CHAPTER 10

1735 Words
Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa palengke rito sa bayan. Ipinarada ko ang kotse ko at bumaba muna ng sasakyan. Inilagay ko naman ang suot kong sun glasses sa aking ulo at pinagmasdan ang palengke. Masasabi kong hindi siya katulad ng mga palengke na nadaraanan ko sa Maynila. Malinis ito at mahahalata mo naman sa itsura nito sa labas pa lang. Pumasok naman ako sa loob at namangha dahil napaka-laki ng naturang palengke at hindi siya ganoon kasikip, hindi tulad sa Maynila na kahit hindi pa ako nakakapasok ay alam kong masikip doon. Hindi ko naman mawari sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ito. Napahinto ako sa aking paglalakad at tumalikod na ako para sana bumalik na sa aking sasakyan ng may bigla naman akong mabangga kaya naman napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabangga ko. "Ouch!" Sabay himas ko sa aking puwitan. Napakagat labi pa ako dahil sa sakit ng aking pang-upo. "Miss I'm sorry, hindi ko sinasadya, sorry talaga." Napa-angat ako ng mukha para tignan kung sino ang nakabangga ko. Nanlaki pa ang aking mga mata ng makita ang kaniyang itsura. Masasabi kong napaka-guwapo niya at para bang nakita ko na siya kung saan at hindi ko lang matandaan. Nakasuot ito na sandong kulay itim at pantalon na may butas sa bandang tuhod at naka chuck tailor. Napansin ko naman ang dala niyang isang plangganang malaki na may lamang mga isda. Ibig sabihin lang nito ay nagtatrabaho siya dito sa palengke. Pero sa itsura niyang ito ay hindi siya mapagkakamalang nagtitinda ng isda o kung ano pa man. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "I'm not fine. Sorry din kasi hindi kita napansin." Imbes na magsalita siya ay gulat din niya akong tinitigan na para bang kilala niya ako. "Hey are you not going to help me?" Doon lang siya natauhan at tinulungan niya akong makatayo. Nang makatayo na ako ay biglang kumirot naman ang kaliwang paa ko kaya napangiwi naman ako at mabuti na lang ay nahawakan niya ang aking braso ng mapansin niya na matutumba ako. "Hey Ia__, I mean miss are you okay?" "M-masakit iyong paa ko napilayan yata ako dahil sa pagbagsak ko" "Come here, maupo ka muna." Pinaupo naman niya ako sa tabi at kinuha ang paa ko na napilayan. Tinanggal niya ang suot kong sandals na ikinagulat ko. Mabilis ko naman itong binawi dahil sa hiya. "O-okay na 'ko" "You're not okay, let me check your foot." Hinayaan ko na lang siya at hinilot niya ang paa kong napilayan. Napapangiwi ako dahil sa sakit ng paa ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung ito ba ay dahil sa sakit ng paa ko o dahil sa sakit na nararamdaman ko at ang dahilan nito ay si Aries. Napahinto naman siya at mataman akong tinitigan. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa aking pisngi at binitawan na niya ang aking paa. "S-salamat sa tulong mo, okay na 'ko. Tumayo na 'ko at dahan-dahan na rin siyang tumayo. "What are you doing here? In this kind of place?" Pinanliitan ko siya ng mata dahil hindi ako makapaniwala na nagtatrabaho siya rito sa palengke dahil base na rin sa kaniyang pananalita ay hindi mo mapagkakamalang trabahador siya rito. "Aaahm, a-ano kasi, I run away," yumuko ako at nagbabadya na namang bumagsak ang aking mga luha. Napasinghap ako ng hawakan niya ang siko ko at napatingala sa kan'ya. "Kaya mo bang maglakad?" "H-ha?" "Wala ka pang tutuluyan right?" "W-wala pa? Pero paano mong__" "It's not important. May alam akong puwede mong tuluyan" "Hindi ako sumasama sa hindi ko kilala," walang paligoy-ligoy kong wika sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin at pinasadahan pa niya ng kaniyang dila ang ibabang labi niya. Napalunok ako at nag-iwas ng sa kaniya ng tingin. "Don't worry miss hindi ako masamang tao at isa pa kilala ako rito sa palengke kapag may ginawa akong masama sa'yo puwede mo akong ipahuli kaagad" "E kung patayin mo na ako? Sa tingin mo makakapagsumbong pa 'ko?" Napabuga pa siya ng malakas sa hangin at muli akong binalingan. "Mukha ba akong mamamatay tao? O sige maghanap ka na lang ng tutuluyan mo at aalis na 'ko" "I'm sorry. Pasensya ka na kung na-offend ka sa'kin. Hirap na kasi akong magtiwala ngayon eh" "Hindi rin naman kita masisisi. You didn't even know me bakit ka nga naman sasama sa isang tulad ko" "I'm Savianna Miramonte," inilahad ko naman sa kaniya ang kanang palad ko at tinanggap naman niya ito. "Rocky" "Rocky what?" "Basta Rocky, that's what they call me," tumango na lang ako sa kaniya. "So let's go?" Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa makarating kami sa aking sasakyan. "Give me your key" "Ikaw ang magdi-drive?" "Alangan ikaw? Pilay na nga 'yang isang paa mo." Bumuntong hininga ako at ibinigay sa kaniya ang susi ng kotse ko. "Why?" Tanong niya sa akin ng nasa loob na kami ng sasakyan. "Anong why?" "Why you run away?" "None of your business. I just want a peaceful mind that's it," wika ko habang nakatanaw sa bintana. Hindi na siya sumagot at pinaandar na niya ang sasakyan. Habang bumabiyahe naman kami ay namamangha naman ako sa bawat madaanan namin. Sobrang ganda rito sa lugar na ito at tahimik. Sana sa lugar na ito ay mabilis kong makalimutan si Aries pero hindi ko naman alam kung paano ko ito sisimulan. "Gusto mo bang mamasyal?" Napatingin ako sa kaniya at siya'y nasa daan pa rin ang atensyon. "Puwede ba?" Kita ko ang pagngiti niya at napatulala akong bigla sa kaniya. Alam kong nakita ko na siya pero hindi ko talaga matandaan kung saan. At ang mata niya ay parang may kapareho. Ipinilig ko pa ang aking ulo para alalahanin ito. "May problema ba?" "H-ha?" "Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh" "W-wala naman." Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa isang baryo. Una siyang bumaba at inalalayan naman niya akong makababa sa sasakyan. "Kuya Rocs!" salubong sa kaniya ng tatlong bata. "Oh, naligo na naman ba kayo sa dagat?" "Opo, kanina ka pa nga namin hinihintay eh." Tumingin naman sa akin ang isang batang babae na sa tantiya ko ay nasa edad na limang taon. "Hi ate! Ang ganda-ganda mo naman po para kang barbie doll!" Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. "Kuya Rocs siya na ba iyong kinukuwento mo?" saad naman ng isang batang lalaki. "H-hindi siya ano ba kayo! Sige na magbanlaw na muna kayo." Sabay-sabay namang umalis ang tatlong bata at nagtungo na kung saan. "Sino iyong tinutukoy nila? Girlfriend mo?" Tumikhim muna siya bago ako sagutin. "Halika na ihahatid kita sa tutuluyan mo." Napanguso naman ako dahil hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. I'm sure one sided love lang 'yon kaya ayaw niyang pag-usapan, bulong ko na lang sa aking isipan. Nagtungo kami sa isang bahay kubo at pinaupo muna niya ako sa upuang kawayan at siya nama'y pumasok na muna sa loob. Ilang minuto pa ay may kasama na siyang isang matandang babae pagkalabas niya kaya napatayo naman ako at ngumiti sa kaniya. "Good morning po," bati ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at titig na titig. Nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang niya akong tignan at medyo maluha-luha ang kaniyang mga mata. "Lola Minda siya po pala si Savianna," pakilala ni Rocky. Tumango naman siya at matamis na ngumiti sa akin. "Kumusta ka hija?" "Ayos naman po" "Tawagin mo na lang akong lola Minda" "Sige po lola Minda. Ako po pala si Savianna Miramonte. Tawagin niyo na lang po akong Avi" "Sige Avi." Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin na siyang ikinataka ko. Maya-maya ay napansin ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha na kaagad naman niyang pinahid. "Lola Minda ayos lang po ba kayo?" "Ah, o-oo Avi h-huwag mo akong alalahanin. Naalala ko lang kasi ang apo ko sa'yo kasing edad mo na rin siguro siya" "Nasaan na po ba siya ngayon?" "H-hindi ko alam eh" "Siyanga po pala lola Minda dito po muna si Avi tutuloy sa inyo" "Huwag po kayong mag-alala magbabayad po ako ng upa sa inyo buwan-buwan may matuluyan lang po ako" "Naku hija hindi na, ayos lang kahit kailan mo gusto mamalagi rito" "Pero lola__" "Apo, masaya kaming naririto ka" "P-po?" "A-ang i-ibig kong sabihin, masaya kami kasi may makakasama kami rito" "Ibig pong sabihin hindi lang po ikaw ang nakatira rito?" "Asawa niya si lolo Tacio iyong pinagtatrabahuhan ko sa palengke," takang tinignan naman ni lola Minda si Rocky na tila hindi nito alam na roon siya nagtatrabaho. "Sige maiwan muna kita rito ah babalik na lang ako mamaya kapag tapos na ang trabaho ko." Tumango lamang ako sa kaniya at nagpaalam na rin siya kay lola Minda. Hindi pa siya nakakalayo ng tawagin ko naman siya. "Rocky!"lumingon siya at nilapitan ko pa rin siya kahit na medyo paika-ika ako dahil sa pilay ko. "S-salamat nga pala saka pasensiya ka na rin kanina kung masama ang pagkakakilala ko sa'yo" "Ayos lang, and don't thank me first dahil may kapalit 'yan" "H-ha?" Kinindatan lang niya ako at nginitian. Bakit ganito? No! No! No! Hindi puwedeng makaramdam kaagad ako ng pagka-gusto sa lalaking hindi ko naman kilala. Na-aatract lang ako sa kan'ya dahil guwapo siya, that's it! Sabi ko sa aking isipan. "Sige aalis na 'ko," akmang tatalikod na siya ng muli akong magsalita. "Sandali. Kailan tayo mamamasyal?" "Gusto mo ba mamaya?" Ngumiti naman ako ng malapad sa kaniya at parang bata na tumango. "Isama natin iyong mga bata kanina puwede ba?" "Sure no problem! Paniguradong matutuwa sila kasi may kasama silang maganda." Bigla naman akong nahiya sa kaniyang sinabi at yumuko. "Sige mauuna na 'ko baka kasi hinihintay na rin ako ni lolo Tacio eh" "Sige mag-iingat ka." Tinatanaw ko naman siya habang papalayo siya sa aking kinaroroonan. "Alam mo napaka-bait niyang si Rocky," napapitlag naman ako nang lumapit sa akin si lola Minda na nakatanaw rin kay Rocky. "Matagal niyo na po ba siyang kilala?" "Oo hija, siya rin ang tumutulong sa amin ng lolo mo. A-ang ibig kong sabihin ni lolo Tacio mo, mamaya makikilala mo siya pag-uwi niya" "Ah, sige po lola Minda" "Halika na sa loob para makakain ka na ng almusal paniguradong nagugutom ka na." "Sige po lola Minda kanina pa po talaga ako nagugutom eh," natawa na lang siya at sabay na kami pumasok sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD