaibahan nga lang ay nasa plastic siya. “Ang sarap pala nito! Alam niyo ba ngayon lang ako nakatikim nito.” Napamaang naman sila sa sinabi ko at hindi makapaniwala. “Hala ate hindi ka pa talaga nakakatikim ng ice candy?” tanong naman ni Bochok. Umiling lang ako sa kan’ya. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa totoo lang hindi ko naranasan ang nararanasan ng mga batang ito noong nasa ganiyang edad nila ako. Lahat ng luho ko ay nakukuha ko, ultimo sa mga damit, laruan, pagkain at magandang bahay. Akala ko ay masaya na ako dahil nakukuha ko ang gusto ko, pero mas masaya pa ang mga batang ito na sa kahit simpleng bagay lang ay ayos na sa kanila. Binalingan ko naman si Rocky at inalok siya ng ice candy. “Gusto mo rin ng ice candy? Masarap pala ito 'no?” Nagulat naman ako ng kunin niya ang kinakain kong ice candy at sinipsip niya ito. “Yeah right masarap talaga ice candy rito” “Teka sa akin ‘yan eh, bakit mo kinuha?” reklamo ko naman at ngumuso pa sa kan’ya. “Inaalok mo ‘ko ‘di ba?” “Oo nga pero hindi ‘yang kinakain ko” “Mas masarap kasi itong sa’yo” “H-ha?” saglit akong natigilan at nakatitig lang sa kaniya habang abala naman siya sa pagkain ng ice candy. Hindi ko maintindihan pero parang nakita ko na talaga siya. “Guwapo ba ‘ko?” saad naman niya sa akin na nagpabalik sa akin sa huwisyo. Hindi ko namalayan na kanina pa pala niya ako pinagmamasdan habang titig na titig sa kaniya. “Tsss! Hindi ka guwapo no!” “E bakit ganiyan ka makatingin sa akin? O baka naman pinagnanasaan mo ako?” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at napatingin sa tatlong bata na kaharap lang namin at napahinto bigla sa pagkain nila ng ice candy at nakatingin naman sa amin. “Hoy excuse me no! ang kapal mo rin Mr. Rocky!” umirap pa ako sa kan’ya at sasakay na sana sa likod ng kalabaw ngunit napadulas ang isang paa ko sa paghakbang. Mabuti na lamang at maagap akong nahawakan ni Rocky sa aking bewang kaya hindi ako tuluyang nahulog. Mahigpit naman ang pagkakayakap ko sa kaniya at amoy na amoy ko naman ang mabangong amoy niya. Bigla namang may sumagi sa aking isip na kapareho ng amoy niya. “Are you alright?” napatingala ako sa kaniya at ang lapit na ng mukha niya sa aking mukha. “Oh my! Bakit ang guwapo? Kahit kailan ay hindi na ako tumingin sa iba simula noong naging magkasintahan kami ni Aries. Dahil para sa akin si Aries lang ang guwapo sa paningin ko kaya nga inagaw siya sa’kin ni Ellie. Kumalas naman ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Pansin ko naman sa tatlong bata na kasama namin ang nakakaloko nilang mga tingin. “Alam mo ate bagay kayo ni kuya Rocky,” sabi ni Bochok. “Oo nga ate saka parang ikaw kasi iyong kinukwento ni kuya Rocky sa amin na gustong-gusto__” bigla namang tinakpan ni Rocky ang bibig ni Chyn dahilan para hindi nito masabi ang dapat niyang sasabihin. “P-pasensiya ka na sa batang ito masyado kasing madaldal eh. Saka niloloko ko lang sila dahil gusto na nilang magkaroon ako ng girlfriend eh” “Paano ba naman kasi kuya ang bagal-bagal mo eh. Hindi ka talaga magkakaroon ng girlfriend niyan!” wika naman ni Jasper. “So, pati pala sila alam na hindi ka pa ngkaka-girlfriend?” gulat ko siyang hinarap. “Hindi pa talaga ate!” sabay na sabi pa ng tatlong bata. “Mabait ka naman at saka mukha ka namang masipag sa trabaho at higit sa lahat guwapo ka pero bakit hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend?” “I’m afraid dahil baka hindi niya ako magustuhan,” mataman naman siyang nakatitig sa akin. “Imposibleng hindi ka niya magustuhan kuya, e ang yaman-yaman mo!” pagmamalaki sa kaniya ni Jasper. “Ha?” nagpapalit-palit naman ang tingin ko sa kanila. “A-ang ibig sabihin ni Jasper mayaman daw kasi ako sa pagmamahal, ‘di ba Jasper?” mariing wika naman niya kay Jasper. “O-oo naman! Grabe kasi magmahal iyan si kuya Rocky sa tuwing kinukwento niya iyong babaeng nagugustuhan niya” “Ah! Baka naman kaya hindi ka niya magustuhan dahil sa estado ng pamumuhay mo?” “You think so?” “Tulad ng sinabi ko sa’yo kanina, I want a simple life. Iyong malayo sa karangyaan. At mamahalin ko dahil sa pagiging simple niya. Tanga lang siguro ‘yong babaeng ‘yon kung hindi ka niya magustuhan” “What if bumalik sa’yo ‘yong ex mo? Would you forgive him?” “That could never happen. At ayoko ng bumalik sa kaniya.” Pagkasabi kong iyon ay sumakay na ako sa kalabaw. Ayoko ng maalala pa ang mga kataksilang ginawa sa akin ni Aries. Hindi lang isa kun’di dalawang beses ko silang nahuli. Aaminin ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin si Aries kaya nga hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Sakto namang nakarating kami sa bahay ay biglang buhos naman ng malakas na ulan kaya dali-dali kaming tumakbo papunta sa bahay nila lolo Tacio. Pagkapasok naman namin sa loob ay sinalubong kaagad kami ng mag-asawa na si lola Minda at lolo Tacio. “Naku talaga kayong mga bata kayo bakit kayo nagpaulan?” May pag-aalalang wika ni lola Minda. Kumuha siya ng tuwalya at ibinigay naman sa amin. "Hala magsipaligo na kayo at baka magkasakit pa kayo” “Sandali lang po lola may kukunin lang po ako sa itaas,” paalam ko at umakyat muna ako sa itaas. Kinuha ko ang aking bag at hinanap ang cellphone na bigay ni River. Nanlaki ang aking mga mata ng makita na marami na palang missed calls si River sa akin. Nakalimutan ko siyang tawagan at sabihin na nakarating ako sa Quezon. Tatawagan ko na sana siya ng bigla namang mamatay ang telepono ko. Kinuha ko ang charger at isinaksak muna ito at pagkatapos ay bumaba na rin ako. Naabutan ko naman si lolo Tacio na naghahanda na ng aming hapunan at katulong niya si lola Minda. Nagpalinga-linga naman ako at hinanap ko si Rocky ngunit wala na ito sa loob, baka umuwi na rin ito at dala na ang sasakyang hiniram nito. Dumeretso na ako sa banyo para maligo na sana. Tanging kurtina lang ang nagsisilbing pinto ng banyo nila lolo Tacio at sinisiguro ko namang walang tao sa loob dahil tatlo na lang kami nila lolo Tacio at lola Minda ang tao rito sa bahay at umuwi na rin ang mga bata at gano’n din si Rocky. Hinawi ko na ang kurtina para sana pumasok na sa loob at laking gulat ko ng makita si Rocky na walang saplot at nagsasabon na ng kaniyang katawan. Para akong nakakita ng multo at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Napadakong bigla ang tingin ko sa ibabang bahagi niya dahil nakaharap ito sa akin at mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Napatinging bigla si Rocky sa akin na akala ko’y tatakpan niya ang nakita ko pero nakatitig lang ito sa akin. At dahil sa hiya ko ay pinikit ko ang aking mga mata at mabilis na tumalikod. “So-sorry h-hindi ko alam na may tao pala! S-sorry talaga!” pagkasabi kong iyon ay nagtatakbo ako patungo sa kinaroroonan nila lola Minda at parang hapong-hapo akong hinarap sila. “O apo saan ka ba nanggaling?” takang tanong ni lolo Tacio. “Ho?!” hindi ko alam kung bakit ako biglang pinagpawisan pero ang lamig-lamig naman dahil maulan ngayon dito. Bago pa ako makapagsalita ay lumapit na sa amin si Rocky at tanging short lang ang suot nito at pinapatuyo naman niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya. Napalunok akong bigla ng makita ang six pack abs niya at lalong-lalo na ang v-line niya. Bigla kong naalala ang nakita ko kanina sa banyo at bigla ko na lang nakagat ang ibabang labi ko. “Hija ayos ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo?” baling naman sa akin ni lola Minda. “W-wala po! May cactus! Ay hindi po, m-may nakita akong anaconda!” oh s**t bakit ‘yon ang nasabi ko? Napatapik na lang akong bigla sa aking noo dahil sa aking sinabi. “Apo kailan pa nagkaroon ng anaconda rito? Ang tagal na naming nakatira rito pero wala namang ahas.” Narinig ko pang tumawa ng mahina si Rocky kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya. “Don’t worry hindi ka naman tutuklawin no’n unless kung hahawakan mo,” ngumisi pa ito sa akin ng nakakaloko na ikinataas ng kilay ko. “Sige lolo Tacio, lola Minda maliligo po muna ako.” Paalam ko sa kanila at mabilis naman akong tumalikod. Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay sumandal ako sa pader at sapo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang kaba. “Bakit gano’n? nakakatakot naman ‘yon. Ganoon ba talaga kahaba ‘yon?” wika ko sa aking sarili. At nang matapos naman akong maligo ay naabutan ko sila na nakaupo na sa hapag kainan at parang may pinag-uusapan silang napaka-seryoso. Pansin ko naman ang malungkot na mukha ni Rocky at napayuko na lang siyang bigla. At nang mag-angat siya ng mukha ay gulat niya akong tinitigan. “A-avi kanina ka pa ba riyan?” lumapit naman ako sa kanila at naupo sa tabi ni lola Minda at sa harap naman namin si lolo Tacio at Rocky. “Kararating ko lang. Mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan niyo aakyat na lang muna ako sa taas” “Hindi apo, nag-aalala lang kami para sa’yo dahil baka nag-aalala na ang mga magulang mo sa’yo” “Ayaw niyo na po ba ako rito?” malungkot ko namang saad sa kanila. Hinawakan naman ni lola Minda ang isang kamay ko. “Apo hindi naman sa ganoon. Gustong-gusto naming naririto ka masaya kami kasi narito ka at kapiling namin” “P-po?” kunot noo ko naman siyang tinitigan. “Ang ibig sabihin ng lola Minda mo apo, masaya kami kasi nagkaroon kami ng apo na katulad mo kahit panandalian lamang. Dalawa lang kasi kami rito sa bahay kaya ganoon na lamang ang pagkasabik namin,” nakangiting baling sa akin ni lolo Tacio. “Tama iyon apo dumito ka hanggang kailan mo gusto, baka kasi nag-aalala lang ang mga magulang mo sa’yo” “Lola Minda ayoko po munang bumalik sa amin. Kaya please po dito na lang po ako, kahit tumulong po ako sa palengke kapalit ng pagtira ko rito gagawin ko. Ipaglalaba ko kayo o ‘di kaya ipagluluto ko kayo,” naiiyak kong turan sa kanila. “Apo hindi mo kailangang gawin iyon, masaya kami kasi nagkaroon kami ng apong maganda at mabait na katulad mo,” napangiti naman ako at wala sa sarili kong niyakap si lola Minda na alam kong ikinagulat niya. “Salamat po sa inyo lola Minda,” hindi ko na napigilan pang umiyak at naramdaman ko ang paghagod ni lola Minda sa aking likod. Kumalas naman siya sa pagkakayakap at pinunasan ang aking mga luha. “Simula ngayon ay ituturing ka na naming apo.” Ngumiti ako sa kan’ya at saka tumango. “Hala kumain na tayo at baka lumamig ang pagkain,” yaya na ni lolo Tacio. Si Rocky na ang nagsandok ng pagkain ko at panaka-naka ko naman siyang tinitignan. Ang swerte ng mapapangasawa niya kung sakali. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan dahil kung hindi, hindi naman niya makakasundo sina lolo Tacio at lola Minda. At nang matapos na kaming kumain ay inihatid ko na sa labas si Rocky. Hinarap naman niya ako at ako nama’y hindi makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa hiya sa nangyari kanina. “First time mong makakita?” napatingin akong bigla sa kan’ya at siya nama’y nakangisi sa akin. “Makakita ng ano?” “Nang sinasabi mong anaconda.” Napa-ubo akong bigla at tila nasamid ako sa aking sariling laway. “I think it’s not your first time.” Sinamaan ko naman siya ng tingin at humalukipkip. “Hindi pa talaga ako nakakakita no’n! at saka hindi ko naman sinasadyang makita ‘yan no!” pansin ko naman parang pinipigilan niya ang matawa. “Susunduin kita bukas” “Bakit?” “Hindi ba sabi mo gusto mong makapunta sa koprahan?” “Ay oo nga pala! Kasama ba ulit natin iyong mga bata?” “You love kids huh?” “Wala kasi akong kapatid eh, saka nakakatuwa silang kasama lalo na si Chyn ang cute-cute” “Tayo lang munang dalawa pwede?” seryoso niyang wika sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng titig niya. Pagkuwa’y siya na rin ang nag-iwas ng tingin. “S-sige aalis na ako kita na lang tayo bukas” “Sige ingat ka.” Pasakay na sana siya ng kaniyang sasakyan ng tawagin ko siya at lumapit sa kaniya. “Sandali lang Rocky!” “Why?” “Ahhm, thank you” “For what?” “For being nice?” saglit siyang natigilan at lumapit pa sa akin ng bahagya. “Hindi mo pa ako masyadong kilala, at nice? I don’t think so Avi. Pero dahil sa sinabi mong ‘yan panghahawakan ko ‘yan dahil ikaw ang nagsabi.” Matapos niyang sabihin iyon ay saka lamang siya umalis at tinatanaw ko naman siya papalayo. “Bakit mo nasabi ‘yon? Who are you Rocky?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD