“Hi lolo Tacio, pasensiya na po kayo ngayon lang ako nakabalik may hinatid lang po kasi ako eh,” wika ko habang tinutulungan siyang maglagay ng tubig sa mga isda.
“Ayos lang apo hindi mo naman kailangan madalas pumunta rito eh. At saka marami ka ring trabaho na kailangan asikasuhin”
“Pagkatapos ko po rito lolo pupunta na rin ako sa koprahan at sa maisan”
“Sige hijo ikaw ang bahala”
“Siyanga po pala lolo mamaya po dadaanan ko na lang kayo rito ihahatid ko po kayo mamaya,” nahinto naman siya sa kaniyang ginagawa at hinarap naman ako.
“Bakit hijo?”
“May makikitira po kasi sa inyo, kakilala ko po. At saka nangako kasi ako sa kan’ya na ipapasyal ko siya eh”
“Ah ganoon ba? Babae ba ‘yan apo?”
“O-opo,” sabay kamot ko sa aking ulo.
“Pinagpalit mo na ba ang aking apo?” Gulat ko naman siyang tinitigan at hindi kaagad nakapagsalita.
“Hi-hindi naman po lolo Tacio”
“Kaibigan?”
“Hindi rin po.” Magsasalita pa sana si lolo Tacio ng bigla namang mag-ring ang telepono ko. “O Trevor bakit?”
“Bro nasan ka?”
“Bakit may problem ba?”
“Wala naman hinahanap ka lang ng bestfriend mo,” napabuntong hininga naman ako sa sinabing iyon ng kapatid ko. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Charisse dahil iniiwasan ko na muna siya.
“Bakit daw?”
“May dala siya para sa’yo. At may mga idedeliver na rin papuntang Maynila kaya kailangan nandito ka rin”
“O sige papunta na ako riyan.” Pinatay ko na ang tawag at tinanggal na ang suot kong apron.
“Apo may problema raw ba sa koprahan?”
“Wala naman po lolo Tacio may idedeliver na raw po kasi papuntang Maynila eh”
“O sige apo lumarga ka na, kaya ko na naman dito eh”
“Sige po lolo Tacio susunduin ko na lang po kayo mamaya.”
Mabilis akong nagtungo sa koprahan at naabutan kong naglalagay na sila sa mga truck. Kaagad naman akong nilapitan ni Trevor pagkababa ko ng aking sasakyan.
“Bro galing ka na naman kay lolo Tacio no?”
“How did you know?” Tumawa naman siya at inakbayan ako.
“Amoy isda ka kasi,” sinamaan ko naman siya ng tingin at kunwa’y sinikmuraan siya. “At syempre halata sa itsura mo kapag ganiyan ang suot mo.” Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Charisse na may dalang basket. “Sige bro maiwan ko na muna kayo ha?” sabay tapik niya sa aking balikat.
“R-roco para sa’yo, niluto ko talaga ‘yan para sa’yo,” abot niya sa akin ng basket na bitbit niya.
“Salamat Charisse.” Namutawi ang saglit na katahimikan at saka siya muling nagsalita.
“About pala sa nangyari. I’m sorry, hindi ko sinasadya”
“Wala ‘yon Charisse, alam ko naman na nabigla ka lang eh. At saka isa pa__”
“Huwag mo ng ituloy. Kahit ano pang sabihin mo hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa’yo.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siyang kaagad at napa-hilot na lang ako sa aking sentido. Ayoko man siyang saktan dahil kaibigan ko siya. Pero mas lalong ayoko siyang paasahin dahil sa iba naman tumitibok itong puso ko.
Pagkatapos kong magpunta sa aming mga pananim at iba pang lupain namin ay nagtungo na ako sa mansiyon at nabungaran ko kaagad si mama na nagbabasa ng diyaryo sa sala. Humalik ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi.
“Si Trevor bakit hindi mo kasabay?”
“Nagpunta pa siya sa planta ma. Ano iyang binabasa niyo?”
“Si Savianna Miramonte nasa diyaryo, iyong anak ng bilyonaryong businessman. Nawawala raw kasi siya, at sa mismomg engagement party pa niya.” Nagulat naman ako sa isiniwalat ni mama sa akin. Kinuha ko ang hawak niyang diyaryo at binasa ang nakasulat doon. “Kilala mo siya anak?” napatingin akong bigla kay mama at taka naman siyang nakatingin sa akin.
“Naririnig-rinig ko lang iyong pangalan niya mama”
“Naku hijo hindi kaya kinidnap siya? Tapos nanghihingi ng ransom? Naku napaka-gandang bata pa naman niya”
“Hindi ma”
“Anong hindi? Iba na ang panahon ngayon.” Ibig sabihin niyan ay umalis siya sa mismong engagement party niya. Pero bakit? Anong dahilan?” mga tanong sa aking isipan.
Pagkatapos mananghalian ay kaagad ako umalis ng mansiyon para pumuntang muli sa palengke at sunduin naman si lolo Tacio.
“Apo kanina ko pa napapansin sa’yo na parang may kakaiba sa’yo.” Saglit kong sinulyapan si lolo Tacio at ibinalik ang atensyon ko sa daan.
“Anong kakaiba naman po lolo Tacio?” nakangiti ko namang wika sa kaniya.
“Mukhang masaya ka ngayon eh”
“Si lolo talaga. Parati naman po akong maaya eh”
“Pero iba ngayon apo. Mas lalong umaliwalas ang mukha mo.” Nangingiti na lang ako sa sinabi niya sa akin. “May nangyari bang maganda ha apo?”
“Parang gano’n na nga po lolo”
“Kung ano man iyan, masaya ako para sa’yo Roco”
“Ahhmm lolo Tacio puwede po bang humingi ng pabor sa inyo?”
“Sige apo ano ‘yon?”
“Puwede po bang Rocky din ang itawag niyo sa akin?”
“Pero bakit?” takang tanong niya sa akin.
“Wala po lolo mas gusto ko lang po iyong ganoong bansag nila sa akin”
“Alam mo apo ang suwerte ni Ianne sa’yo kung sakali. Kasi kahit na kayo ang nagmamay-ari nitong buong bayan at mga lupain dito hindi kayo naging matapobre at mapagmataas kayong magkakapatid”
“Mahal ko po kasi siya lolo at sana magkaroon ako kahit konting pag-asa sa kaniya.” Marahan lang niya akong tinapik sa aking hita.
Pagkarating naming sa kanilang baryo ay kaagad naman kaming bumaba ng sasakyan nabungaran ko si Savianna na kausap ang tatlong bata sa balkon. Masaya silang nagkukuwentuhan at napangiti naman ako dahil nakasundo kaagad niya ang mga bata.
“Teka apo kanino itong isang sasakyan na nakaparada?” takang tanong sa akin ni lolo Tacio.
“Doon po sa sinasabi ko sa inyo kanina”
“Ah ganoon ba apo?”
“Kuya Rocky!” salubong sa akin ni Chyn at kinarga ko naman siyang kaagad. “Kuya Rocky nakaka-bilib talaga si ate Avi”
“Bakit naman?”
“Kasi kinantahan niya kami kanina ang ganda-ganda ng boses niya tapos iyong balat niya ang kinis! Hindi katulad ng balat ko parang balat ng niyog!” nakanguso niyang kuwento sa akin. Natawa naman ako dahil sa kaniyang reaksyon.
“Avi ba kamo ang pangalan ng sinasabi mo apo?” Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa tanong ni lolo Tacio.
“Opo lolo Tacio iyon siya oh!” sabay turo ni Chyn kay Savianna habang papalapit sa aming kinaroroonan. Kita ko kay lolo Tacio ang pagkagulat pagkakita niya kay Savianna.
“Good afternoon po lolo,” nakangiting wika niya at kay lolo Tacio nakatingin.
“Ikaw ba si,si”
“Yes lolo Tacio siya po iyong kinukuwento ko sa inyo. Siya si Savianna Miramonte”
“Savianna?” garalgal niyang wika.
“Kayo po pala si lolo Tacio. Kumusta po kayo? Kinukuwento po kayo ni lola Minda sa akin kanina”
“Talaga?” tumango lamang si Savianna.
“Ayos lang po ba kayo? Bakit po kayo umiiyak? May masakit po ba sa inyo?” sunod-sunod niyang tanong kay lolo Tacio.
“W-wala ito hija, medyo napagod lang kasi ako kanina sa palengke eh”
“Ganoon po ba? Sige po magpahinga na po muna kayo”
“Siyanga pala hija, puwede ba kitang tawaging apo?”
“Oo naman po lolo. Sa katunayan nga po naaalala ko ang namayapa kong lolo sa inyo. Hindi ko na rin kasi matandaan ang itsura niya eh wala rin kasi siyang picture sa bahay”
“Ah lolo Tacio mas maigi pa pong magpahinga na muna kayo ako na ang bahala kay Savianna”
“Sige Rocky.” Muli niyang binalingan si Savianna at marahang tinapik sa kaniyang balikat. “Masaya ako na naririto ka apo.” Pansin ko naman ang pagtataka ni Savianna at ngumiti na lamang siya rito at tumalikod na rin si lolo Tacio para pumasok sa loob ng bahay.
“Halika na ate Avi mamasyal na tayo nila kuya Rocky!”
“Sige! Saan naman tayo pupunta?”
“Saan mo ba gusto?” tanong ko sa kan’ya habang buhat ko pa rin si Chyn.
“Kahit saan wala naman kasi akong alam dito sa lugar niyo eh”
“Sige na Chyn tawagin mo na iyong dalawa mong kapatid sabihin mo sunduin na si Mang Carry.” Ibinaba ko na si Chyn para puntahan naman ang dalawa niyang kapatid.
“Sino naman si Mang Carry?”
“Sasakyan natin”
“Anong ginagawa nitong kotse ko? E ‘di magkotse na lang tayo papunta sa papasyalan natin. Saka teka kanino ‘yang dala mong sasakyan?”
“H-hiniram ko kasi medyo malayo itong bahay ni lolo Tacio eh”
“Ah, iyon naman pala eh! Dalawa ang sasakyan na narito bakit kailangan mo pa manghiram?”
“Hindi puwede ang kotse sa pupuntahan natin”
“Anong klase namang sasakyan iyong hinihiram mo? Traktora ba ‘yan?”
“Basta makikita mo na lang mamaya.” Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin ang hinihintay namin. Nanlaki pa ang mga mata ni Savianna pagkakita kung saan kami sasakay.
“Diyan tayo sasakay?!”
“Oo bakit? Mabait naman si Mang Carry eh”
“Oh my god! Kailan pa puwedeng sakyan ang kalabaw?”
“Huwag kang mag-alala ate Avi mabait iyan si Mang Carry. Saka hindi naman tayo mismo sa ibabaw niya meron siyang parang kariton na inilalagay sa katawan niya,” saad ni Bochok sa kaniya.
“Ano na Avi sasakay ka?” pansin ko ang kaniyang paglunok na ikinatawa naming lahat.
“S-sige na nga!” inalalayan ko naman siyang makasakay at sinunod ko ang kasama naming tatlong bata. Habang nakasakay kami ay kita ko sa kaniyang itsura ang pagkamangha sa bawat dinaraanan naming na siyang ikinatuwa ko. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar dahil lumaki siya na iba ang kinagisnan.
“Wow ang ganda! Tignan mo Rocky iyong mga bundok oh! Parang ang lapit-lapit lang nila. Puwede ba tayo pumunta do’n sa susunod?” masayang saad niya sa akin.
“Puwede naman”
“Talaga?! Saka tignan mo may mga kabayo rin pala rito. At saka ang lawak-lawak ng mga palayan dito ang ganda!” natutuwa naman ako dahil nagustuhan niya rito. Kung ibang mayayaman lang sana ang nandito baka hindi tulad ng kaniyang reaksyon ngayon.
“Sila kuya Rocky ang may-ari ng mga iyan ate Avi!” sabat naman ni Jasper ang pangalawa sa magkakapatid.
“Ha? Talaga?” tumingin naman sa akin si Savianna ng makabuluhan.
“Ang ibig niyang sabihin may tinataniman kami ng palay,” pinanlakihan ko naman ng mata si Jasper at alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin.
Nakarating naman kami sa isang burol at naupo naman kami sa ilalim ng puno habang ang tatlong bata naman ay masayang naghahabulan. Napatingin naman ako kay Savianna na nakangiting pinapanuod ang mga bata. Nang bigla naman siyang lumingon ay saka ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Naramdaman ko naman na unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya bigla akong napalingon sa kaniya at gulat niya akong tinitigan. Napaka-lapit ng mukha namin sa isa’t-isa at tumikhim akong bigla kaya napaayos siya sa kaniyang pagkakaupo.
“M-may ano ka kasi,d-dumi sa pisngi mo tatanggalin ko sana”
“Ah, ganoon ba?” pinunasan ko naman ang sinasabi niyang dumi.
“Meron pa”
“Dito ba?”
“Ako na nga.” Siya na mismo ang nagtanggal at napatulala naman akong bigla sa kaniya dahil nakikita ko siya sa malapitan kung gaano siya kaganda. Wala pa ring kupas. “Alam mo parang nakita na kita,” wika niya habang titig na titig sa akin.
“Saan naman sa panaginip mo?” biro ko sa kaniya.
“Ewan. Hindi ko na matandaan eh. Para kasing nakita na kita eh”
“Bakit ka nga pala napadpad sa lugar na ito?” saglit siyang natahimik at nakatanaw lang sa malayo. “Okay lang naman kung hindi mo sabihin alam kong may dahilan ka kung bakit ka naririto.
“He cheated on me.” Napalingon ako sa kan’ya at kita ko ang pangingilid ng kaniyang mga luha habang nakatanaw sa mga bata. “Umalis ako sa mismong engagement party namin dahil hindi ko na kinaya pa ang nasaksihan ko. Pinilit kong tanggapin ang unang nangyari sa kanila dahil pinaniwala ko sa sarili ko na inakit lang siya at dahil iyon ay sa lasing lang siya. Pero hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ‘yon sa pangalawang pagkakataon at sa mismong engagement party pa namin.” Pagkasabi niyang iyon, ay doon na bumagsak ang kaniyang mga luha na kanina niya pa pinipigilan.
“At sa tingin mo rin ba ay paglayo ang solusyon sa problema mo?”
“I don’t know, basta ang alam ko lang ayoko na siyang makita pa at hinding-hindi ko siya mapapatawad”
“Do you still love him?”
“Mahal ko pa rin naman siya at hindi biro ang pinagsamahan namin. Ang lalaking akala ko siya na ang makakasama ko pang-habang buhay ay siya pala ang sisira sa pagtitiwala ko”
“I’m sure hinahanap ka na niya pati mga magulang mo”
“I know pero wala pa akong balak na umuwi. Ikaw? Do you have a girlfriend?” ako naman ang natigilan at saka yumuko. “Alam ko na iniwan ka niya no?”
“Nope. At kahit kailan hindi pa ako nagka-girlfriend”
“What?! Are you sure hindi ka pa nagkaka-girlfriend? Napa-angat ako ng tingin sa kaniya at halata naman sa kan’ya ang pagkagulat.
“Mahal ko siya pero hindi niya alam. She doesn’t even know who I am”
“Stalker ka pala niya kung ganoon?”
“Let’s say ganoon na nga. May mahal kasi siyang iba.”
“Oh, well I’m sorry”
“Pero masaya pa rin ako ngayon dahil kahit papaano nakikita ko siya”
“Taga-rito ba siya?”
“I don’t know if gusto niya magtaga-rito”
“Alam mo kung ako ang tatanungin mas gusto ko rito kasi tahimik at napaka-simple lang ng pamumuhay. Kung sakali mang buksan kong muli itong puso ko gusto ko sa isang simpleng tao lang iyong kayang bumuhay ng isang simpleng pamilya. Iyong walang karangyaan. Dahil naisip ko na kaya siguro ako nagustuhan ni Aries dahil sa yaman. Dahil na rin siguro sa negosyo ng mga magulang namin. Gusto ko iyong mamahalin ako bilang ako hindi bilang isang Miramonte.” Mataman ko siyang tinitigan at nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Hindi ko lubos maisip na isang Savianna Miramonte ay mas gustong mamuhay ng simple lang dito sa probinsya.